DANIEL'S POV
*riiiiing* *riiiiiiing*
Ugh. Panira tong alarm clock nato. Dumilat ako ng kaunti para tingnan yung oras, 6:00. Ang aga pa. Psh. Pinatay ko itong panira at natulog ulit.
*riiiiiiing* *riiiiiing*
"Punyeta naman oh!" Sabay patay ng alarm clock at tumayo na. I did my thing tapos bumaba na para sa breakfast.
Nakita kong nagpeprepare na si Yaya para sa breakfast.
"Good morning Ya!" Bati ko.
"Good morning anak. Eto kain na."
Napansin kong 2 yung platong nandito. Ahh baka sasabay si Yaya sakin. Nagsimula na akong kumain pero hindi parin umuupo si Yaya.
"Ya, hindi kayo sasabay sakin?"
"Ha? Hindi. Tapos na ako kanina. Sige na kain ka na riyan."
"Eh bakit may isang plato pa dito?"
"Para sa Papa mo." At naglakad na siya papuntang kitchen.
Ano? So magkasabay kaming magbebreakfast? Himala ha. Every morning kasi, pag gising ko ay wala na siya dahil nasa company na. Kaya himala talagang dito siya magbebreakfast.
Maya maya ay bumaba na siya at umupo sa tapat ko then nagsimula naring kumain. Tahimik lang kami pareho. Tapos na ako kaya tumayo na ako at dinampot yung bag ko.
"Ya! Alis na po ako! Salamat sa breakfast!" Sigaw ko dahil nasa kitchen siya. Hindi ko na siya hinintay sumagot at tumalikod na ako.
"Anak." Nagulat ako nung may humawak sa balikat ko pero hindi ko siya tiningnan.
Anak daw? Huh. Hindi ako sumagot.
"Kung hindi mo matanggap ang sorry ko, sana man lang mahalin mo yung mga taong nasa paligid mo. Sana ay hindi ka binalot ng galit mo nang siyang dahilan kung bakit ka nananakit sa CU. Nabalitaan ko na nagiging bully ka na raw roon at nagiging warfreak. Hindi ka pinalaki na maging ganon. Go back to the old Daniel. Sana magbago ka na."
Binawi ko ang bakikat ko at tinignan siya. "Magbago? Ako ang kailangan magbago? Di ba dapat ikaw ang kailangan magbago? Hindi naman ako magiging ganito kung hindi dahil sa inyo." Sabay pasok sa Dodge ko.
Ugh. Badtrip tong araw na to.
Pagdating ko ay pumasok agad ako. Nagwewaveboard ako dahil tinatamad akong maglakad. Pagpasok ko ay naglelesson na sila. Tinignan ko yung relo, late ako ng 45 minutes. Tss.
Tumigil siya sa pagdediscuss at binati ako "Good morning, Mr. Cervantes. You're late."
"I know. May relo ako."
Pagupo ko, napansin kong nakatingin si Alex sakin kaya tumingin rin ako sakanya. Nagsmile siya sakin pero tinanguan ko lang siya at umiwas ng tingin. Wala ako sa mood eh.
Lunch.
Nasa canteen na kami ngayon kasama sila Alex. Dito na sila uupo sa table namin diba? ~_~
Tahimik lang ako habang kumakain. Una akong natapos sakanila dahil naguusap usap sila. Hindi ko alam kung ano ang topic nila, tumatawa pa nga eh.
Napatitig lang ako kay Alex habang tumawa siya. Mas lalo pala siyang maganda kapag tumatawa noh?
"HOY!" Sabay tapon ng tubig sakin.
"WHAT THE?!" Tinignan ko yung damit ko tapos tumingin kay Drake. "Are you nuts?!"
BINABASA MO ANG
'Till I Met You
Fanfiction'Till I met you, I never knew what love was. 'Till I met you, this feeling seems to grow more everyday, I love you more each day.