Ang Bachelor na NGSB!

140 3 0
                                    

PROLOGUE

SOMETIMES IN LIFE, BETTER THINGS COME IN UNEXPECTED CIRCUMSTANCES, AND IN THE MOST ABSURD CHANCES.

Di nya akalain na mahahanap nya ang tunay na kasiyahan dahil sa kanyang katangahan, ako si Zendrica Beth Solaire, at eto ang kwento ng katangahan ko, JOKE! Haha! Aba! malay ko bang may NGSB pa palang nageexist sa mundo. At dahil mapaglaro ang tadhana, nakilala ko si Lance Matthew Vanderwoodsen, Ang Bachelor na NGSB

AT DITO NAGSIMULA ANG AMING KWENTO.

THIRD PERSON’S POV

Tulalang naglalakad si Zen matapos nyang masaksihan ang pagtataksil ng boyfriend nyang si James Amir. Di niya lubos maisip na ang limang taong paghihintay nya sa binata ay mababalewala ng ganun lang.  Sinundan sya nito pero kumaripas na lamang sya ng takbo dahil tuliro pa ang kanyang isip,ng maramdaman nyang wala ng sumusunod sa kanya ay naglakad na sya pabalik ng hotel na tinutuluyan nya, ah oo nga pala, nasa ibang bansa sya ngayon kaya hindi pamilyar ang lugar sa kanya, kaya naman medyo nawawala na sya.

 Nagpatuloy lang syang maglakad hanggang sa mabangga nya ang isang lalake.

“Hey! Watch where you’re going lady!”, napalingon naman ang dalaga sakanya, pero dahil wala nga sya sa sarili ay nagpatuloy na sya sa paglalakad at di nya napansin na papatawid na pala sya sa kalsada, isang malakas na tunog ng pagpreno ang nagpabalik sa katinuan nya, at nakita ang paparating na kotse, at bago pa man sya makaiwas ay may humigit na sa kanyang kamay na syang naging dahilan ng pagbagsak nya sa lupa kasabay ang lalakeng nagligtas sa kanya,yung lalakeng nabangga nya kanina, ang lagay eh napunta sila sa isang posisyon na nakakahiya, nakapatong ang dalaga habang ang lalake ay nasa ilalim nya at nakalapat ang mga labi nila. Sabay na nanlaki ang mga mata nila ng marealize nila kung gaano kaawkward ang posisyon nila.  Napatayo ang dalaga at kumaripas na lang ng takbo dahil sa sobrang kahihiyan. Habang ang lalake naman ay naiwang tulala sa nangyari, ang unang halik nya, nawala ng ganun lang, at tinakbuhan pa sya, nakadama sya ng halo-halong emosyon, inis, galit, dismaya dahil di man lang nya nakita ng maayos kung sino man ang babaeng un, papatayo na sana sya ng mapansin nya ang isang cellphone, at nakita nya na mukhang nahulog ng babaeng yon ang kanyang cellphone sa pagmamadaling makaalis, pinulot nya ito at ibinulsa.

“Magkikita pa tayo, at pananagutan mo ang pagkuha sa unang halik ko!” sabi ni Lance sa sarili habang nakahawak sa kanyang labi, at naramdaman nyang bumilis ang tibok ng kanyang puso ng maalala ang nangyari, ang buong akala nya ay dahil pagod lang sya kaya ganyan,  kaya nagpasya na syang bumalik sa hotel upang makapagpahinga. 

Mukhang hindi kilala ni Zen ang nakabangga nya, si Lance Matthew Vanderwoodsen ang pinakabata at pinakamayaman na business tycoon sa Asya, Europe at America, may-ari ng mga naglalakihang kumpanya, ang LMV Corporation at LMV Group of Companies, mga sikat na hotel and restaurants, at mga naggagandahang resort sa loob at labas ng Pilipinas, at hindi nya aasahan na isang malaking kalbaryo ang naghihintay sakanya oras na malaman nya kung sino ang lalakeng nagligtas at nahalikan nya. Kalbaryo nga ba? Dahil ang lalakeng nahalikan nya ay isang NGSB, No Girlfriend Since Birth! Never been touched, never been in a relationship at never been kissed!

Ano nga ba ang mangyayari sa muling pagkikita ng isang NGSB at isang broken hearted na babae? Sya na kaya ang babaeng magaalis ng titulo ni Lance na NGSB?At si Lance na kaya ang lalakeng muling magpapaibig kay Zen?

ABANGAAAANNNN!

Ang Bachelor na NGSB!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon