Sa pagising sa umaga
Ikaw ang iniisip ko
Tumingin sa malayo
Napapangiti ako
Tuwing umaga
Selpon ang inuuna
Para basahin
Ang mga matatamis mong mensahe
Pagpunta sa paaralan
Habang ako'y nakasakay
At tumatawid sa daan
Ikaw lang ang laman ng isip kong ito
Bakit? Bakit ba ikaw
Ang taong dinamdam at iniisip araw-araw
Iyong mga ngiti at ngipin moy kay puti
Parang nasa langit ako'y umaawit
Kahit walang kang pagtingin sa akin
Tanggap ko kahit akoy bilang kaibigan lamang
Hanggang tingin na lang ako sayo
Kahit puso koy nagdurogo
Paano kaya ito?
Itong puso kong nababaliw sa'yo
Ititigil ko na ba ito?
O ipagpapatuloy ko na lang ba ang nararamdamn kong ito?
Ang sakit na! gusto ko nang tapusin ito
Pero nagaalinlangan ako
Dahil sabi ng isipan ko " Bitaw na"
Pero sabi ng puso ko "Ikaw na nga".
Hanggang sa naisipan ko na
Itigil ko na ang kabaliwang ito
Dahil alam kong hindi mo kayang mahalin ang isang tulad ko
Isang tulad kong umaasa at mamahalin ka ng totoo
Salamat!
Dahil sa'yo nagbago ako
Ang isang duwag na katulad ko
Ngayon ay naging isang matapang na tao.
Sa lahat ng dinanas ko sa mundong ito
Ako lang ang nagpapakatanga sa'yo
At ngayon alam ko na
Na ika'y isang pangarap lang..
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY
PoetryIsang nagpapakatanga sa isang lalaki na hindi kayang mahalin din.