Miss Chopsticks

57 1 2
                                    

LUNES.

Nang tayo'y magkakilala. Ay! Este lunes ngayon kaya tamad na tamad ako, kulang pa ako sa tulog dahil kay TOP ng bigbang, kilala niyo siya? Kung OO, congratulations! Kung hindi, I don't care!

"Lolli-Lolli-Oh-Lollipop! Lolli-Lolli-Oh-Lolli-Lolli!" Kumakanta ako habang papunta sa canteen, wala eh! Lunch Break na!

"Oy Bax! Dito!" Ayun na, nakita ko na si Nicole, bestfriend kong baliw. Why Bax? Kasi BAKLA ang ibig sabihin 'nun, pinasosyal lang ang tawag at spelling, pero hindi ako bakla ah! babaeng babae ako!

"Tara na, may noodles na tinitinda dun oh! Baka may libreng chopsticks!" Sabi ko kay Nicole at hinila papunta sa nagtitinda ng noodles.

"Ikaw talagang bakla ka! Chopsticks lang ata habol mo kapag may noodles dito!" Singhal sakin ni Nicole, tinawanan ko lang naman siya. Totoo naman, isa kasi akong 1/4 chinese kaya gustong-gusto kong nagcho-chopsticks! (Connect?)

Pumila na kami sa tindahan! Juice Colored! Napakahaba ng pila! Nakita ko namang may sumisingit..

"Hoy! 'Wag kang sumingit! Ang haba-haba ng pila oh!" Sinigawan ko si ateng, haha! Nakakaawa naman, napahiya, kaya umalis nalang.

After 123456 years..

"Eto sa inyo oh." Sabi ni Ateng Tindera, kinuha na namin ang mga noodles at pumunta sa kuhanan ng chopsticks..

"WAAAHHH!! BAKIT WALANG CHOPSTICKSSSS!!" Sigaw ko! Ang mahal mahal ng noodles na 'to! 50 pesos tapos walang chopsticks?!

"Bax, dito oh. Nilipat nila ung lalagyan." Tawag sakin ni Nicole in a sarcastic way na parang sinasabing 'tanga-mo-friend', o-kay? Pahiya ako dun pero slight lang.

Pumunta na ako dun at kinuha ang chopsticks na nararamdaman kong para sa'kin, meron akong pakiramdam na naka-destined ang chopsticks na ito para sa'ki--

"Bax, kumain ka na. Iniisip mo nanaman na naka-destined 'yang chopsticks sayo 'no? Manahimik ka na nga." Sabi niya habang kumakain.

Unti-unti kong binuksan ang plastic na nakabalot dito, at lumitaw ang isang kahoy na may dalawang parte ngunit magkasamang nakadikit ang itaas na parte, unti-unti ko itong pinaghihiwalay nang..

"WAAAHH! SI SCARR! NANDITO SI SCAAAARRRR!!" Sigaw ng mga babae sa canteen dahilan para magulat ako at mapabilis ang paghihiwalay sa chopsticks na hawak ko.

"Aish! Ang ingay naman!" Sabi ko. Si Scarr ang ultimate crush ko sa school, pero nakakatakot siya eh! Lagi ko nga 'yang nakikita sa street namin tuwing umaga, feeling ko nga sinusundan niya ako. Char! Feeling ako. binuksan ko na ang noodles at handa nang kumain nang..

"Huh? Nasaan na ung isang chopstick?" Nagtatakang tanong ko, hinanap ko ito kung saan-saan pero nabunggo lang ako sa isang tao na may chopstick sa mukha?

"Sayo ba 'to?" Nakakatakot sa sabi ni Scarr.

"A-Ah, O-Oo." Sagot ko, owemji! Nakakatakot ang mga mata neto. Waah! Mommy help me!

Kukunin ko na sana ang chopstick sa kamay niya pero iniwas niya ito. Nye?

Umamo naman bigla ang mukha nito na parang nagpapacute, Hala? Anyare?

"Kiss muna." Parang bata na sabi niya.

Ano daw?

"H-Huh?" Pakingteyp! Nauutal ako.

