Florence Gayle Jacinto.
Isang babaeng nakikita ko kapag umuulan.
Natatawa ako sa ibinigay kong definition sa pangalan niya. Paano ba naman kasi, talagang umuulan kapag nagkakatagpo kami. Ang weird. It's like the heavens are against it. Or pwede ring may gustong ipahiwatig ang langit everytime we meet.
Napaka-boring naman nitong class ko ngayon. Lalo tuloy akong inaantok. Sana pala talaga pinagpatuloy ko na lang yung pagtulog ko sa library kanina. Nandoon na naman si Florence, pero sinungitan niya lang ulit ako. Umalis na lang ako agad.
Si Florence. Naasar yata talaga siya sa'kin. Pero nakakatawa kasi talaga yung reaction niya kapag nagugulat siya. Lalo nung unang beses kaming nagkasama dun sa library. Sabihin ko ba naman kasing malaki ang mata niya, natural maaasar siya kaya lumaki din ang mga mata niya.
Hindi naman talaga masyadong malaki ang mga mata niya. In fact, sakto lang. Lumalaki nga lang sila 'pag nagugulat siya o nagtataray. Natawag ko tuloy siyang kwago. Haha. Ang cute niya kasi pag-naaasar siya. Para siyang kamatis na pulang-pula kapag naiinis.
At saka panong hindi ko naman siya aasarin, titig na titig kasi siya sa'kin nun. Siguro isa na naman siya sa mga babaeng nahulog sa kagwapuhan ko. Wahaha. Joke lang.
Pero minsan, nakakainis din na palagi ka na lang nilalapitan at pinapansin ng ibang tao dahil sa itsura mo. Minsan talaga, naiinis na 'ko sa itsura ko. I mean, seriously, can't they tell me something else rather than just 'cute' or 'good looking'?
One of the reasons why I rarely talk to people and mingle with them is because of my face. Naiilang kasi ako sa mga sinasabi nila. Lalo na sa mga hindi ko naman talaga kakilala. That is why I liked being alone. I don't even care if my parents call me socially awkward, o kung wala akong kahit isang close na kaibigan. Hindi kasi ako natutuwa sa tingin nila sa'kin. Ayoko talagang tinatawag akong gwapo o pinapansin nila ako dahil sa itsura ko lang. Kaya nga ayoko na sanang sumama pabalik ng Manila kung naging maayos lang sana ang mga pangyayari.
If everything went well as planned, sa Tagaytay na sana ako nag-stay. Pero dahil sa wala na akong rason para manatili roon, sumama na lang ako kina Mommy at Daddy.
Ayoko sanang bumalik ng Manila kasi hindi naging maganda sa'kin yung lugar nung bata pa ako--- konting usok lang at alikabok ang nalalanghap ko, agad na akong nagkakasakit. Sakitin talaga ako ng bata ako kaya madalas ako sa ospital. Kung hindi naman, sa bahay lang ako. Dun siguro nagsimula yung pagiging loner ko. Wala naman kasi akong naging mga kaibigan sa bahay. Si Ate Lani, yung katulong namin sa bahay lang ang naging kasama ko madalas.
Sina Florence at Kuya Timothy lang ang bumibisita sa'kin noon sa bahay o sa ospital pag naka-confine ako noon, pero hindi rin naman ako naging close sa kanila masyado kasi sila nakakapaglaro sa labas samantalang ako nasa loob ng bahay lang. Hindi kasi ako pinapalabas ng bahay noon ni Mommy dahil madali nga akong magkasakit.
Kaya pag dumadalaw sila sa bahay kasama ang Mommy nila, pinanonood ko lang silang maglaro. Naaalala ko pa, tuwang-tuwa ako noon kapag sa loob sila ng bahay naglalaro kasi nakakasali ako.
Kaya gulat din ako nang makita ko si Florence na sumakay ng kotse namin the very first time we met as grown ups. Ang laki na ng pinagbago niya. At totoo nga ang sabi ni Mommy na gumanda nga siya.
Pero hindi na siya yung kababata kong dinadalhan ako ng laruan noon sa ospital. Hindi niya na ako maalala at parang hindi naman siya interesadong makipagkaibigan ulit sa akin. Sabi pa naman ni Mommy dapat maging close kaming dalawa para may maging kaibigan na daw ako sa school. Pero sa totoo lang, okay lang naman sa'kin na wala akong kaibigan sa school. Istorbo lang kasi sila sa'kin. Mas masarap kayang matulog.
BINABASA MO ANG
Especially For You
Teen FictionMagkababata. Parehong mula sa isang heartbreak. At palaging nagtatagpo kapag umuulan. Si Florence, na masayahin ngunit may tinatagong heartaches mula sa nakaraan. At si Geoff, na may sariling mundo ngunit may matagal nang inaasam. Will they find l...