Dj's POV
Ako nga pala si DJ Cruz, isang accountant sa isang private company. Nag-iisa na lang ako ngayon sa buhay. Namatay ang mama ko dahil sakit, nagpakamatay ang pinakamamahal kong kapatid na si Mia, at namatay sa sunog ang papa ko.
Masaklap ang buhay ko? Oo! Kaya hindi ako papayag na walang managot sa pagkasira ng buhay ko.
Andito ako ngayon sa tapat ng school ng kapatid ko. Kung hindi kaya ng mga pulis na imbestigahan ang pagkamatay niya ay ako ang gagawa non. At walang makakapigil sa akin.
"Miss, kilala mo ba ung babaeng nagpakamaty dito last month?" Tanong ko sa bawat estudyanteng babae na nakakasalubong ko. Ngunit hindi daw nila kilala ang kapatid ko.
Siguro nga hindi nila siya kilala dahil tahimik lang ang kapatid ko. Pero may nabanggit siya noon sa akin na may bestfriend daw siya dito. Si Mara.
"Kuya, doon po kayo magtanong kasi po yan ung mga kaklase niya" sagot ng isang babae sabay turo sa kumpol ng mga babaeng magkukwentuhan.
"Ah sige, salamat ha!" Sabi ko sakanya.
Lumapit ako sa kumpol ng mga banaeng tinuro nung babae at nagtanong. "Kilala niyo ba si Mia? May nakapagsabi sa akin na kaklase niya raw kayo" biglang napatingin sa akin na gulat ang mga babae.
"Ah eh, opo, kaklase po namin siya pero ndi po kami close sa kanya" sabi ng isa.
"Mahirap po kasi siya lapitan, masyadong tahimik at hindi alam kung may iniisip na kung anu-ano" sabat ng isa.
"Ilang araw po bago siya magpakamatay e pansin naming close sila nung sikat na artista at model dito sa school. Ang parati niyang katabi sa room ay si Mara" sabi ng isang parang maldita.
"Sinong artista at model yan?" Tanong ko.
"Si Grace po ung sikat na artista, ung maraming pelikula na pang-adults. At ung sexy model naman po ay si Ana" sagot ng isang nakasalamin.
"Sinong Mara?" Tanong ko ulit. Ayos to! Makakahanap na rin ako ng ebidensya sa pagkamatay ni Mia.
"Siya po un!" Turo ng lumba-lumba sa tabi na nakikinig sa usapan namin. "Tahimik lang din yan kaya parating binubully ni Grace at Ana." Dagdag niya pa.
Tinignan ko ung tinuro niyang babae. Oo nga at parang pareho sila ng kapatid ko. Mukhang tahimik.
"Sige ha. Salamat sa mga impormasyon" paalam ko sa grupo ng babae.
Naglalad na ako palabas sa school ng kapatid ko. Pero nang nasa gate ako, tinitigan ko muna ung tinuro nilang si Mara.
Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman ang totoong nangyari Mia. Pananagutin ko may may gawa niyan sayo.
Humanda kayo Grace, Ana, at Mara!!
BINABASA MO ANG
I am Dangerous
Short StoryJustice is his goal. This story is for matured minds. R18