Kabanata 18: Matapang

105 7 8
                                    

Note: Huling flashback chapter.

CamsAnn

Kabanata 18: Matapang

Paramore - Last Hope (Live Version)

///

Senior year high school
& Early college days

Sometimes, this world would seem messy and chaotic. You will need to adjust your mindset and accept changes. And with life, it would seem worthless at times, but do not lose hope.

     "Selina..." panimula ni kuya sa pamamaalam niya. Alam kong nahihirapan siyang i-explain sa 'kin kung bakit kailangan na niyang umalis.

     I smirked. Tinapik ko 'yung balikat niya. "Go kuya. Chase your dreams," sabi ko.

     Ngumiti siya at tumango.

     Nalaman kong related naman 'yung kurso ni kuya sa trabaho niya rito pero hindi niya gaanong naa-apply 'yung mga pinag-aralan niya. Limited technology and resources. Pero kahit gano'n, napansin ng boss niya 'yung kakayahan niya kaya ini-refer siya sa parent company nila sa Taguig.

     "Ikaw rin. Aral mabuti. Pakabait ka kina tita paglipat niyo," sabi niya.

     Tumango ako. Sometimes, we have to let go, because people need to grow separately.

     Nang araw din na 'yon, lumuwas na si kuya habang naghanda naman kami ni Lola para sa paglipat kina Tita Jovie.

     "Kaunti lang ang dalhin natin apo. Babalik-balik naman tayo rito kapag nandito ang mga kapatid mo," sabi ni Lola.

     "Opo..." Nag-ayos kami ng mga dadalhing gamit.

     Pagkatapos naman naming magtanghalian, inasikaso kong bayaran 'yung utility bills ng bahay.

     "Nagkasya naman ba 'yung pinadala nila? May natira pa ba pang-tuition mo sa college? Malapit na ang enrollment niyo a."

     "Mayro'n La. Nakapag-ipon po akong kaunti kaya half na lang 'yung hiningi ko sa kanila."

     Ngumiti siya at tumango.

     Mula nang namatay si Papa, unti-unti akong natutong magtipid at i-budget 'yung kinikitang pera ng mga mahal sa buhay. Nakita ko kasi 'yung pagod at hirap ni Ate nang wala siyang naging choice kundi suportahan 'yung pag-aaral ni kuya, 'yung gastusin sa bahay at mga gamot ni Lola. Ngayon naman, ako 'yung tinutulungan nila ni kuya. I'm blessed... kaya nagsisikap ako para maging worth it 'yung efforts nila.

     Kinahapunan, naghanda na kami kasi parating na rin sina Tita Jovie at 'yung asawa niya para sunduin kami.

    Nailabas ko na sa may garden lahat ng mga gamit na dadalhin. Ni-lock ko na 'yung pinto. Paglingon ko, wala si Lola sa may upuan kaya lumabas ako ng gate. Naabutan ko siyang nakaupo sa may upuang kahoy.

     "Matibay ang pagkakagawa ng Papa mo rito a," sabi niya, tinutukoy 'yung upuan.

     Ngumiti ako at tinabihan siya.

     "Nalulungkot ako na namatay siya hindi pa man niya napatunayan sa lahat na hindi siya nagkasala sa asawa niya."

     Nawala 'yung ngiti ko at napayuko. "Masakit pa rin nga po La, hanggang ngayon."

     Hinawakan niya 'yung kanang kamay ko. "Alam kong masakit pa rin para sa 'yo. At kahit nalulungkot din ako, kailangan pa rin nating tanggapin..."

Just TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon