Chapter 2 - Grapple

32 1 0
                                    

Someone's POV

Nakahiga ang tatlong estudyante sa isang maduming kwarto. Nakakadiri ang paligid. Nakaposas ang kanilang mga kamay at leeg sa kadenang nakakabit sa walling mga kwarto.

Gumalaw ang isa at nagising. Pinagmasdan ang paligid at bilang sumigaw. "Aaaaahhhhhhhh! Asan ako!!!!" Sigaw ni Grace. Dahilan para magising ang dalawa niya pang katabi.

"Huh? Mara? Grace? Bakit andito kayo? Bakit andito tayo?" Pagtataka ni Ana.

"Hindi ko rin alam! Bakit niyo ba ako parating dinadamay sa kalokohan niyo?! Tigilan niyo na ako!" Ani Mara.

"Tumahimik ka dyan! Wala kaming alam dito! Baka pakana mo ito para gumanti sa amin. Humanda ka sa akin pag nakawala ako dito!" Sigaw ni Grace kay Mara.

Natahimik ang tatalo ng may marinig na yabag na papalapit sa kanila.

"S-sino k-ka?" Utal na sabi ni Ana.

At tumawa ng malakas ang lalaki. "Hahahahahaha! Wag mo nang tanungin dahil wala akong balak sabihin sa iyo ang pangalan ko." Sagot ni Dj.

"Bakit kami andito? Ang balak mong gawin? Wala kaming ginawa sayo!" Sigaw ni Grace.

"Kuya ka ni Mia. Tama ba?" Dugtong ni Mara. Na ikinagulat ng dalawa niyang kasamang babae.

May gumuhit na ngiti sa labi ni Dj sa narinig. "Kilala mo pala ako Mara. Mabuti naman. Ngayon! Magsalita kayo! Anong ginawa niyo sa kapatid ko para maisipan niyang magpakamatay!" Tanong ni Dj sa kanila.

"Wala akong alam jan!" Sabay sabay na sabi ng tatlo.

"Aba, mukhang gusto niyo pang maglaro bago magsalita ah!" Natutuwang sabi ni Dj sa kanila. "Sige, pagbibigyan ko kayo" dugtong niya. At lumabas ng kwarto at ni-lock ang pintuan nito sa labas.

Patakbong pumunta si Grace sa pintuan pinalampag ito. "Pakawalan mo kami dito!"

Pero mukhang pursigido talaga si Dj sa binabalak niya.

-------

AN: ano ang binabalak na gawin ni Dj sa mga kaybigan ng kanyang kapatid. Anong laro ang ibig niyang sabihin.

I am DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon