Ganap

9 0 0
                                    

#WWGAngMakabagongMultoWC

Title: Ganap

Penname: handfetch

Body: "I hate loneliness, but it loves me."---Stark Coyote of Bleach

Malungkot man na sabihin, subalit waring hindi na mababago pa ang nakaraan. Gustohin ko man, wala akong kakayahang gawin ito. Sapagkat ang nakaraa'y nakaraa't hindi na muli pang mababalikan. Gayon pa man, kailangan lamang manatiling nakatindig ang aking mga paa sa nakalipas at harapin ang kasalukuyan, ng nag-iisa.

Ganoon naman talaga dapat hindi ba? Subalit makakaya ko kaya? Gayong sa bawat guwang sa mundo ko'y nanatili ang kabaliwan ng aking puso; gayong sa bawat pagsubok na dumaraa'y naririto ang isa kung pagkatao't nagpapakita sa aking harapan at niyayakap ako patungo sa kahungkagan, hanggang sa ang mundo ko'y magkulay dilim at dili na ibang inaalala kundi ang balakid sa aking buhay. Makakaya ko kaya?

Makakaya ko kayang harapin ang buhay ng nag-iisa't walang nasasandalang balikat, kundi ang aking sarili lamang? Makakaya ko kayang harapin ang lahat gayong ang puso ko'y pinanghihinaan na ng loob? Samantalang ang lahat ay tila bagang nangungutya't walang pananalig sa aking hayag at pag-iral? Habang ang lahat ay waring nasisiyaha't patay-malisya lamang sa pananakit sa aking marupok na damdamin? Sana nga ay makaya ko.

Ikaw. Sabihin mo nga sa akin. Totoo nga kaya ang diyos na pinaniniwalaan mo? Gayong narito ang isa kong pagkatao't minumulto ako sa aking nakaraan? Gayong ano man ang gawin kong pag-iwas at pagtanggap sa katotohana'y nanatili pa ring walang saysay ang paghihikahos ko upang manatiling nakatayo't lumalaban.

Nakatatawa. Nakatatawang isipin na ang lahat ay madaling nakapagsasabing makakaya mong lagpasan ang pagsubok at manalig lamang, gayong wala naman sila sa mundo ko. Gayong ang mundo nami'y malayo ang pagkaka-iba.

Paano nga ba nila nasasabi iyon, na tila bagang ang pagsubok sa kanila'y hangin lamang na dumaraan, samantalang sa aki'y pakiramdam ko'y delubyo na? Paano kaya nila nasasabing napagdaanan nila ang napagdadaanan ko gayong wala silang ibang katauhan na humahatak patungong kahungkaga't kaguwangan? At masasabi pa kaya nilang nararanasan ko ang nararanasan mo kung mismong sarili na nila ang nagmumulto't hinihila sila patungo sa ibang mundo?

Nakatatawa. Nakatatawang isipin na ang kapalara'y hindi ko pinili kundi ang tadhana mismo ang pumili sa akin; sa magiging buhay ko.

Tatlong taon na ang nakalilipas, subalit waring ang lahat sa aki'y kamakailan lamang naganap. Isang babaeng minahal ko nang lubosan ang dumating sa aking buhay. Hindi ko na nga malaman kung paano siya dumating sa buhay ko, basta't ang alam ko lang ay naging makulay ang mundo ko. Binigyan niya ng liwanag ang madilim kong mundo na ginawa mismo ng sarili kong pamilya. Ngunit ang dalawang taon na ginugol namin sa pagsasama'y isang huwad lamang at nakatago sa likod ng maskara. Isang napakagandang dahilan na siya lamang ang tanging babae na nagpatibok ng aking puso't tanging ako lamang pala ang nag-iisang bumubuhat ng aming relasyon. Samantalang siya'y nagpapakasasa sa kamay at init ng ibang lalaki. Nakatatawang isipin na babae pa mismo ang makagagawang mangaliwa't magpakadarang sa kamundohan.

Nakatatawa talaga! Sa panahong iyon, bumagsak sa aking mga balikat ang bigat ng mundo. Waring iniatang sa akin ni Zeus ang mundo't nararapat ko lamang na pasanin ito. Sabayan pa ng pang-aalipusta ng aking mga magulang at wala daw akong kuwenta sa kanila. Dapat daw sana'y hindi na lang nila ako inampu't pinabayaang mamatay sa lamig ng panahon.

Hindi ba't nakatutuwa? Sino ba naman ang hindi matutuwa gayong ipinakilala ka nga ng kinalakihan mong magulang sa tunay mong mga magulang, tapos isang salita lamang pala ang iyong maririnig na napakasarap sa pakiramdam, "hindi kita anak at kailanma'y wala akong anak na katulad mo! "

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GanapWhere stories live. Discover now