Chapter 5

33.7K 642 15
                                    

Chapter 5 ~ Para sa Bata

Bryle's POV:

Nandito ako ngayon sa bar. Nagpapakasaya. Nagpapakalimot. Nagpapakalasing.

Kasama ko ngayon ang dalawa kong kaibigan. Tumupad talaga ng usapan 'tong dalawang 'to! Maasahan talaga sa mga ganitong bagay!

"Dude! Ano na? Excited na naming malaman yung sasabihin mo!" Energetic na sabi ni Helios.

Di makapaghintay 'e! Tanginang 'to!

"Excited lang bro? Tignan mo nga 'o! Nagpapakalasing siya kaya sigurado akong mabigat yung dinadamdam niyan." Sabat naman ni Ivan.

Buti pa 'to, nakikisama.

"Ano nga bang sasabihin mo bro?"

Seryoso niyang dagdag sa sinasabi. Arghhh! Wala akong choice kundi sabihin na lang. Atat na atat na nilang malaman.

"Pwede ba kayong dalawa, mamaya ko na lang sasabihin. Para iisang bagsakan." Sagot ko sa mga ito.

Napatingin sila sa isa't isa at nagkibit-balikat bago tumango. Si Helios na mismo ang nagkarga ng alak sa baso ko. Hindi pa naman ako nalalasing dahil mataas ang tolerance ko pagdating sa alcohol.

Pero ang ipinagtataka ko, bakit ako nalasing noong may nangyari samin ng babaeng iyon? Ganun ba karami ang nainom ko? 

Nagpatuloy kami sa pag-inom at nagkwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay. Malamig dito sa loob kaya masarap sa pakiramdam ang maglasing. Idagdag pa ang masasarap nilang pulutan at nakakaenganyong tikman.

Hanggang sa unti-unti na kaming tinatamaan ng kalasingan. Kung anu-ano na ang sinasabi nila habang ako, sumasakit lang ang ulo.

Bago pa ako mawalan ng ulirat dito, nagsimula na akong magkwento tungkol sa problema ko sa buhay.

"Today, I realize that I need to live by myself. Kakayanin ko nang mabuhay ng wala si Lian sa buhay ko. Hindi na ako aasa sa mga pangako niyang walang kwenta lang naman."

Ang kaninang Helios na makulit at tawa ng tawa ay nawala. Habang si Ivan ay napaayos lang ng upo at linubayan ang pulutan. Napaseryoso naman ang dalawa ganun rin ako. Napaayos na din sila ng upo.

"Ano pang sasabihin mo?" Tanong sa akin ni Ivan nang maramdaman niyang may sasabihin pa ako. Parang hindi ko yata kayang sabihin. Nawala ang tapang ko kanina.

Kaya nga nag-aya akong uminim para mawala ang takot kong magkwento sa kanila. Bago ipagpatuloy ang sasabihin, sumimsim muna ako ng alak para lumakas ulit ang loob ko.

"I'm... I'm getting married."

Awtomatikong nagulat naman sila. Ikaw ba naman ang magsabi ng ganyan? Tsk! 

"With whom?" Tanong naman sa akin ni Helios.

"I don't know." Kibit-balikat kong sagot ko dito.

'E sa hindi ko naman talaga alam. Malay ko ba dun sa babaeng 'yun? Hindi talaga ako makapaniwala na kakampi sa kaniya ang nanay ko.

"Are you serious dude?" Si Ivan. Umiling ako.

"Remember 'nung huling magpakalasing tayo 'nung nag-away na naman kami ni Lian?" Tanong ko sa mga ito. Matagal naman silang nakasagot. Siguro inaalala pa nila. Medyo matagal na din kasi.

"Oh I remember! What about that?" Si Helios ang unang nakaalala.

"Lasing ako 'nun nang pumunta si Lian doon sa bar na pinuntahan natin. Sino ba kasi ang nagpapunta sa kaniya? Lumabas kami dahil nag-aaway na naman kami ng time na 'yun. Sinabi niyang gustung-gusto na niyang palayain ko siya. Syempre hindi ako pumayag. Pero nagalit siya sa akin. Siya pa ang may ganang magalit matapos niya akong lokohin? Fucking shit! Nagalit na din ako kaya nasigawan ko siya. Siguro hindi siya makapaniwala na nasigawan ko siya kaya mas tumakbo palayo. Hinabol ko naman pero may sumundo sa kaniya. Hanggang sa may iba akong nahablot na babae. Ang akala ko si Lian 'yun. Yun naman pala eh hinde! Naikama ko yung babae Dude! In short, narape ko siya. At ngayon, buntis na. Nalaman ko lang kanina. Mom know all about this kaya pinipilit niya akong magpakasal sa babaeng yun! Hindi ko nga alam kung sakin ba talaga iyon eh!" Mahabang kwento ko sa mga ito.

I'm Pregnant (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon