UNEDITED!
ERRORS AHEAD!
Ramdam ni Sheena ang pag-iinit ng pakiramdam niya habang pinagmamasdan ang asawa ng step sister niya na nagpabalik-balik ng langoy sa malaking swimming pool ng bahay ng mga ito.
Di niya sinabi kahit sa stepsister niya na dadalaw siya ngayon dito sa bahay ng mga ito kaya di rin niya nalamang out of town pala ito ayon sa katulong na nagpapasok sa kanya.
Di sila ganun kaclose ni Mia dahil ni minsan ay di niya matanggap ang pagpapakasal ng Daddy niya sa Mama nito na mukhang pera.
Matagal na panahong umalis siya ng bansa at nanuluyan sa kapatid ng namayapa niyang ina sa America.
Kakauwi niya lang nitong nakaraang buwan at nagulat siya ng mabalitaang nag-asawa na ang stepsister niya. Ang mas nakakagulat ay mukhang nakabingwit ito ng jackpot.
Sobrang yaman ng napangasawa nito. Umabot maging sa pinanggalingan niyang bansa ang kasikatan ng pangalang Kian Granzon.
Di lang ito mayaman at magaling sa negosyo dahil higit sa lahat ay makapigtas panty ang taglay nitong kakisigan.
Nang ipakilala o mas tamang sabihin ay ipinagyabang sa kanya ng stepsister niya ang asawa nito ay di niya napigilang pagnasahan ito.
Never siyang nakaramdam ng kahit konting inggit noon kay Mia kahit mas malapit ito sa sarili niyang ama kaysa kanya pero nang makita niya kung gaano ito kaswerte sa asawa nitong si Kian ay parang gustong magdilim ng paningin niya sa sobrang inggit.
Handa niyang gawin ang lahat basta matikman niya kahit na sandali lang ang asawa ng stepsister niya kahit pa ang makipagplastikan kay Mia.
Alam niyang walang makakahindi sa kanya dahil she will never be Sheena Villar for nothing.
She craves for Kian and she will definitely get him by hook or by crook.
Sheena POV
Di ko maiwasang mapangiti ng masilayan ang namimintig na muscles ni Kian na nakadisplay dahil tanging kapirasong swimming trunks lang ang suot nito.
Wala sa sariling napakagatlabi ako nang matuon ang pansin sa malaking umbok sa harap nito.
Tiyak na sarap na sarap ang gagang si Mia dahil sa laki ng umbok na iyon.
Ang swerte ko talaga dahil nasolo ko ngayon si Kian.
Iyong katulong kasing nagpapasok sakin ay papuntang palengke at ayon sa kanya ay nakaoff iyong ibang kasambahay kaya kung may kailangan daw ako ay ako na daw muna bahala dahil matatagalan daw siya.Masyado akong natuwa kay ate kay binigyan ko siya ng perang panshopping upang mas matatagalan pa siya.
Bago siya dumating ay makukuha ko na ang kailangan ko at iyon ay ang malaadonis niyang amo na ngayon ay wala paring kamalay-malay sa presensiya ko.
Matapos ang ilang sandali ay umahon sa pool si Kian at sunud-sunod akong napalunok habang pinasadahan ng tingin ang matipuno niyang katawan.
Para siyang isang diyos na umahon mula sa tubig upang tuluyang yanigin ang aking karupukan.
Lalo mo akong pinatakam na tikman ka Kian.
Bigla akong nainggit sa tubig na tumutulo mula sa buhok niya at naglandas sa matipuno niyang dibdib patungo sa bato-bato niyang abs at tuluyang bumaba sa puson niya papasok sa loob ng swimming trunks na suot niya.
Nakita kong humiga sa isa sa mga naroong lounge si Kian habang binuklat ang isang magazine.
Walang ingay ko siyang nilapitan habang nakatutok ang mga mata ko sa malaki niyang umbok.
BINABASA MO ANG
Just A Taste
RomanceShe craves for something deliciously sinful. SPG ahead, you've been warned! COVER BY: Klarvoyance