Reinous' POV
Langya talaga tong babaeng to. Lumipat lang pala ng matutulugan, pinahirapan pa kong pag-alalahin..
*BLAG
"BREEEEE!"
"AY PUSANG INAHIN!" nakakagulat naman tong isang to. Walang panahon na pumunta ako dito ng hindi nya ako ginugulat. May balak atang tapusin nito ang buhay ko ng maaga.
Bigla nalang papasok, laging may delubyong entrance eh. Tong Conell na'to.
May dala-dala syang gabundok na puro folders nanaman, at agad binagsak ito sa tinutulugang lamesa ni Breetha. At napabangon naman sa lakas ng ingay na pagkakabagsak..
"Ano to?.." inosenteng tanong nya kay Conell.
"Ay... Amnesia lang? Nasa lugar ka ng Luxsyria company kung nakakalimutan mo. May trabaho ka pa. Ipipick-up ko to by 12:30. May 2 hrs, 38 mins, at 9...8..7..6..secs." at umalis na si Conell..
"Trabaho nenemeeeeen.. Di pa ko naliligo. Di bale na. Pero sobrang dami naman nito, sa tingin mo Rein.." tanong nya sakin.
Ipapasa nanaman nya sakin mga trabaho nya. Edi sana ako nalang ang nagmay-ari nito, kung puro sakin ipapasa ng babaeng to.
"Rein... pwedeng..." kinurap kurap nya yung mga mata nya at nakapagdaop ng palad. "Mainit pa kasi ako.. atsaka..*Ubo* *Ubo*.. ay nilalagnat. Sakit ng ulo." paawa epek nya.
"Hoy.." tinulak ko yung noo nya gamit ang hintuturo ko.. "Namumuro ka na ah! Masakit ulo mo? Gusto mo pati katawan lagyan natin ng sakit? Para pantay." pinagalitan ko sya at ngumuso lang.
"Andami dami naman kasi neto.. Mas mataas pa sa Mt.Everest.." Reklamo nya.
Angaling galing talaga ng babaeng 'to sa pagrereklamo, kaya walang natatapos eh.
"Mas mataas pa sa Mt.Everest yang pagiging OA mo.. Simulan mo na." at naupo ako sa sala at nagbasa ng dyaryo..
Sinimulan naman nyang buklatin ang mga folders at humikab.. Wala talaga sa ayos 'tong babaeng to. Sa tingin nya matatapos lahat ng trabaho nya sa pahikab hikap lang.
"Rein..." tawag nya sakin sabay pagtayo nya.. Kasabay ng paglipat ko ng pahina sa dyaryong hawak ko.
"Oh.." tugon ko
"Buti naiintindihan mo yan.. English yan eh. Hehehe!" pilosopong tanong nya..
"ABA! DI KA MAGTATRABAHO?!!!" napatayo ako at hinagis yung dyaryo sa lapag. Bigla naman syang tumawa at tumakbo sa CR.
Sukat akalaing magbiro pa ng hindi maganda. Buset.
Dinampot ko ulet yung dyaryo.. English nga. Malay ko ba. Di ko naman binabasa eh, tinitignan ko lang yung mga pictures. Manila Bulletin ang tatak ng dyaryong to, ang laking dyaryo. Ang naiintindihan ko lang basahin yung mumurahing dyaryo na tiglilimang piso lang. Kadalasan itong mga dyaryong mamahalin nakikita ko sa TV, habang nagbabasa sila may iniinom silang kape. Parang pangsosyal tignan.
BINABASA MO ANG
Ikaw ang swerte ko
Humor[Copyright 2013 LallipopER] Swerte, Malas, Lampa, Malusog, Mayaman, Mahirap. Kahit alin ka sa mga yan, pag dating sa pag-ibig pantay-pantay. Sa tadhana, walang sino-sino o ano-ano. Nasa mataas ka man o na sa baba, kapag napaibig- babagsak ka o dikay...