*Keann's POV*
Wednesday na ngayon at may english tutorial na naman ako, may dinaanan ako saglit at napadaan ako sa isang fastfood chain kaya naisipan ko na ring bumili.
"That will be 380 sir" sabi nung Cashier kaya nag aboy ako ng 500
"May gusto pa po ba kayong idagdag sir?"
"Wala na"
"ok sir, here's your change. thank you" sabay abot sa akin ng barya ko at umalis na rin ako.
------
Nandito na ako ngayon sa library, nakita ko si Andrei na nakahiga sa may lamesa at may nakalagay na headset sa tenga, siguro nainip siya sa paghintay sa akin.
"Ehem" sabi ko para sana makuha ang atensiya niya pero wala.
"Ehem" inulit ko at ngayon narinig na ata ako bigla kasi siyang umangat at nag "hi" pero halatang natataranta.
"sorry nalate ako. may pinuntahan lang kasi ako saglit." at umupo na rin ako.
"Ok lang di ka naman ganun katagal nalate eh" sagot niya.
"Oh eto" sabay abot ko sakanya nung binili ko.
*Andrei's POV*
Hapon na naman. nakakalungkot kasi wala pa rin text o tawag galing kay alex. hindi pa man din ako makaksabay ulit sakanya ngayon siyempre wednesday.
may tutorial session na naman kami ni Keann. at double time kami ngayon kasi hindi kami makakapag aral sa friday dahil may ball. kailangan kasi 6:00 nasa venue na kami dahil may gagawin pa daw. kung ano anong arte ng school.
ayy teka di naman pala ako mag aattend. kaso si Keann baka umattend kaya yun double time kami ngayon.
Andito na ako sa library at nakakuha na ng ilang mga libro. 10mins ng late si Keann ha. pupunta kaya yun ngayon? pero pumasok naman siya kaninang umaga kaya pupunta siguro yun. hihintayin ko nalang tutal siya naman ang boss.
habang naghihintay, nilagay ko ang headphones ko sa tenga ko para makinig ng music at nilagay ang kamay ko sa may mesa at inihiga ang ulo ko.
"ehem"
parang may narinig akong umubo. nanaginip na ba ako? agad agad naman. tulog na ba ako? ay hindi baka sound effects lang ng kantang pinapakinggan ko. astig ha may paubo ubo effect. pero teka safe and sound may ubo effect?
"ehem" may umubo ulit at this time tinignan ko na yung paligid ko. at wapak! andito na pala siya. so i fix myself at nag "hi" na may alanganing ngiti.
"sorry nalate ako. may pinuntahan lang kasi ako saglit." at naupo na siya
"Ok lang di ka naman ganun katagal nalate eh" gusto ko tanungin kung san siya pumunta pero nahihiya ako, hindi pa naman kami ganun kaclose eh.
"oh eto" sabay abot ng isang paper bag. inabot ko naman at binuksan. Wow Mcdo Fries and Float. manghuhula ba siya? panu niya nalamang paborito ko to?
"nakakahiya kasi pinaghintay kita. compensation lang yan" pahabol niyang sabi.
"Salamat. Ok lang naman eh nag abala ka pa." compensation? aba umienglish na siya. nag iimprove na. pero bakit nga Fries at Float? pano niya nalamang gusto ko to? naman ehh. Kikiligin ba ako o kikiligin?
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)
SonstigesSi girl, super adik sa Korea. Anything na may kinalaman sa Korea, gusto niya. Then one day nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niya na makapunta sa dreamland niya pero imbes na mag-enjoy siya, nasira ang bakasyon niya dahil sa isang lalakin...