*Andrei's POV*
maaga palang andito na ako sa school, super excited na ako. katunayan niyan ehh halos hindi na nga ako nakatulog, pikit pikit lang ginawa ko ehh.
wala pa masyadong tao, sobrang aga pa ata ehh. 6:50am palang pagtingin ko sa relo ko. naglakad lakad ako at nagpunta sa may field, nakita ko kasi kanina sa may gate na nakaflash sa isang Led Screen na lahat ng freshman ay magkakaroon ng welcome ceremony at orientation ng 7:00.
habang naglalakad ako, napansin ko ang isang lalaki sa may corridor ng 4th floor. malapit sa may papuntang rooftop. mula kasi doon tanaw mo ang field. sa tingin ko business Ad building yon. And to my surprise nakita kong siya yon.
Oo siya. yung super handsome guy nung enrollment. mag isa na naman siya? samahan ko kaya haha de joke lang. pero bakit ang seryoso niya? kahit nung enrollment ganun din itsura ng mukha niya.
"Attention! to all freshman students please proceed to the field now! The Orientation and Welcome ceremony will about to start within 5 minutes. every college has their designated place."
pagkarinig ko nung announcement na tingin ko ay galing sa field yung nagsalita eh nagpunta na ako agad sa designated place para sa College of Education. diba nga magtiteacher po ako.
so ayun nakarating na ako. humanap ako ng upuan at naupo na. nagulat ako ng ma biglang kumalabit sa akin from behind. kaya naman nilingon ko at nagsalita siya.
kaye: "uy andrei, dito ka rin pala mag aaral."
"oo, hehe" sabay ngiti ko na parang pilit. eh kasi kilala ko si kaye. ahh hindi, kilalang kilala. User Friend tong isang to ehh. kababata ko kasi siya at klasmate ko siya nung highschool sa isang Christian school. di ko nga alam kung bakit nakapasok to dun ehh kasi kahit ang mukha Anghel ehh ang ugali naman pang Hell.
"wow naman. so anung course mo?"
"BSEd, di nman siguro obvious na nasa College of Education Block tayo diba. hehe" kunyari kong pabiro.
"Oh, sorry I don't recognize that early so whats the major of you" tanong niya
"English. alam mo namang yan ang forte ko diba." sagot ko habang nakangiti, natatawa ako sa english niya pero di ko pinapahalata. hay, ang tupperware ko ngayon
"ay sayang naman, Social Science major ko ehh, pero can I be with you habang wala pa akong friends dito? friends naman tayo diba?" friends? kelan pa? pano? Like hello? we're not close, we're not even friends as far as I remember. Ohh ang harsh ko masyado
"sure, hehe" yun nalang sinabi ko. alam ko naman saglit lang naman kami magkakasama. like what she said "habang wala pa daw siyang friends dito". hayaan nalang nga. wala din naman akong kakilala dito ehh.
"ow thank you, ambait mo talaga!" niyakap niya ako, but I didn't hugged her back. kaplastikan niya o.O
at yun nagsimula na ang ceremony at natapos, kaya nagpunta na kami sa klase namin.
-------------
4:00 na ng hapon, lumipat na naman kami ng room. Last subject na to. Yehey! ang saya ko. alam niyo na siguro kung bakit noh..
pero mali iniisip niyo hindi dahil hindi naman ako masaya kasi uwian na mamaya pagkatapos nito, masaya ako kasi ito ang favorite subject ko. Kyahh! ENGLISH <3. panosebleedan na naman ituu. unang dudugo ang ilong yun ang unang uuwi. haha pero siyempre joke lang yun.
"Good Afternoon class, I'm Mrs. Krislaine Romero, and I will be your instructor in English for the whole semester. Ok what is the descriptive title of our subject, anyone?" sabi nung Prof na nasa harap namin ngayon.
at ako lang ang namumukod tanging nagtaas ng kamay. bow! buti nalang nabasa ko kanina sa may schedule ko na nakadikit sa may notebook ko.
ehh alam niyo naman diba Girl Scout ata to. lageng handa. baka mawala yung schedule ko ehh kapag kung saan ko lang nilagay kaya dinikit ko sa may notebook ko. oh ha, may pakinabang tuloy.
"yes, miss?" na parang tinatanong ang last name ko so-
"miss Imperial maam" sagot ko
"ok miss imperial, what is the descripitive title of our subject?" tanong ulit ng prof namin
"Speech and Oral Communication, madam."
"very well said Ms. Imperial"
biglang mag pumasok sa class room na isa pang estudyante. nakayuko siya nahihiya siguro dahil nga owmaygad late siya.
"Good afternoon maam, Sorry I'm late" sabi nung lalaking late.
"Ok you may now take your seat Mr."
mauupo na sana yung lalaki pero bigla ulit nagsalita si prof.
"wait Mr., If I'm not mistaken, your the foreign student right."
kaya naman tinaas nung lalaki yung ulo niya at nagsalita."Yes Maam. I'm Choi Chi soo, also known as Keann Choi." huwwaaaaattt? si Poging Gwapong Handsome Guy. si pantasya! so clasmate ko siya? napangiti ako ng ganito :DDDDDDDDDDDDDDDDDDD halos mapunit na yung bibig ko sa sobrang ngiti ehh.
"Ok Mr. Choi, take your seat now" sabi ni prof.
so yun naglakad na siya at naghanap ng upuan. and to my surprise. naupo siya sa may ano. hala medyo nailang ako. eh kasi naman madami pa naman bakanteng upuan ehh. bakit diyan pa siya naupo eh. bakit sa likod ko pa? di ata ako makakapagconcentrate nito. natutulala ako. ottoke?
*Keann's POV*
Last subject na. English. Sa totoo lang dagdag subject lang din to sa akin, kinuha ko lang to dahil hindi talaga ako marunong mag ingles. Korean at Tagalog lang alam ko, Siguro hanggang pagpapakilala lang alam ko at ibang mga pamilyar na salita. at yung ibang mga tinuro sa akin ni rein na magagamit ko daw dito sa school, tss..
eh dahil sa business ni dad kailangan ko daw matuto mag english. at isa pa yung ilang subjects namin eh english kung magturo ang mga prof.
pagkatapos akong tanungin ng teacher dahil late ako, naupo na ako sa may pinakamalapit. hmm napansin ko rin na magiging classmate ko pala yung type ng kaibigan kong si rein. Dun siya nakaupo sa may likuran ko.
nagsalita na ulit yung prof namin, pagkatapos niyang mag explain about sa subject namin eh nagsimula na siyang magturo. at bago matapos ay may inannounce yung prof. kung sino gusto maging volunteer. yumuko ako eto na siguro yun. ehh kasi ganito yun
"Ok Ms. Volunteer and Mr. Choi please stay, and the rest you may go now"
"Yes Maam, Goodbye!" sabi ng iba kong klasmates.
"I'm glad that you volunteered, actually I was about to choose you whenever no one wants to volunteer." pagkasabi ni Mrs. Romero, tinignan ko yung babaeng nagvolunteer.
Ah..so siya pala.
****************
Please Vote and Comment. Salamat! Kamsahamnida, Arigato!
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)
Ngẫu nhiênSi girl, super adik sa Korea. Anything na may kinalaman sa Korea, gusto niya. Then one day nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niya na makapunta sa dreamland niya pero imbes na mag-enjoy siya, nasira ang bakasyon niya dahil sa isang lalakin...