Ysabelle Samonte
Point of ViewMaaga akong nagising upang pumasok sa university. Panibagong taon na naman ang gugulin ko sa college. Pero okay lang, huling taon ko na rin naman na sa pag-aaral kaya okay lang. Bago pa man ako tuluyang makaalis, muli kong hinarap ang aking sarili sa salamin. Kung pagmamasdan, okay naman ang itsura ko. Kaso marami nang nagbago, ang dating mahaba kong buhok ngayo'y maikli na; ang dating may buhay kong tsokolateng mga mata ay patay na; at ang dating palangiti kong labi, ngayo'y matamlay na. Maraming mga nangyari pero kailangan kong magpatuloy sa buhay.
Agad ko namang kinandado ang apartment. At nang papaalis na ako, napansin ko ang tila isang lalaki. Matulis ang tingin sa akin ng asul niyang mga mata, napansin ko rin ang mga bagaheng dala niya.
'Bagong lipat? Bakit ang sama naman tumingin sa akin nito?'
Nakipagtitigan din ako ng masama sa kanya ngunit agad ko rin namang iniwas nang napansin kong tinarayan niya ako sa bandang huli saka pumasok sa kaniyang apartment.
'Tsk! Bakla ata iyon? Kung manaray wagas-wagas.'
Agad ko namang winaglit ang pangyayari kanina saka nagpatuloy sa paglakad. Mabilis naman akong napunta sa university at nahanap ang classroom ng una kong subject. Magandang bagay talaga ang pagpasok ng maaga sa klase, kasi pwede kang pumili ng pwestong pwe-pwestuhan mo ng walang kaagaw.
Agad naman akong umupo sa bandang gitna malapit sa bintana. Maganda ang spot na ito upang pagmasdan ang paligid sa labas, lalo na kapag wala kang magawa.
Habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng naglalakad sa labas ng bintana. Hindi ko namalayang unti-onti nang bumababa ang mga talukap ko.
"Psssst. Ysabelle, gising."
"Huy Ysabelle, may professor na tayo. Gumising ka na diyan sleeping beauty."
"Hay naku Ysabelle, makukurot kita!"
'Naiinis ako, sino ba itong nanggugulo sa pagtulog ko?'
Mayamaya lang ay bigla akong nakaramdam ng kung ano na kumurot sa tagiliran ko. Kaya naman hindi ko maiwasang hindi mapasigaw sa sakit.
"Araaaay! Ano ba?!" Dahil dito, agad na napunta sa direksyon ko ang atensiyon ng mga estudyante sa silid. Tiningnan ko naman ang professor namin at kita ko ang bakas ng inis sa mukha niya habang nagsisilitawan ang mga ugat sa makinis at makintab niyang ulo.
"Ms. Samonte, care to explain to us why did you shout in the class?" tanong nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Switched
Научная фантастикаSi Ysabelle ay isang ordinaryong babae. Ngunit sa hindi inaasahan, lahat ng ito ay magbabago. Sa simpleng mensaheng natanggap niya ay aksidente niyang magagamit ang isang app. Ang misteryosong app kung saan pwede siyang makipagpalit ng katawan sa is...