Ama

62 1 2
                                    

Oh, Ama saan ka ba tumila?

Parang asong kalyeng biglang nawala. 

Nawawala na tila isang dukha.

Mga mata'y walang tulo ng luha.

Nasanay ka sa mga materyal na bagay.

Mga inumi't pera lang ang iyong pakay.

Aalis at iiwan ang mga inakay.

Mawawala at mangingibang-bahay. 

Oh, Ama iyo bang natatamasa 

Ang kaligayahang iyong pinapangarap? 

Kami'y nilisan mo, talos ng karamihan 

Pag-ibig na ibinigay ay hindi mo nasuklian. 

Ang aking mga pisngi sa mukha 

ay hindi natitigang sa luhang sagana 

Kada madaanan sana ay umusbong 

ang kaligayang papalit sa lungkot. 

AmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon