Mau's POV
*takbo*
*takbo*
*lakad*
Ganyan yung ginagawa ni leb dito. Grabe nahihilo na nga ako eh.
Tapos tatanungin niya ko, "ano naalala mo na?!" nababaliw na yata 'to.
Umupo siya sa tabi ko, napagod na siguro. May kinuha siya sa bulsa niya.
"eh eto?!" tanong niya.
May pinakita siya sa aking necklace na may Heart Shaped Pendant, napakunot ako ng noo. May naalala ako.
*Ting*
Flashback: (10 years old palang si leb at mau dito)
Nandito ako sa may pool area ng retreat house namin, iniwan kasi ako ni mommy may pupuntahan daw kasi siya at bawal akong sumama.
Umiiyak ako kasi ayokong maiwang mag-isa, napatingin ako sa batang tumabi sa akin.
Lalaki siya tapos may inabot siya sa aking chocolates.
"oh ayan sayo nalang! :)" nakangiti niyang sabi. Inabot ko naman yung binibigay niya.
"bakit ka umiiyak?!" tanong niya.
"Huuuu~ iniwan kasi ako ni mommy ko eh!" sabi ko ng naiiyak.
Tapos may nilabas siyang necklace na may heart shaped pendant.
"oh eto sayo nalang!" sabi niya tapos napangiti ako.
"wag ka ng umiyak, hindi bagay sayo ang pangit mo!" natatawang sabi niya tapos sinuot niya sa akin yung kwintas.
Saglit lang niya akong sinamahan, pero nafeel ko na may napasaya niya ako at nawala yung takot ko na ako lang mag-isa dito.
Pagkatapos niyang isuot sa akin yun umalis na siya, nagawa niya akong pangitiin kahit saglit lang. Hindi na sko nakapag-thankyou sakanya kasi umalis na siya.
End of Flashback
"so ikaw yun?!" gulat kong tanong kay leb. May ganun kasi akong necklace dati, nawala lang nung naglipat kami ng bahay siguro naiwan ko kung saan.
"oo ako yun!" sabi niya.
Paanong nangyaring siya yun?! naguguluhan ako. =_____=
"alam kong naguguluhan ka, simula nung nangyari yun hindi na kita nakalimutan, sakto namang close ang mommy ko at mommy mo so hanggang ngayon may communication sila, yung reason ng paglipat ko sa Pillowfield Academy, is because of you. Kaya nga ganun nalang yung reaction ko nung first day of class kasi natulala ako sayo, ang ganda mo pa rin!" paliwanag niya.
Waaaaahhh... ang galing niya nahanap pa rin niya ko, siguro since noon stalker ko na 'to.
Bigla ko siyang niyakap hindi ko alam pero napapangiti ako ngayon, yung kahit ganung effort lang yung gawin niya kaya niya kong mapasaya.
BINABASA MO ANG
Afraid To Say I Love You
Teen FictionStorya ng isang babaeng natakot sa salitang iloveyou dahil hindi ito napatunayan sa kanya. Kung darating ba ang pagkakataong may taong muling magpapatunay ng pagmamahal sa kanya maniniwala pa ba siya o hinding-hindi na? StoryCover by: charm lee