"Eto oh, uhmm.. You're Rika right?" Tanong niya na parang nahihiya habang binabalik ang chopstick ko, ang daming estudyanteng nanonood!

"Uh.. O-Oo?" Hala? Bakit patanong?

"I think this is the right time to confess my feelings for you.." Sabi niya at nilagay ang kamay niya sa kanyang batok.

EH? CONFESS? FEELINGS? FOR ME?!

"Uh.. Simula nung nakita kitang naglalakad sa street niyo, nagandahan na talaga ako sayo nun, Rika. Kaya naging stalker mo ako for this past months.. Kaya lagi mo akong nakikita sa street niyo is because i wanted to see you.." Sabi nito.

"KKYYYYAAAAHHHH!!" Sigawan ng mga babae dito sa canteen.

"Nalaman ko rin mula sa kaibigan mo na crush mo ako," Ano?! Tinignan ko ng masama si Nicole pero nag-peace sign lang ito sakin. Tss!

"Uhhmmm.. So Rika Cortez also known as Miss Chopsticks, can I court you?" Seryosong sabi ni Scarr.

Uhmmm? Eeehh, enebe! nikikilig akey!

"Umoo ka na, Rika!"

"Nice one!"

"Kyaaaahh! Swerte mo girl!"

Sabi ng mga tao sa paligid namin.

"So..?" Naghihintay na tanong ni Scarr.

"Yes! You can court me, Scarr!" Sabi ko, binuhat niya naman ako at pinaikot-ikot, di ko mapigilan ang mapangiti, haaay! Ang saya kung--

*SSPPPPLLLLAAAASSSHHHH!!*

"HOY RIKA! ABA! 6:30 NA HINDI KA PA GUMIGISING! LUNES NGAYON! MALIGO KA NA!" Sigaw sakin ni Mama.

"MAY PA 'YES! YOU CAN COURT ME, SCARR!' KA PA DIYAN! PURO KALANDIAN ANG ALAM MO! HALA SIGE, BILIS NA!" Dagdag pa niya.

Waaahhh!! Scarr my loves! Panaginip lang pala 'yun nang isang chopstick girl na katulad ko.

*Incoming call... Bax*

"Hello?" Sabi ko.

[Hello! Bax, bilisan mong pumasok!!] Sigaw sa kabilang linya ni Nicole.

"Huh? Bakit anong meron?" Tanong ko.

[Kasi si Scarr--] Nawala?

"Hello? Hoy Bax, anong nangyari kay Scarr?!" Nagpapanic na tanong ko.

[Uh, hey. It's me.] Sabi sa kabilang linya.

"Sino?" Sagot ko, sino ba 'to at nakikisabat sa usapan namin ni Nicole?

[It's me.]

"PUCHA! ME KA NANG ME! SINO BA 'TO?!" Sigaw ko, peste. kabadtrip.

[Hey, It's Scarr. I have something to tell you.] Sabi ni SCARR?! WAAAHH! Nasigawan ko pa siya. nakakahiya.

"Ano 'yon?" Syempre dapat pakipot ka muna.

[Uh...] Nye? Anyare?

"Huy!" Sigaw ko, tss! Malelate na ako!

[UhmmcanIcourtyou?!] Ano? Jejemon ba 'tong si Scarr? Gad! I hate Jejemons pa naman.

"Huh?" Patangang sabi ko.

[Rika Cortez.] Sabi ni Scarr.

"Uhh? Yeah.?"

[C-Can I court you?] Uhh?

LOADING...

WWAAAAAHHHHHHH!!?? SI SCARR!!

[Hey! Miss Chopsticks?] Sabi niya.

"POTA! HINTAYIN MO AKO! BIBILISAN KONG MAKAPUNTA SA SCHOOL TSAKA KO SASAGUTIN 'YANG TANONG MO! BYE!" Sabi ko at ibinaba ang tawag.

Nagmadali akong magpunta sa banyo at..

*BLAG!*

"OUCH!" Daing ko, tss! ano ba 'tong naapakan ko?

Isang CHOPSTICK?

-

ONE SHOT: Miss ChopsticksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon