He's Promise. [One Shot]

424 19 33
                                    

A/N: Medyo true to life po ito, yung iba nirevise ko lang. Hehe, galing sa aking matalik na matalik na friendship! Hahahaha :)) Read, Comment at Vote po.

Flashback Year 2006

“Uy Lei, crush ka daw nun oh..” turo sakin ni James. Abot naman ang kantyaw ng mga pinsan ko sakin.

Tumingin ako sa direksyon na tinuro ni James at anak ng tokwa ngumiti pa, ang lapad ng ngiti abot tenga talaga! Ampanget naman nya, kalbo pa. Pero infairness magaling sya magbasketball. Siya si Ezon.

Lagi syang nangungulit na ibigay ko daw ang number ko textmate daw kami, pero ayaw ko talaga, sino ba sya? Tsk, nakakainis na nga eh.

Ano kayang sumapi sa panget na yun, ang lakas ng pahed eh.

Year 2008

Lumipas ang dalawang taon, hindi ko pa rin makalimutan yung mga araw na yun, bigla na lang kasi sya umalis dun sa lugar namin, ewan ko ba parang namiss ko yung pangungulit nya.

Tumatak pa rin sa isipan ko yung mga nangyari nun, parang ang lakas ng gayuma ng ngiti ng panget na yun ah, hanggang ngayon naiimagine ko pa din sya.

Summer Basketball League ng makita ko sya ulet, nakakatulala. O____O

Tulala talaga, tulo laway pa. O_____O

Hindi na sya panget sa paningin ko ngayon, hindi na sya kalbo, tapos ang puti nya, kitang kita ko yung gwapo nyang mukha sabayan mo pa ng ganda ng tindig nya at galing magbasketball, as in makalaglag panty.

Wow talaga.

Napatingin sya sa direksyon ko tapos biglang ngumiti.

Aww! <3_______<3

Nakakainlove.

Nakakakilig.

Gusto ko ng magtatalon dito sa tuwa! ^O^

Nakalimutan nya na kaya yung dati? Siguro oo, matagal na kasi yun eh.

Lagi akong nanunuod ng game nya kasama ng mga pinsan ko, grabe ang galing galing talaga. Ako yung #1 fan nya.. And I mean it, crush ko na nga sya..

Year 2009

Summer na naman, makikita ko na naman sya.

Naeexcite ako kasi player sya ng team ng mga pinsan ko, mas lalo akong mapapalapit sa kanya.

Walang palya ang panunuod ko ng game nila, then one time may binulong saken si James, “Lei kung pwede daw makuha number mo tanong ni Ezon.”

“….pwede daw makuha number mo…”

“….pwede daw makuha number mo…”

“….pwede daw makuha number mo…”

Natameme ako bigla.

Yung crush ko hinihingi yung number ko? Thank you Lord! Promise magpapakabait na po ako.

“Uy Lei, ano ba!? Dali na maglalaro pa kami oh.”

“Ka- Kaw Ba- Bahala..” tulala talaga ko! Tsk!

Sa di inaasahang pagkakataon, nagtext sya!

Unknown number: Hi ^_^

Ako: Who’s this?

Unknown number: Ezon. ^_^

Oh my God! Oh my God! Oh my God!

Halos araw araw may load ang aking mahiwagang cp dahil kay Ezon, ay grabe lang! ang sweet katext ng pahed na yun!

Nov 12 2009

He's Promise. [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon