Please Don't Cry (One Shot)

37 3 0
                                    

Copyright © Nica, 2014

"Hi, Jamie." Napalingon ako nang tinawag ako sa malambing na tinig. Napangisi ako at nilingon ang tumawag.

 

Nakita ko si Kisha na patungo sa akin na ngiting-ngiti. Kisha, the girl next door. Kilala ko na siya simula nong bata pa siya. Mas matanda ako sa kanya nang pitong taon. Pinaka paborito ko siya at mukhang ganon din siya sa akin. Huminto ako sa paglakad at naghintay sa kanya na maabutan ako.

 

"Hi Kish." Sabi ko at hinagkan ang pisngi niya. Nakita ko kung paano siya nagulat at kung paano pumula ang kanyang pisngi.

 

Tumawa ako. Gustong gusto ko kapag ganyan ang reaksyun niya. Ewan ko ba. Mas cute siya kapag namumula. Hindi siya nagsalita kaya tinapik ko ang noo niya. Napakurap siya nang tinignan niya ako.

 

"M-may ga-gawin ka ba?" Nauutal niyang tanong at nag iwas nang tingin.

 

Ngumuso ako para pigilan ang aking ngiti. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Matangkad si Kisha sa kanyang edad. Kung hindi ko lang alam ang edad niya ay mapagka alaman ko na siyang kasing edad ko.

 

"Wala." Tipid na sabi ko at nilagay ang aking bulsa sa soot kong pantalon. Tinignan ko ang lawa na nasa harapan namin at tinignan ko ulit siya.

 

Gumagalaw ang kanyang mahabang buhok na may kulot sa dulo dahil sa hangin. Maganda si Kisha, matangos ang ilong, mataas ang kanyang pilik mata at manipis at mapupulang labi. Napatitig ako sa labi niya, malambot kaya 'to? May nakahalik na ba dito? Ano kaya ang lasa nang mga labing iyan? Naramdaman ko ang init nang aking katawan sa mga pinagsasabi ko kaya't pinilig ko ang aking ulo para mailayo ang isipang 'yon.

 

Nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya't nag-iwas ako nang tingin nang hinablot niya ang aking braso at kinaladkad.

 

"Bike tayo!" Masaya niyang sabi.

 

Ningitian ko siya at kinuha ang isang bisikleta Akmang kukuha sana siya nang isa pang bisikleta nang nilahad ko sa kanya ang harapan nang bisikleta ko para doon siya umupo. Pumula ulit ang kanyang pisngi sabay sakay sa aking harapan.

 

Nagsimula na akong magpedal, sumalubong sa amin ang hangin at naamoy ko ang kanyang pabango. Napapikit ako habang inaamoy ang kanyang matamis na pabango.

 

Hindi matanggal sa isipan ko si Kisha  sa gabing 'yo at natatakot ako. She's like my sister to me and I'm scared about this how I felt about her. And for heaven's sake! I'm older than her. Not just one or two years older but seven hell older. Kahit saan tignan, hindi maganda. Kaya't ako na ang dumidistansya sa kanya. Hindi ko gusto 'tong naramdaman ko dahil alam kung hindi lang 'to bilang kaibigan o kapatid dahil mas higit pa 'to doon.

 

Nakalipas ang ilang linggong hindi ako nagpakita sa kanya. Pumunta siya sa amin pero sinabi ko sa kasambahay namin na kapag naghanap siya ay sabihin niyang wala ako. Pero kahit anong pigil ko sa aking sarili ay hindi ko siya natiis na hindi makita. Kaya't pumunta ako sa lawa kung saan parati kaming namamasyal at nagpapahangin. At hindi nga ako nagkamali, nang doon siya sa isang bench naka upo. Tanaw ko siya dito sa kinatayuan ko at biglang bumigat ang aking pakiramdam nang nakita ko ang malungkot niyang mukha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 31, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Please Don't Cry (One Shot)Where stories live. Discover now