[SAMUEL'S POV]
Dalawang buwan na ang napakabilis na lumipas. Hindi maitanggi ni Samuel sa halos araw-araw na ginawa ng Diyos ay para siyang nasa paraiso. Napakasaya niya sa piling ni Amia. Masasabi niyang malas siya sa pagkakaroon niya ng amnesia ngunit hindi na niya iniinda iyon dahil sa piling ng asawa niya, pawing saya at ginhawa lamang ang nararamdaman at naiisip niya.
Wala ng halaga sa kanya ang kanyang nakaraan dahil handing handa na siyang harapin ang bukas kasama si Amia. Kahit may ilang mukha at pangalan siyang napapanaginipan, hindi nalang niya pinapansin dahil gaya ng dati, sumasakit lamang ang ulo niya.
Si Amia lamang ang mahalaga sa kanya ngayon.
“Samuel Pare, mukhang hiyang ka rito, ah.”
Tinanguan niya si Estong na isa sa mga magsasaka roon. “Oo, eh. Iba mag-alaga si Misis, eh.”
Ilang oras pa bago magtanghalian ay nag-aararo pa sila ni Estong.Tirik na tirik ang araw kaya pakiramdam niya ay namumula na naman ang kanyang balat. Kitang kita ang pinagbago sa kulay niya dahil sa pagkabilad sa araw, pero aminado siyang mas bagay sa kanya ang moreno.
“Uuuy...dahil nabanggit mo na ang misis mo..ayan na siya, oh!”
Lumingon siya sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa kanya. Natanaw niya si Amia na napakaganda habang nililipad ang buhok nito. Kumaway din siya rito bago lumapit.Laging parang may kabayo sa dibdib niya kapag nakikita ang asawa niya. Para siyang laging nasusuplayan ng kuryente.
“Pawis na pawis naman ang Mister ko.” Sabi nito.
Napangiti siya. Pinupunasan na naman siya nito kagaya ng dati. Lagi itong may dalang bimpo para punasan siya. “Ikaw talaga. Nag-abala ka na naman. Anong ulam natin, Misis?”
Umupo sila sa maliit na kubo. “Syempre ‘yung favorite mong adobong sitaw!”
Napangiti siya. Kahit ano namang lutuin nito ay masarap sa panlasa niya. Ganoon siya ka-addict sa asawa. “Wow! Then let’s eat na!”
Tumayo ang asawa niya at tinawag ang iba pang magsasaka. Napangiti siya. Lagi siyang napapatulala sa asawa niya. “Oh, bakit nakangiti ka diyan?” she pinched his nose.
“Ang ganda mo kasi, eh.” Sabi niya.
“Bolero ka.” Sabi nito.
Nagsipuntahan na rin ang ilan at nakisalo sa kanilang mag-asawa sa tanghalian. He felt himself. He was like talking to himself. He was like questioning himself on many things. Many things particularly his past. Pero, wala na iyon. Hindi lang maiwasan talaga na kapag napapatingin siya sa kung saan, laging may tanong sa sarili niya na ganito ba siya? Ganoon ba siya?
“Huy! Natulala ka na diyan. Sarap ba ng luto ko?”
Nginitian niya ang asawa niya.”But not as delicious as you.”
Bigla siyang hinampas nito sa braso. Natawa siya. Hinawakan niya ito sa kamay. Naglakad lakad sila sa paligid ng bukirin. Masaya na sila sa ganoon. Gustuhin man niyang ipasyal ito sa mga magagandang lugar sa syudad ay hindi pa niya magawa. Pero ipinapangako niyang dadalhin niya ito sa kung saan nito gusting puntahan kapag nakaipon na siya ng pera.
“Misis, are you okay? You look pale.”
Sinalat niya ang leeg nito. Wala naman itong lagnat pero ang putla nito.
“Okay lang ako, Mister. Medyo nahihilo lang talaga.”
Inalalayan niya ito agad. “Sabi ko kasi sa’yo magpahinga ka na, eh. Ang init init kasi naglalakad ka. Halika at ihahatid na kita muna.”
BINABASA MO ANG
MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)
RomansaMarried. Hiroki hates it. Wife. Hiroki hates it more. Children. Never in his wildest dream. Hiroki has his own life. No one can dictate him. No woman can beat him. That's why when an opportunist tried to tie him, he runaway. Fate brought Hirok...