Chapter Fifty Nine

1.6K 29 17
                                    


Someone POV

Wala akong ibang hiniling sa buhay kundi ang maiangat ang kumpanyang pinaghirapan ng pamilya ko pero hindi ko inaakalang aabot ako sa ganito. Ginawa ko na lahat ng paraan na maisip ko pero wala pa din. Nawala ng lahat sa akin. Iniwan na din ako ng magulang ko. Pinatay sila ng mga pinagkakautangan nila. Ang mga kapatid ko naman ay may kanya kanyang pamilya na din at matagal ng lumayo sa amin dahilan upang ako nalang ang naiwang namahala sa lahat ng ari-arian ng aming pamilya. Pati na rin ang kaisa isang babaeng inaaakala kong makakatulong sa akin at makakasama ko na habang buhay ay nawala na din sakin. Napunta na sya sa iba. Oo inaamin ko na babaero ako pero minahal ko sya ng totoo. Hindi ko lang talaga maiwasan minsan na maakit sa ibang babae. At aaminin ko din na kinain na din ako ng kasakiman. Plinano ko din na gamitin sya para sa kumpanya ko pero hindi ako nagtagumpay dahil inagaw sya sa akin. Hindi ko alam kung anong kamalasan ba ito. Pero ang higit na hindi ko matanggap ay ang matalo ako ng isang TOMBOY!

Lintik na yan! Ano bang meron sa mga tomboy na yan at mas pinipili pa ng ibang babae. Hindi naman sila mapapaligaya ng dila't daliri lang. Samantalang eto kaming mga lalaki. Kayang kaya silang paligayahin pero iniiwan lang kami. Bwisit!

Bwisit!

Bwisit!

Bwisit!

Lecheng tomboy ka. May araw ka din sa akin! HAHAHAHAHA~~~

*****

"Boss! Naayos na naming lahat. Siniguro na naming hindi matutunton ng mga pulis ang pinagdalhan namin sa mga bata." Sabi ng isa aking mga tauhan na ikinangisi ko.

"Mabuti kung ganun." maiksing sabi ko bago lumapit sa bar counter para magsalin ng alak.

Ninamnam ko muna ang lasa nito bago ako nagsalita muli.

"Ito na ang simula ng paghihiganti ko. Sisiguraduhin kong pagsisisihan nilang kinalaban nila ako. At sisiguraduhin ko din na hindi sila magiging masaya at buo pa."

"Matagal akong nanahimik. Sa tingin ko naman ay sapat na panahon na iyon para mapagbigyan sila. Oras na para maningil. Hahahahahahahaha!!!!"

Third Person POV

Isang malawak na kwarto ngunit madumi. Halatang hindi na nagagamit ito. Tanging nag iisang pangdalawahang kama lang ang laman nito. Dito itinago ang dalawang bata.

Kasalukuyan nakatali ang mga ito ngunit walang nakatakip sa kanilang mga mata kung kaya't nakikita nila ang kanila nasa paligid at dahilan upang labis na matakot ang nakababata. Walang tigil ito sa pag iyak at sya naman pagpapatahan ng nakakatanda.

"Ate! Huhuhu! I'm scared. Uwi na tayo please! Huhuhu!" sabi ni Lexi.

"Ssssh. Baby stop crying! We should be brave. I don't know where are we now. But I know papa God will not let bad things happen to us. And I know mommy and daddy will help us." sabi naman ni Chloe.

Sa murang edad ay naranasan na agad ng mga ito ang ganitong sitwasyon. But Chloe was grown enough to handle this situation. She's like AJ, a brave person although she's an adapted child but AJ and Reign was raised her to be a strong person.

Biglang bumukas ang pinto na ikinagulat ng dalawang bata. Pumasok ang ilang kalalakihan kabilang na dito ang kanilang boss.

"Hi kids!" masiglang bati nito sa mga bata na parang walang ginagawang kalokohan.

Hindi sumagot ang mga bata at matiim lang na nakatingin sa kanya si Chloe habang ang isa naman ay patuloy lang sa pag iyak.

"Oh come on kids! Hindi ba kayo marunong bumati sa bisita nyo?" tanong nito.

"We don't talk to strangers." Mataray na sagot ni Chloe na ikinainis nito.

"Strangers huh?? Nice one kid. Ang tapang mo ha. Baka nakakalimutan mong hawak ko ang buhay nyong dalawa at sa isang kumpas lang ng aking kamay ay pwede ko na kayong ipapatay." sabi nito na lalong ikinaiyak ng bunso.

"Ate! Huhuhu. He's a bad guy! He will kill us. What should we do??" natatarantang tanong nito sa kanyang ate.

"Hey baby! Please calm down." bulong nito sa kapatid habang matiim pa ding nakatingin sa lalaki.

"Hahahahaha! Wala kayong magagawa sa mga plano ko. At wag na din kayong magbalak pang tumakas dahil sisiguruhin kong hindi kayo makakalabas ng buhay dito." mayabang na saad nito sa mga bata.

"What do you need to us?? Money?? My parents have a lot of money. They can give you that. So please give us back to our parents." matapang na sagot ni Chloe.

"Poor little kid. Hindi ko kelangan ng pera ng mga magulang nyo. Malaki ang kasalanan ng magulang nyo sa akin at oras na para maningil ako. Uunahin ko kayong dalawa pero syempre dapat sa harap ng mga magulang nyo para ramdam nila ang sakit. Hahahahaha!"

"Hey ugly guy! You can't do that to us. Daddy will save us. And you should be ready because I know he might be the one who will kill you because bad guys like you don't deserve to live." biglang sabi ni Lexi na ikinagalit ng lalaki.

"Daddy??? Yung tomboy na yon??? Kalokohan!!! Hindi nyo sya dapat itinuturing na daddy dahil isa pa din syang babae. Lalaki dapat ang nagiging daddy. At ako dapat ang magiging daddy nyo pero inagaw nya ang lahat sakin sinira nya ang buhay ko kaya magbabayad sya at ang buong pamilya nyo!!!!" galit na sigaw nito na umalingawngaw sa buong kwarto bago ito nagmamadaling lumabas ng kwarto upang pigilan ang kanyang galit.

"Boss. Bata lang yan. Wag kayong magpadala. Walang magagawa ang mga iyan." pagpapakalma ng isa sa mga tauhan nito.

"Alam ko. Kaya nga lumabas na ako." sagot nito.

Ilang minuto din natahimik ito bago nagsalitang muli. "Siguraduhin nyong hindi makakalabas ang dalawang bubwit na yun. At tuloy ang napagplanuhan natin. Tignan lang natin kung makuha pang magsaya ng pamilyang yon." seryosong sabi nito na bahagyang nakaangat ang gilid ng labi.

Matitikman nyo na rin ang aking paghihiganti!!!

♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢

Thanks for reading! 😊😊😊

- darkeye23

I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon