Ang aga kung nagising wala eh excited ako. This is my first day ! Remember lunes ako magsisimula sa pagpasok ko sa EFGH UNIVERSITY.I don't know but what I'm feeling right now is not so good. Something's wrong with how tita juria accomodated me, noong unang araw ko pa sa mansyon na'to ay okay lang pero nitong mga araw na nagdaan para niya akong tinuturing na anak instead of me doing my job to Yeli, sobrang nakakapagtaka.
I sense something's not good, at syempre saka ko na iisipin yun pag nakarating na ako sa school. Tita juria took Yeli with her, sabi niya maghahanap daw sila ng condo para sa'min ni Yeli na malapit lang sa school kasi daw ay may business meeting siya outside the country o diba? taray pero feel ko my real job will start when tita is already not around, kasi syempre di'ba ako na palage ang kasama ni Yeli and we don't have maids to serve us since hindi kami titira sa mansion feeling ko matagal din siyang mawawala.
I forgot to share, This university pala ay may mas malaking part sa likuran yung nakita namin ni baby last time was just the lobby and I did not expect na that place was just a lobby ! Paano ko nalaman? well sabi ko naman di'ba maaga akong nagising malamang na maaga din ako dito sa University and take note this guy beside me este this she-male beside me is my tourist guide, hindi naman yung seryosong tourist guide he just accompanied me here since maaga din siyang dumating.
" Sister ! so di'ba I told you kanina na yung lugar kung saan tayo nagkakakilala ay lobby palang, and itong lugar na kinaroroonan na'tin ay tinatawag naming East-Alpha, and that place kung saan ay magubat ay tinawag namin na East-Miracle forest." Sabay turo nito sa makapal na kagubatang may sampung kilometro ang layo mula sa'min. Grabe ang galing ha pati dito may mga kakaibang lugar din interesting namiss ko tuloy ang Taimis, pati si chowy. Asan kaya siya? nakaramdam na naman tuloy ako ng ibayong lungkot.
" Ano ba Girl! nakikinig ka ba sa'kin?" Naaasar na wika ni Pinky na nagpatiunad sa paglalakad may pa kembot kembot pa itong nalalaman kaya sinundan ko pa siya baka na offend.
" Yes, but why did they called it East-Miracle forest? kakaiba naman at parang ang creepy ng lugar." Saad ko naman.
" Ahuh, exactly kung pangalan nga ay curious ka, eh paano naman ako? yang punong yan ang dahilan kung bakit nahati ang school natin sa apat na division, hindi ko na tuloy makita masyado ang mga gwapong fafa ko!" Asar nitong sagot.
" Huh? why? hindi ba ganito dati? " na-curious ko namang tanong like hello ang baklang to paputol-putol sa pag-iexplain may pakending kending pa sa paglalakad yun ginagawa niya habang nagpapaliwanag.
" Well Bia, ang school natin ay hindi ganito, months ago lang and when it appeared. Tapos ang ssg officers natin at yung pres napakabilis makapag palit ng rules, When that forest appeared month ago, Simpleng college university lang to ngayon hindi na because of that forest! Our school was divided into 4 Division yun nga ang 1st year kung saan tayo naroroon which is ang East-Alpha, next is ang South-Bravo which is located on the left part of that forest na pinamumugaran ng mga hinayopak na second year, ang North-Charlie na pinamumugaran ng mga nilalang na hulog ng kalangitan, and which is yung nasa right natin. The last but not the least ang mga superior natin na nasa likod ng gubat na yan ang West-Delta o ang mga 4th year. We are divided into that because business is business nga daw sabi nung admin na tinanong ko, simula kasi ng biglang nag appear ang punong yan this university has been popular saang sulok ng mundo at choss! sister! isang buwan lang yan nagulat nga lang ako at sa loob ng maikling panahon na yun ay may napakalaking pagbabago na ang nangyari! I used to saw the faces of my handsome fafa's huhu! pero ngayon nawalaaa silaaa dahil sa division na nangyari! Isn't it horrible? Dahil lang sa pag-appear ng punong yan?!!" Madamdaming litanya ni Pinky at maarte pa itong pumilantik feeling babae naku, kung sa aura yan baka nakapag-suot na siya ng armor.
BINABASA MO ANG
Fortress Dimension
FantasyJ O U R N E Y T O E A R T H ? * May error sa pagkakasunod ng chapter sa kwentong to pakitingnan nalang po kung alin chapter ang kasunod ng Chapter 2, May abnormalities ata haha. Sa phone lang kasi ako nag-aupdate.