"People vanish, people die. People laugh and people cry. Some give up, some will try. Some say hi, while some say bye.”
Paano kung huling araw mo na ngayon?
Mahal ko sya, pero paano ko masasabi yun, kung huli na ang lahat?
Wala na, matatapos na ang lahat. At wala na akong magagawa pa.
Naglalakad ako papunta sa gitna ng stage ng school na ‘to. Napakaraming tao, at halos lahat ay nakaabang sa kung anong mangyayari sa akin.
Hindi ko alam, pero habang papalapit ako ng papalapit sa gitna ay mas lalo akong kinakabahan. Bukod kasi sa lawak ng gym na ‘to, na kasing laki halos ng Philippine Arena, na may 60,000 siting capacity. Ay nasa stage din yung taong minamahal ko ng palihim.Tiningnan ko sya sa mga mata, alam kong naging parte ako ng buhay nya. Pero bakit ganun? Parang wala syang pake? Ngayong araw na ako papatayin, at kahit umiyak ako ng umiyak ay wala na akong magagawa.
“Ang paraan ng pagpatay ngayon, ay sa pamamagitan ng pagtaga at pagputol sa ulo” sigaw ng isang lalaki na nasa likod ko, napaiyak ako lalo, maging ang dalawang babae at apat na lalaki na kasama kong papatayin rin.
Lalong lumakas ang hiyawan ng mga taong nanunuod.
“Patayin na yan!”
“Ang tagal naman oh!”
“Woooh! Dadanak na naman ang dugo!”
“Unahin na yung nasa gitna! Woooh!”Mga hiyawan ng mga walang awang estudyante ng Death Institute.
Tiningnan ko ulit si Dzach na ngayon ay nakaupo sa mismong harapan ko. Kasama nya ang kapatid nyang si Dzalven at ang tatay nya na nanunuod rin.‘Tulungan mo’ko Dzach, please’
“Simulan na ang pagpatay!” sigaw ulit nung lalaki na nagging dahilan para mas lalong umugong ang malakas na bulungan at hiyawan ng mga nanunuod.
Lumapit ang isa sa mga lalaki dun sa babaeng nasa pinaka-una. Kumuha sya ng malaking parang espada, at malakas na itinaga sa ulo nung babae. Kasabay nun ay walang awa nyang, pinutol ang ulo nito.
‘shit ayoko ng ganto! Hindi ko kaya!’Mas lalong lumakas ang aking iyak, puta hindi ko kaya ang mga nangyayari!
Tumingin ako kay Dzach, na parang walang pake sa mga nangyayari. Tiningnan ko sya, at bumilis lalo ang tibok ng puso ko ng magtama ang aming mga paningin.
‘Dzach, hindi ko man nasabi sayo ‘to, pero mahal kita. Mahal na mahal!”
Ibinaling kong muli ang paningin sa tagiliran ko, at ako na ang sunod na papatayin. Napakabilis ng pangyayari. Patuloy ang pagbuhos ng aking mga luha. Mamamatay na ako, pero hindi ko pa rin maranasan na ako’y mahalin. Ito na ang huling araw ko, pero wala pa ring may pake sa’ken.
Sa huling pagkakataon ay tiningnan ko ulit si Dzach.“Paalam”
Bulong ko, at tinanggap na hanggang dito na lang talaga. Ang sakit ng puso ko. Ang sakit sakit!
“Ikaw na ang sunod” bulong sa akin nung lalaki. Hindi ko na sya nagawang tingnan dahil nanlulumo na ako sa mga nangyayari. Parang wala na akong lakas at hahayaan ko na lang na gawin nila yun saken.
Lumuhod na ako, at inilagay ang aking mga siko sa sahig. Ipinikit ko na ang aking mga mata.
Lumipas pa ang ilang sandali at nagulat ako ng may humawak sa aking bisig at pilit na pinatayo ako.
‘Teka? Anong meron?’Pinahiran ko ang aking mga mata, dahil unti-unti na ring nanlalabo ang aking mga paningin.
Tumingin ako sa harapan, at ang lahat ay nagsisigawan pa rin. Malamig dito sa loob, pero ang aking mga pawis ay pumapatak kasabay ng aking mga luha.Lumingon ako sa taong nakahawak sa aking bisig, at nagulat ako ng mapagtanto kung sino iyon.
‘Si Dzach’
Pero bakit sya nandito? Ililigtas ba nya ako? Huhu
“Akin na ang espada” utos ni Dzach dun sa lalaki na kaagad namang sinunod nito.
Anong ibig-sabihin nito? Si Dzach pa mismo ang papatay sa akin?Humarap ako sa kanya, tumingin ako sa kanyang mga mata pero hindi ko mabakas ang awa.
“Sige Dzach! Patayin mo na yan! Wooooh!”
“Go Dzach!”
“Patayin na yan! Patayin na yan!”
Sigaw ulit nila.
Itinaas na ni Dzach ang espada, simbolo na sisimulan na nya akong tagain.Kung sino pa yung taong hindi mo inaasahang saktan ka, ay sila pa yung papatay sayo at tatapos sa iyong buhay. Sobrang sakit, kasi akala ko mahal nya rin ako.
Anong ibig-sabihin ng mga kabutihang ginawa nya sa akin noon?Alam kong hindi ako nag a-assume dahil totoo ang nararamdaman ko!
“Aaaaaa!” napasigaw ako sa sakit dahil tinaga na nya ako, ngunit hindi sa ulo, kundi sa aking bisig na malapit sa aking siko!
Bumuhos ang dugo at hindi ko agad naramdaman ang sakit,
Tumingin ako sa kanya at naalala ang una naming pagkikita.*FLASHBACK*
Naglalakad ako sa corridor ng may isang lalaki na lumapit sa akin.
“Uuwi ka na ba?” tanong nya habang nakangiti.“Oo e, bakit?” sagot ko at ngumiti pabalik.
“Kung ganun ay sabayan na kita sa paglalakad”
“Ha? Bakit?”
“Ayaw mo ba?”
“Ewan ko” sagot ko at binilisan ang paglalakad.
‘Baka rapist tong gagong to, bigyan ako ng juice na may pampatulog. Myghad!“Wag kang mag-alala. Mabait ako” sabi nya at ngumiti ulit sa akin.
Napatitig ako sa kanyang mukha at ngayon ko lang napansin kung gaano sya kapogiiii!
Ang puti puti nya, tapos ang kapal ng kilay. Matangkad, matangos ang ilong at isama mo pa yung mga labi nyang namumula. Ugh!“By the way, My name is Dzach” at sumenyas na parang makikipag-kamay.
“And my name, is Xyline” sagot ko at kinamayan sya.
GOOOSH! Sobrang lambot ng kamay nya. Kyaaaaah!*END OF FLASHBACK*
Unti-unti kong nararamdaman ang sakit ng braso ko. Hindi ko na matingnan kung gaano kadaming dugo ang lumalabas mula sa pagkakataga ni Dzach sa akin, dahil nakatitig lang ako sa kanya na parang wala pa ring pake sa akin. Nakatingin lang sya habang ako naman ay iyak ng iyak.
Hinigpitan ko ang hawak sa aking braso, at doon ay tuluyan ko ng naramdaman ang sakit. Ang sakit ng aking mga sugat. Isama mo pa yung sakit, dahil ang may kagagawan ng sugat na iyon ay yung taong pinakamamahal ko pa.
Halos madurog ang aking mga puso ng makitang ngumiti lang sya sa akin, na animoy masaya sa nangyari sa akin. Tangina Dzach! Bakit mo ginagawa sa akin to!
Ngayon ko lang napagtanto, na hindi dapat malinlang sa pagpapakilig ng isang tao. Dahil darating at darating ang araw, na susugatan nila ang puso mo. Mawala man yung sakit sa paglipas ng panahon, pero mag-iiwan iyon ng bakas na kailan man, ay hinding hindi mo malilimutan.
- Hi prends, Ditalach here! Hehe
Ito yung pinaka-unang story ko na teen fiction. HEHE kaya sana wag kayong mag-expect. And sana, kung may mababasa kayong medyo katulad ng plot nung sa’ken. It’s either, ginaya nila or nagkataon lang. Ang lahat ng mangyayari dito ay base sa aking malawak na imahinasyon, na kasing lawak ng Philippine Arena. Joke! HAHAHA Wala pa po akong nababasang story na medyo related sa story kong ito, kaya masasabi kong hindi ko ito ginaya.
And also, pinagsama-sama ko ditto yung ibat-ibang genre. Nag research kasi ako, at nalaman ko kung anong genre ang talagang pinupusuan ng lahat.
Ang storying ito ay ‘Teen Fiction’ pero meron syang ‘Mystery/Thriller’, ‘Romance’, ‘Adventure’ at ‘Fantasy’.Pinaghirapan at pinag-isipan kong mabuti ang bawat mangyayari, kaya sana wag nyong i-bash kung may mali. HAHAHA and, wag nyong kakalimutan na i-support tong story na to. Huhuhu mahal na mahal ko kayo.
A/N: Ang story na ito mga prends ay para sa mga open-minded lang. Hoy! wag kayong ano. Alam kong iba ang naiisip nyo sa word na ‘open-minded’ haha. I mean, naglalaman kasi ito ng karahasan. At also may mga salitang kanto dito. I mean, yung pagmumura. Alam kong bad yun mga prends ko, huhu pero ganun talaga e. Mas maganda kung may mura, para mas feel. Hehehe Basta alam nyo na ha. Inuunahan ko na kayo kasi takot talaga akong ma-bash. Huhuhu. Lab lab lang dito.