i
"Darating din ang para sa iyo.."
"Mag-hintay ka na lang, malay mo, nasa tabi tabi lang din sya.."
"Na-traffic pa siguro sa Edsa, kaya di pa kayo nagkikita. Basta tandaan mo, on the way na yun!"
"Bata ka pa naman, wag ka na masyadong magmadali.."
Yan ang palagi kong naririnig na sinasabi nila sa akin. Sawang sawa na rin akong pakinggan ang mga yan. Sa araw-araw na ginawa ng diyos, yung sarili ko lang ang parati kong kasama bukod sa pamilya at mga kaibigan ko. Sabi nila, atleast may kasama ka diba? Pero iba pa rin yung ibang taong hinahangad ko. Wala na bang ibang darating? Hanggang dito na lang ba talaga? Hindi na ako pabata, 2 taon na lang nasa huling araw ng buwan ng Abril, Hunyo, Setyembre at Nobyembre na ang edad ko.
Nakakalungkot isipin na magiging kasapi ako ng mga kasamahan ng mga matatandang dalaga dito sa amin. Ayaw ko man, pero mukhang doon ang bagsak ko.
Ni hindi ko man lang maeexperience kung paano kiligin! Ni hindi ko mararamdaman yung pakiramdam ng may nagmamahal sayo? Yung dadalhan ka ng flowers at chocolates. Yung susunduin ka pagkatapos mong magtrabaho. Wala na bang ganun? Wala na bang pag-asa?
Di na rin ba malalagyan ng text ni Babe yung inbox ko? Puro na lang ba si 8080, 4438, 9999, NDRRMC, MMDA, LAZADA, GRAB, UBERPH ang laman nito?
Kailan ka nga ba darating? May aantayin pa ba ako? Saang tabi tabi ba ako dapat pumunta, para makita na kita? Sana naman umusad na yung sinasakyan mo jan sa Edsa! Lord, akala ko ba ginawa mo ang mga tao ng may partner? Bakit ako mag-isa? Bakit walang para saakin?
BINABASA MO ANG
21 and 28
RomanceDear future husband, where na you? Dito na me! Ang tagal ko ng nag-hihintay sa iyo. Busy ka pa ba hanggang ngayon? I'm looking forward to meet you. Tandaan mo, hindi na ako pa-bata!