Istorya

31 9 0
                                    

Tadah! Ewan ko kung spoken word poetry eto o tula lang. Bahala na kayo basta, Hindi po ako bihasa sa paggawa ng mga ganto, libangan ko lang po ito.

Yung gawa ko po is inspired sa mga gawa ni ate Beverly Cumla. Sana maintindihan nyo hahahahaha!
~~~~~~~~~~~~~

Istorya

Hayaan mo akong ikuwento sayo
Kung paano tayo nagsimula, naglapit
Hanggang sa naglakad ka, papalayo

Simulan natin sa ating pagtagpo,
Bagay na hindi natin inakala.
Nagsimula sa 'hi, hello'
At sabay pumasok sa eskwela.

Sa ating mga nakakasabay,
Tayo'y sinasabihang
'Aral muna, baka magalit ang iyong nanay'
Pero ating isinawalang Bahama,
Dahil tayo naman ay masaya.

Pero bakit ganon,
Sabihan man ako ng lahat
Na dapat hindi ako magtiwala sayo,
Pilit parin ng sarili kumapit,
Kahit hindi pa tayo.

Nag aminan tayo sa isa't isa,
Naging masaya ako.
Niligawan mo ko,
Kasi MAHAL MO AKO.

Sinagot kita
Kasi pinanindigan mo ako Kay papa.
Masaya ako noon,
Kasi pinaglaban rin kita

Pero bakit ganon?
Habang tumatagal
Imbes na sumaya,
Unti - unti nang nawawala ang ligaya?

Ewan ko lang ha,
Pero bakit parang ako lang ang nakakakita?
Baka naman habang nakatalikod ako,
Kasama mo yung kaibigan ko?

Niyaya kitang kumain sa labas
Sabi mo may gagawin kang importante.
Um-oo ako, Nagkaroon ako ng lakas,
Lakas na sundan ka sa sinasabi mong 'Importante'

Nung sinundan kita,
Para akong pinutulan ng hininga.
Nakita kita,
Kasama ng kaibigan kong matagal ko nang kasama.

Napako ako sa kinatatayuan ko
Hindi ko alam ang gagawin,
Kung lalapit ba para pakinggan at humingi ng eksplenasiyon,
O tatakbo nalang papalayo.

Nagbabakasakali ako, na baka
Baka lang naman magpapatulong ka lang
Baka hindi yung tao yung importante.
Baka lang diba?

Kaso importanteng bagay lang ba talaga yun?
Yung mga makikita ko sa mga mata mo?
Yung saya na kahit kailan,
Hindi ko manlang nakita,
Nung ako ang kasama mo.

Nagulat ako sa nakita ko,
Yung paghalik mo sa kanyang noo.
Pero mas nagulat ka,
Ng mapatingin ka sa gawi ko

Ang galing diba?
Yung kaibigan ko,
Tapos ikaw parang sawsawan,
Sinawsawan ko na, nakisawsaw pa siya.

Lumapit ka,
Humingi ka ng tawad.
Pero dahil sa ginawa mo,
Pasensya na, dun ka na sa kaibigan kong higad.

Ano bang mali?
May pagkukulang ba ako?
O Hhndi ka lang nakuntento?
Baka kailangan mo pa ng tatlo?

Pinapili kita
Kung ako o siya.
Pagpinili mo siya,
Maglakad ka nalang papalayo,
Kahit hindi mo ma sagutin ang tanong ko.

Mas masakit kasi pag sinagot mo pa
Pero Mali pala ako
Mas masakit pa palang ang makita kita,
Kasama siya, papalayo

Habang nakikita ko kayo,
Nanlambot ang tuhod ko.
Hindi ko alam kung susundan ko kayo?
O hahayaan ko nalang na maging masaya kayo?

Pero alam mo yung masakit?
Yung gusto kong itanong sayo na
Pwede bang umulit sa umpisa?
Yung tayong dalawa lang, wala pa siya?

Gusto ko sanang itanong yan,
Kasi baka maulit nanaman,
Baka masaktan nanaman,
Baka ipagpalit nanaman.

Ikaw yung una ko sa lahat.
Sa saya,
Sa pagmamahal,
Sa sakit, at pait

Sana makuntento ka na sa kaibigan ko
Kapag iyan pinagpalit mo,
Isasampal ko ng buong kaluluwa ang palad ko,
Papunta sa pisngi mo

Dahil ikaw ang dahilan,
Ng pagkakasira ng aming pagkakaibigan.

~~~~~~~~~~~~~
Sana naintindihan niyo kahit papaano! Inspired po into sa mga napapanood ko sa vids ni ate Beverly cumla at wala pa po akong experience hahahahahah!

Kung gagamitin nyo, sana maglagay kayo ng credits at magpaalam kayo sa may ari. Solomottt!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WORDS OF LOVE(short Stories/ Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon