The Last Vampire

1 1 0
                                    

By YeceniaLazuli
Fb: Cassandra Lian Gintoki Romero

PROLOGUE

"Oh..hija, medyo mahirap ang pag akyat sa tuktok ng bundok..hindi kita pwedeng samahan dahil matanda na ako at wala akong kasamang bumaba...may trail naman dyan kaya hindi ka maliligaw"

Alanganin naman akong tumango kay manang

Summer ngayon at kailangan kong magtrabaho para may maipakain ako sa kapatid ko...well extra work lang naman to dahil buong year akong nagtatrabaho..isa lang naman kami ng kapatid ko sa biktima ng pang aabuso ng mga magulang kaya tumakas kami mula sa mama at papa namin at nagsarili...

Huminto ako dahil wala akong pang tuition...habang naghahanap naman ako ng summer job, inalok ako ni manang dito

Kaya lang...bakit sa dinami dami pa ng pagtatayuan ng bahay, sa bundok pa ang napili ng magiging amo ko? sa tuktok pa talaga ah! ermitanyo lang? allergic sa tao? lol

Sabi ni manang..isang binata lang daw ang amo ko...medyo kinakabahan ako dahil binata! means lalaki yun! mamaya makaisip pa yun ng hindi maganda...

Nagsimula na akong umakyat bago pa ako abutan ng dilim dito...

Niyakap ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko may nakatingin sakin! nakakatakot...ang creepy ng bundok na to...

Malapit nang magdilim nang makarating ako sa pinakatuktok...tumambad sakin ang napakalaking mansion!

"Wow".nasambit ko

Hindi sya creepy...ang daming paro-paro na naglilipadan at maliliwanag na kulisap....wow! ang ganda pa ng mansion

Nag doorbell ako pero walang lumalabas...tumingin ako sa mansion at may nakita akong lalaki na nakatayo sa bintana..mukhang nakatingin sya sakin

Nagulat ako ng bumukas ang napakalaking gate na mukhang gawa pa sa ginto---hindi! mukhang ang buong mansion ay gawa sa ginto! shet!

Kusa na ding bumukas ang pinto kaya pumasok na ako

"Hello?".umeko sa buong mansion ang boses ko...dito ko na naramdaman ang pagkacreepy

Nakarinig ako ng sound na para bang may naglalakad sa glass tiles...at nakakatakot ang mga yabag nya

Yumuko kaagad ako ng makita ko na ang paa nya na pababa na sa hagdanan...para bang bumilis ang pagtibok ng puso ko...

Umihip ang malamig na hangin at pagdilat ko ay may nakatayo na sa harapan ko...

Tumingala ako pero mabilis nyang hinawakan ang ulo ko at pinanatili akong nakayuko

"S-sorry".nasambit ko..ang lamig ng kamay nya!..tumatagos sa buhok ko ang lamig!

"Magpakilala ka".mas kinilabutan ako sa boses nya...maganda naman, kaya lang ang lamig!!! at ang creepy talaga!

"A-ang pangalan ko ay K---"

"Kagura"

Nanlaki ang mata ko! paano nya nalaman ang pangalan ko?! shet!!!

"Matagal na kitang hinihintay"

Nanliit ang mata ko sa sinabi nya..matagal nya na akong hinihintay? bakit? tsaka bakit kilala nya na ako!?

Tinanggal nya ang kamay nya na nasa ulo ko at tumalikod

"Sumunod ka".sabi nya

Kahit natatakot ako ay sumunod pa rin ako sakanya "Nasa pinakatuktok ang aking silid..ayokong nagpupunta ka dun..."

Rapunzel lang ang peg? base naman sa boses nya, mukhang gwapo naman sya

"Ang iyong silid ay nasa ilalim ng hagdanan...lutuan mo lamang ako ng pagkain tuwing umaga at pagkatapos nun..huwag na huwag mo na akong gagambalain..bibigyan din kita ng sweldo araw araw"

Tumango tango ako.araw araw may sweldo!!! hindi na masama....huminto kami sa ibaba ng hagdanan...

"A-ah...ano po bang itatawag ko sa inyo?".tanong ko...

Matagal syang hindi nagsalita..titingin na sana ako sakanya, kaya lang ginawa nya ang ginawa nya kanina..bakit ba ayaw nyang tignan ko sya?! ang arte naman nito

"Tawagin mo akong Sougo" Kumurap kurap ako... Sougo...

"Okay po..sir Sougo"

Nagulat ako ng biglang sumabunot sa buhok ko ang kamay nya na nasa ulo ko

"Ang sabi ko, tawagin mo kong Sougo..."

Hinawakan ko ang kamay nya na nasa ulo ko..ang sakit

"O-opo..patawad" Inalis nya ang kamay nya kasabay ng pag alis nya

Hinawakan ko ang anit ko at naiiyak na pumasok sa loob ng kwarto ko

Dahil lang dun nagalit sya at sinaktan ako?! Bakla ba sya? ang sakit nya manabunot!

Ang pangit naman ng pangalan nya! SOUGO!

....
Please do Vote and Comment guys! 😘

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Last VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon