Chapter 22

5.9K 55 7
                                    

"Ano raw ba'ng nangyari kay Charity, mare?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ano raw ba'ng nangyari kay Charity, mare?"

"Ang sabi ng pamilya niya, nagbigti raw nang dahil sa nobyo. Siguro hindi niya nakayanan ang lungkot. Pinagtaksilan ba naman daw kasi."

"Naku! Hindi ba't kasalanan sa Diyos ang pagpapakamatay?"

"Siyang tunay. Baka sa halip na sumalangit siya ay sa impyerno siya mapunta."

"Ewan ko ba sa mga kabataan ngayon. Para bang aping-api kapag iniwan ng mga nobyo nila. Iyong iba ay gumagastos ng napakalaki para mabuhay, pero sila nagpapakamatay lang."

"Oo nga, mare. Parang tanga lang, ano?"

"Hay naku! Sinabi mo pa," sabi ng mga matatandang nagbubulong-bulungan sa labas ng funeral chapel.

Saktong narinig naman iyon ni Francine na kabababa pa lang sa sasakyan. Gabi na nang magpunta sila nina Miggy at Vera sa burol. Kagaya ng mga tao roon, naka-all black din silang tatlo.

Susugudin na sana ni Francine ang mga babae, nang pigilan siya ni Miggy sa braso.

"Sumusobra na talag---"

"Babe, huminahon ka. Pabayaan mo na lang sila."

"Siya nga naman, bessy," pagsang-ayon ni Vera. "Huwag mo na lang silang pansinin."

Sumagot si Francine, "Paano nila nakakayanan na magsalita ng masama tungkol kay Charity? Wala silang alam sa mga pinagdaanan niya. Pumunta ba sila rito para makiramay o husgahan siya?"

"Babe, hayaan mo na. Ang mabuti pa ay pumasok na tayo sa loob," sabi ni Miggy.

Ikinalma muna ni Francine ang sarili at sumunod na sa asawa. Buong araw siyang balisa dahil sa pagkamatay ni Charity.

Naguguluhan siya.

Hindi siya makapaniwala na magagawa nitong mag-suicide nang dahil kay Henry, gayong sariwang-sariwa pa rin sa isipan niya ang mga sinabi nito bago siya umalis patungong Batangas.

Sus! Naka-move on na ako, Francine. Wala na akong pakialam kay Henry. Marami pa namang lalaki sa mundo, ano?

Ni hindi man lang niya ito nakitaan ng lungkot nang magkausap sila. Panay pa nga ang ngiti nito sa kanya at para bang ang saya-saya nito noong araw na iyon.

Idagdag pa na may gusto itong sabihin sa kanya. Excited pa man din siya na puntahan ito sa bahay nila dahil ipinamili niya rin ito ng pasalubong galing sa Batangas.

Talaga nga bang dahil kay Henry, Charity?

Nang makalapit siya sa kabaong ay dahan-dahan niya itong sinilip. Nakasuot ito ng puting bestida at para bang natutulog lang ito sa hinihigaan.

Hindi niya napigilan ang sarili na maluha habang pinagmamasdan ito.

Charity, nandito na ako. Akala ko pa naman ay may pag-uusapan pa tayo. Hindi ko akalain na aalis ka na pala.

Then suddenly, umihip ang malakas na hangin. Humampas ito mula sa kanyang kaliwa. Nagtaasan ang mga balahibo niya sa batok at sa braso.

Nang tignan niya ang direksyon kung saan iyon nanggaling ay nagtaka siya. Paano nakapasok sa loob ang ganoong kalakas na hangin gayung nakasara naman ang mga bintana roon? Idagdag pa na hindi namatay ang mga kandila na nakatirik sa dalawang candelabra na nasa pagitan ng kabaong.

Nang ibalik niya ang tingin sa kabaong ay laking gulat niya na wala na roon si Charity.

"C-charity?" nautal niyang sambit.

Bumilis ang tibok ng puso niya. Nakaramdam siya ng kaba. Nang dahan-dahan siyang umatras mula sa kinatatayuan ay bigla siyang may nabangga sa likuran.

"Ay, sorry!"

Ngunit hindi na niya naituloy ang sasabihin nang makita ang nasa likuran.

Napasigaw na lang siya sa takot.

Ahhh!

Si Charity iyon, dilat na dilat ang mga mata, nakalabas ang dila at may nakataling lubid sa leeg. Bigla na lang nanghaba ang leeg nito at inilapit ang mukha sa kanya.

Mag-iingat ka, Francine. Mag-iingat ka!

Napatingin ang mga tao kay Francine. Madali namang lumapit sina Vera at Miggy na kanina'y kausap pa ang mga magulang ni Charity.

"Bessy?"

Hinawakan siya ni Miggy sa magkabilang-balikat. "Babe, bakit? Ano'ng nangyari?"

"S-si Charity!" nanginginig na itinuro niya ang kabaong. Ngunit bigla siyang natigilan nang makitang nasa loob na ito ng kabaong.

"Bakit? Ano'ng mayroon kay Charity?" pagtataka ni Miggy. Nagkatinginan pa sila ni Vera.

"Si Chari..."

"Oh my god! Bessy!"

"Babe!"

Nagulat sila nang biglang hinimatay si Francine. Mabuti na lang ay mabilis siyang inalalayan ni Miggy.

---

"Miggy, gising na siya," sabi ni Vera. Kasalukuyang pinapaypayan niya si Francine habang nakahiga ito sa mahabang silya ng chapel. "Bessy, maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Dahan-dahang bumangon si Francine. Inalalayan siya ni Miggy.

"A-ano'ng nangyari?"

"Bigla ka na lang nawalan ng malay, babe," sagot ni Miggy. "Masama pa ba ang pakiramdam mo? Heto't uminom ka muna ng tubig."

Inabutan niya ito ng mineral water at uminom naman si Francine.

"Sinabi ko naman kasi sa 'yo na kumain ka kahit na kaunti."

"Oo nga naman, bessy. Simula nang malaman mo ang nangyari kay Charity, hindi ka na kumain."

"Waala kasi akong gana."

May kinuhang supot si Miggy sa tabi niya. "Heto, bumili ako ng sandwich sa convinient story. Kumain ka muna kahit na kaunti lang."

Nang iaabot na ni Miggy ang pagkain ay hindi iyon kinuha ni Francine, sa halip ay ikinuwento niya ang kanyang nakita.

"Nagpakita sa akin si Charity.

Nagkatinginan sina Miggy at Vera nang dahil sa sinabi niya.

"Babe..." Ipinatong ni Miggy sa kamay niya ang sandwich. "Nalipasan ka lang siguro ng gutom kaya kung anu-ano ang nakita mo kanina."

"Hindi ako puwedeng magkamali, babe," diin ni Francine. "Imposibleng hindi iyon totoo. Kung makikita nyo lang ang hitsura niya kanina, napakalungkot ng mukha niya. Sinabi pa niya sa 'kin na mag-ingat daw ako."

"Babe, huwag ka namang manakot ng ganyan."

"Bakit naman ako mananakot?" Tumingin siya kay Vera. "Hindi ako nag-iimbento ng kuwento, bessy. Nakita ko talaga si Charity. May lubid pa nga siya sa leeg, e."

Para siyang nababaliw sa sandaling iyon. Ngunit inintindi na lamang siya ni Vera at nagkunwaring naniwala sa sinabi niya.

"Okay, naniniwala na ako." Ngumiti sa kanya si Vera. "Pero ngayon ay kainin mo muna itong sandwich para magkalaman naman ang sikmura mo."

"S-sige," nautal na sagot ni Francine. Pagkuwa'y kumain na siya.


*****

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon