Love is blind? How come?

43 0 0
                                    

Hi guys salamat po sa pagbabasa nito! 2nd story ko po ito actually napagtripan ko lang gawin to kahit masama pakiramdam ko, hehehe sana po magustuhan niyo! Wala akong maisip na title kaya yun na lang ang nilagay ko! Enjoy :) 

___________________________________________________________________________

Candice's Pov

"Kyaaahhhh ang gwapo ni talaga ni Kevin" sa sobrang kilig ko halos kuritin ko na si Xhaine. "Aray ko! Langya ka nagkasugat nanaman ako!" sigaw naman niya. "I don't care basta ang gwapo talaga ni Kevin wahhh!!"  sigaw ako ng sigaw at naubusan na ako ng boses dahil sa sobrang kilig.  ANG GWAPO TALAGA KASI NI KEVIN JUNG! Siya ang school heartrob namin dito sa Rising Sun International Academy. "Hay bahala ka na nga diyan! Maglupasay ka diyan wala rin namang mangyayari!" nagwalk out na si Xhaine. 

Ay hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala I'm Princess Candice Loraine Villa Fuente. Masydong ROYAL ang pangalan ko pero ayoko ng tinatawag nila akong 'Princess', I prefer to be called Candice or Raine. Kapag Candice mukhang mataray at masungit, and yeah ganun ako MINSAN, hindi naman lagi. Yung girl naman kanina ay si Eullie Xhaine Oliveros, she's my best friend. Lagi yang nasa tabi ko kahit masungit ako sa kanya.  She was my best friend since grade 1, kami lagi ang Valedictorian and Salutatorian sa school namin noon.  

"Hoy Candice may naghahanap sayo" sabi ni Xhaine. "At sino naman ha? Sabihin mo busy ako" tuloy parin ako sa pagcecelphone habang nagbabatuhan na ng mga papel ang mga classmates ko. "Raine samahan mo ako kumuha tayo ng baon, tapos kumuha na din tayo ng gamit sa locker?" sabi naman ni Kaylee, "Malay mo nandoon din si Kevin? " .  "Sabi ko nga bilisan mo! Tara na!"  hinila ko agad siya. "Hahaha kahit kailan talaga hindi ka tumatanggi basta ang pinaguusapan ay si Kevin ano? "  sabi niya habang pumipili ng lunch. "Alam mo naman na siya ang kahinaan ko hindi ba? Bilisan mo nga diyan nagugutom na din ako eh"  promise gutom na talaga ako, hindi pa ako kumakain simula kaninang recess eh, nagdidiet kasi. Huhhhh -_- 

Nakatayo ako ngayon sa tapat ng tray section at naghihintay kay Kaylee ng biglang dumaan si Kevin! Papunta siya sa pwesto ko! "Miss pwede po bang makiabot ng isang tray?" oo ibibgay ko sayo kahit anong gusto mo! Kahit kaluluwa ko ibibigay ko para lang mapasakin ka! "Ah heto Kevin oh, um nasaan ang mga kasama mo? Bakit magisa ka lang ngayon?" , "Oo nagsolo muna ako ngayon, wala sina Warren at Rolf eh. Ikaw bakit magisa ka lang?"  yumuko ako at sabi ko " hindi kasama ko ngayon si Kaylee, andun siya oh"  tinuro ko yung direksyon ni Kaylee. "Ah okay cge pupunta muna ako doon sa may serving section ah, see you later. Magkita mamaya sa may gate"  tapos umalis na siya, ako naman dito sasabog na! >_< "Hoy girl tara na!", hindi ko napansin nauna na pala siya sakin. "Ah oo andyan na! Sandali hintay!"


Hindi ako makapaniwala sinabi niya talaga na pumunta ako sa green house mamaya! Ano naman kayang gagawin namin doon? Hindi naman kaya magK---- Hindi hindi hindi! Hayyy baka may itatanong lang yun or whatever! "Hoy girl payag ka ba?", "Ha oo ay hindi ha ano?"  chineck niya yung tempreture ko at sabi "Wala ka namang lagnat anyare sayo girl? Tsaka bakit "  tumingin siya sa akin habang pabalik na kami sa room. "Kasi-" sasabihin ko na sana yung nangyari kanina ng may  lalaking nakatabig sa akin at muntik pa akong matumba! "Hoy sandali! Teka!" tumigil yung lalaki, si Alexander James Magdaya pala ang bastos na yun. Siya ang taong DATI kong minahal pero kinaiinisan ko ngayon. Kung bakit? Ito ang nangyari 

-FLASHBACK-

Papunta sana ako sa laboratory kasi may nakalimutan kong kuhanin ang mga gamit ko doon. Hindi nakasarado  ng maayos yung pinto, tapos may narinig akong nagsasalita "Sigurado ka ba? Ayos lang ba sayo? Paano na si Candice? Sigurado ako magagalit iyon sayo kapag ginawa natin to?"  Teka bakit ako kasama sa sinasabi nung babae? Tsaka sino ba yung sinasabihan niya ng ganon? "Hindi yan magagalit, bilisan mo na para matapos na tong ginagawa natin! Marami pa akong gagawin mamaya." Teka boses ni Xander iyon ah. Tumingin ako sa may pintuan at nakita ko na magkaharapan sila. May ginagawa sila pero hindi ko masyadong makita, tapos bigla na lang hinalikan nung babae si Xander.  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love is blind? How come? (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon