Chapter 43: Chocolates

69 3 0
                                    

Mau's POV

 After a how many hours nakarating na din kami sa retreat house namin sa tagaytay.

Maraming magagandang views dito na nakakarelax, pag-baba mo palang ng sasakyan marerelax ka na.

Pumasok na kami sa loob ng bahay, medyo may pinagbago siguro pinaayos ni mommy 'to. Tagal ko na ding hindi nakapunta dito eh.

Kinuha ko sa staff ni mommy yung mga susi ng kwarto tapos hinagis ko sakanila.

"oh... clar ikaw ng bahala sa kwarto niyo, girls sunod kayo sa akin!" sabi ko tapos umakyat na ko ng hagdan.

Magkatabi lang naman yung kwarto namin ng mga boys kaya no worry sila. Pagpasok namin sa kwarto nilapag ko yung mga gamit ko tapos nagpaalam ako sakanila.

"girls... labas lang ako ha?!" Paalam ko na ikinalingon nila, nag-aayos na kasi sila ng gamit nila. Ako siguro mamaya na pag-sinipag ako.

"Saan ka pupunta?! Mau yung totoo? Ok ka lang ba?!" Nag-aalalang tanong ni Patricia.

"Anything wrong?! Or somethings bothering you then?!" Dagdag na tanong ni ate nette. Nahalata siguro nilang im not fine.

Umiling ako tapos i fake a smile, "hmm.. wala ok lang ako, siguro i need some fresh air lang! Kaya labas muna ko ha?! I'll be back then, after an hour!"

"Sure ka ha?! If you need some help call us lang, puntahan ka agad namin dun!" Ate nette.

"Sige po... thanks guys!" Sabi ko tapos tumalikod na ko para lumabas ng pinto.

"Sige...!" sagot nila.

Saan ako pupunta? doon sa favorite kong puntahan pag nandito ako, sa may pool area ng retreat house na 'to, pag gusto kong mapag-isa dito ako nagpupunta .

Nakarating na ko sa pool area, binaba ko yung mga paa ko sa pool, i feel relaxed pag nandito ako tahimik kasi. Kuliglig lang ang maririnig mo. At malimig na simoy ng hangin yung mararmdaman mo.

Tapos nag-isip-isip ako. Yung mga nangyari ng buong taon syempre hindi ko maiwasang hindi maisip yung pinakamasakit na nangyari sa akin, hanggang sa maiyak na ko.

Leb's POV

Napagpasyahan kong lumabas muna saglit, kukuha ako ng lakas ng loob para sa pag-aming gagawin ko mamaya.

Sana umepekto, sana hindi niya ako ireject. Hindi ko man makuha kaagad ang sagot niya gagawin ko ang lahat para sakanya.

Pumunta ako sa room ng girls kanina, i asked ate nette if nandun si mau, she said wala daw lumabas. Panigurado nandun yun sa favorite place niya dito sa retreat house nila.

Sabi na nga ba nandito nanaman siya, nakita ko siyang umiiyak. Alam ko na ang gagawin ko para mapangiti siya.

Mau's POV

Patuloy ako sa pag-iyak, ayaw ng tumigil ng pesteng luha na 'to. I feel every pain na naramdaman ko noon. Parang bumabalik lahat lalo na pag iniisip ko.

"oh umiiyak ka nanaman?!" sabi ng boses na narinig ko. Teka ang alam ko ako lang mag-isa dito kanina ah. nilingon ko siya.

"panu mo nalamang nandito ako? sinung nagsabi sayo?" tanong ko. Si leb yun, naku siguro kanina pa siya dyan at nakita nanaman niya umiiyak ako.

"nakita lang kita, tsk hindi mo pa din talaga ako naaalala!" sabi niya sabay upo sa tabi ko.

Eh?????? anu daw?????

"bakit naman dapat kitang maalala?!" takang tanong ko. Pinagsasabi niya?! May amnesia ba ko at dapat ko siyang maalala?! Hindi ko naman siya nakalimutan ah?!

Ngumiti siya tapos may inabot siya sa aking CHOCOLATES.

"oh... ayan sayo nalang!" nakangiti niyang sabi, kinuha ko. Chocolates favorite ko yun.

"oh ayan nakuha mo na, hindi mo pa rin talaga maalala?!" tanong niya. Umiling ako, nagtataka na talaga ko, may something na tinatago sa akin 'to! Hindi ako informed dun. Ano bang pinagsasabi niya. Clue nga please.

Afraid To Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon