Part title

2 0 0
                                    

✨✍🏻
Nandito na naman si Kent sa library. Sana naman mapansin niya na 'yung dinikit kong sticky note sa librong palagi niyang binabasa - Chemistry. Huling taon na namin sa high school at hanggang ngayon, ni hindi ko pa alam kong kilala na ba ako ni Kent.

"Reina!" tawag ni Lyn sa akin. Tapos na ang vacant time namin. Nilingon ko si Kent bago kami umalis. Nakita kong binasa niya ang note ko na 'Hi Kent! Galing mo talaga sa Science. - Ms. R' pero nilagay niya lang sa gilid ito. Okay lang, baka ayaw niya sa color pink.

Inutusan ako ni Ms. Felly na dalhin 'yung microscope sa science lab. Nagdala ako ng note, madadaanan ko kasi 'yung room nila. PE nila kaya walang tao. Idinikit ko sa desk niya na nasa likod iyong note ko na, 'Hi Kent! Malapit na birthday mo. Advance ha. - Ms. R'. Sa susunod na linggo na ang birthday niya. Sana mapansin niya 'yung orange na sticky note ko.

Nandito na naman ako sa library at panay ang nakaw-tingin ko kay Kent. Hindi ko na nga maintindihan ang binabasa kong libro. 'Hi Kent! Bakit fave mo ang Science?', nakasulat sa dilaw na sticky note 'yan. Nakakunot-noong binasa ni Kent ang sulat ko. Bakit kaya? Mali ba ang grammar ko? Wrong spelling ba? Nasa Section 3 ako pero hindi naman ako ganoon kahina sa spelling. As usual, nilagay niya lang sa gilid ang sticky note ko. Ayaw niya rin yata sa yellow?

Nasa canteen kami ni Lyn nang dumating si Kent kasama ang dalawa niyang kaibigan. Kinuha ko kaagad ang sticky note ko na violet at sinulatan ng, 'Hi Kent! Enjoy your snack! Pakabusog. - Ms. R'. Ayan, kinurot ko pa si Lyn para lang idikit niya sa table na pinagpwestuhan ni Kent 'yung note ko. Buti na lang at nakatalikod ito habang bumibili. Teka! Sinulatan ni Kent ang sticky note ko! Ano kaya?

Mas umunat ata lalo ang buhok ko sa pag-iisip ng kung ano ang ibig-sabihin ng isinulat ni Kent na 'Hbeli'. Ano kaya 'to? Hebeli? Habeli? Jejemon kaya si Kent? Sabi ni Lyn baka pinagtitripan lang ako ni Kent. Once in a blue moon na nga lang magreply, pinagtripan pa. Saklap.

Birthday ni Kent ngayon. Hinintay kong pumunta siya sa library pero natapos na 'yung vacant time namin, hindi siya dumating. Dala ko pa naman ang regalo kong Chemistry dictionary. Palabas na kami ni Lyn nang makita ko naman si Kent na papasok ng library. Hindi man lang ako tiningan. Uwian ko na lang siguro iaabot yung regalo ko.

Pagdating namin sa room, nakita ko 'yung desk ko na may periodic table at pulang sticky note na may nakasulat na tulad ng reply ni Kent, 'Hbeli'. Nakabilog ang chemical symbols na H, Be, at Li. Teka, napansin ko bigla ang atomic numbers ng tatlong elements, ito ay 1, 4, at 3. Unti-unting nagsink-in ang kahulugan ng mga letra nang biglang naghiyawan ang mga kaklase ko. Nakita ko si Kent na nasa harap ng room at may hawak na tatlong pulang rosas. Lumapit siya sa akin na nakangiti. Parang nag-slow mo ang paligid. Ang tahimik pero ang ingay ng kalabog ng puso ko. Halos hindi ako makahinga ng ipinakita ni Kent ang garapong may mga rinolyong makukulay na sticky notes sa loob. Iyon ang mga sticky notes ko! "Hbeli, Ms. R. Hbeli, Reina. Baka naman pwedeng ako naman ang magpadikit ng sticky love notes sa puso mo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chemistry at Sticky Love NotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon