" Haaayy ", narinig nyang nag-inat si Airah mula sa likuran
Iika ika itong lumakad palapit sa kanya. Natawa sya, nakalife vest pa rin ang dalaga. Nagsuot sila ng vest kagabi dahil maginaw, tanging mga dahon ng saging ang nagsilbing higaan nila sa dalampasigan.
" Hi! Kumusta? Ang sarap ng tulog mo", ngiti nya sa dalaga. Hindi pa rin ito lumalapit sa kanya
" Oo, napagod ako kahapon. Anong ginagawa mo?"
" Nagluluto ng brunch, alam ko gutom ka na kahapon pa"
Nagtataka itong lumapit sa kanya at matiim na tinitignan ang ginagawa nyang pagluluto.
" Hala may apoy? Pano mo nagawa yan?", di makapaniwalang tanong nito
" Kiniskis ko. Ikaw Lang kasi, wala kang bilib sa kin. Here, let's eat"
Kinuha nya ang mga inihaw na Isda at iniabot kay Airah kasama ng buko.
" Buko? Don't tell me umakyat ka ng puno?"
" Of course not! Naghanap ako ng mga nalaglag, yun ang kinuha ko. Mamaya madulas pa ko dahil lang sa buko!", pag-Amin nya sa dalaga
Ngumiti ito sa kanya.
" Oo na bilib na ko sa yo, lodi na kita! Infairness yang itsura mong ganyan Marami ka palang alam gawin"
" Bakit?! Ano ba itsura ko"
" Yang ganyan, gwapo, Mukhang boy next door! Tingin ko nga sa iyo nung una wala kong mapapala, feeling ko puro pacute lang alam mong gawin, but you proved me wrong! Punung puno ka ng diskarte sa buhay. Ano ba trabaho mo?"
Natawa sya sa sinabi ni Airah. Napaka diretso nitong magsalita, walang paliguy ligoy, walang arte. Naging close agad sya sa dalaga na para bang matagal na nyang kakilala. First time lang ito nangyari sa kanya, most of the time, he was annoyed by their continuous presence. Baka siguro nacondition na rin ang mind nya na kailangan nyang makipagkaibigan dito dahil wala naman syang choice, silang dalawa Lang ang nasa isla.
Pero hindi, iba ang pakiramdam nya kay Airah. Magaan itong kasama.
" Ulitin mo nga yung sinabi mo"
" Ang alin? Yung madiskarte ka?"
" Hindi yung una!"
" Ah yung gwapo ka?! Oh bakit, totoo naman di ba? Gwapo ka naman talaga! "
Malapad ang naging ngiti nya, kinilig sya sa sinabi ng kaharap. Pakiramdam nya umiinit ang pisngi nya sa pagbublush!
" Ikaw talaga ang galing mo ring mambola! Don't worry, habang nandidito tayo ako bahala sa iyo. Hindi kita gugutumin. Yun lang pagtyagaan mo na ang laging pagkain natin Ay isda at buko at prutas"
" Hindi kita binobola. Gwapo ka talaga! Pero thank you sa assurance na hindi mo ko gugutumin"
Isinubo nito ang isda na nasa stick habang tumatawa. Aliw na aliw sya habang pinagmamasdan ang dalaga. Napaka positive ng awra nito, parang wala silang pinagdadaanang problema. For him, she's a breath of fresh air.
" Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko, Anong trabaho mo?"
" I'm a business man. Marami akong negosyo iba iba. Legal lahat yun"
" Wow! Uso na talaga ngayon ang mga young entrepreneur, parang yung ex ko din!"
" Ex? So ang ex Boyfriend mo businessman din?"
" Not my ex boyfriend, he's my husband"
" Ohh.. ma-may asawa ka na pala. Hindi halata"
" Strange husband. Ex nga di ba?"
Sandaling katahimikan. Hindi nya alam kung Paano sasaluhin ang usapan. May isang bahagi kasi syang natouch sa privacy ni Airah. Hanggat maaari, ayaw nyang pag-usapan ang pribado nilang buhay, lalo na ang mga bagay na sensitibo.
" I-I'm sorry "
" Okay Lang, Wala na yun! Nakamove on na ko, last year pa. In fact annulled na ang kasal namin three Days ago, so I'm free! Wala ng asungot sa buhay ko!"
Tumawa pa ito ng malakas. Humalakhak ito kaya natawa rin sya. Nakakahawa ang pagiging masayahin ng dalaga.
" Alam mo, ikaw na yata ang pinakabatang annulled na nakilala ko"
" Ang aga ko kasi lumandi. I was a newly grad ng pumasok ako sa company ng ex ko as EA. Alam mo yung mga boss-secretary affair, ganon yung nangyari sa min. He's also young, and single, and rich! Tapos ang gwapo na, ang talino pa. Ayun bumigay ako. "
Hindi na nya ito napigilang magkwento. Hinayaan nya Lang ito sa pagsasalita. Binubuksan ang buhay sa estrangherong kagaya nya.
" Ang bilis lang ng pangyayari sa ming dalawa. In less than a year we got engaged. Kaya kahit ayaw ng mommy ko, wala syang nagawa. Ang tigas kasi ng ulo ko, nakipaglive in ako kay Tim para Lang payagan nya na kaming makasal. So ayun, more than one year lang kami nagsama dahil hindi ko sya natagalan. Nung una mabait, para kang prinsesa. Pero bandang huli lumabas ang totoong kulay, sobrang seloso at possessive. Lahat halos ng lalaki sa office na close sa kin tinanggal nya. Napilitan akong magresign para wala ng madamay pang iba. Pero ng maging plain housewife ako naging paranoid na may lalaki daw ako. Napagbuhatan na nya ko ng kamay. Tiniis ko lahat yun. Pero ang hindi ko kinaya ng mahuli ko sila ng kalaguyo nya. Imagine sobrang seloso nya tapos sya pala tong may ginagawang milagro! Ayun nagfile ako ng annulment"
" Eh gago naman pala yung ex mo!"
" Gago talaga! Ayaw pa nga nya kong palayain, Buti na lang yung boyfriend ng mommy ko lawyer, inilaban nya yung kaso ko. Ayun panalo!"
" Good thing your step dad is a lawyer. "
" Oo. Mabait yun parang tatay ko na. Kamamatay Lang ng dad ko pagka graduate ko. Kaya siguro naglong ako ng pagmamahal mula sa isang guy. Pero Yun nga sa maling lalaki pa ko napunta"
" Ang haba na ng kwento ko ikaw naman! Bakit ka nga pala pupunta sa Thailand? "
Nabigla sya sa tanong ni Airah. No, he cannot disclose the truth. Na tumatakas sya sa mga babae at gusto nya munang magbakasyon!
" Business trip", tipid nyang sagot
" Tapusin mo na yan, maligo tayo", putol nya sa usapan. Ayaw nyang maging malalim ang pag-uusap nilang dalawa
Natigilan ito sa sinabi nya
" I-ikaw na lang"
" Why? Hindi ka maliligo?"
" W-wala na kong damit"
" Pareho Lang naman tayo"
" Lalaki ka, pwede kang nakahubad maligo"
" Eh di gawin mo rin"
Inirapan sya nito sa sinabi nya
" Oy don't get me wrong. Maligo ka, just do what you want. Sa kabila ka, hindi naman kita sisilipan "
" Dapat lang!", nakataas pa rin ang kilay nito sa kanya
" Come on let's swim, Sayang ang dagat. Wala ka ng makikitang ganito pag-alis natin dito! Sunod ka ha!"
Tumango Lang ito sa kanya, patakbo nyang sinugod ang dagat at mabilis na lumangoy.
Hindi rin nagtagal at natanaw nya na lumulusong na sa tubig si Airah. Habang papalapit ito sa kanya, kitang kita nya ang mapuputing balat ng dalaga na nasisinagan ng araw. Nakataas ang buhok nito, walang make ng up at labas ang natural na ganda. Aaminin nya, nagtataglay ito ng maamo at halos perpektong mukha. Balingkinitan at may magandang pangangatawan.
Natigilan sya ng tuluyang tumambad ang anyo ng dalaga. Malapit na malapit ito sa kanya. Makailang ulit syang lumunok dahil nakabikini lang ito at nakasando.. wala rin itong bra! Naaaninag na ang loob ng katawan dahil sa manipis nitong kasuotan. Bumabakat ang nipple nito at halos labas na rin ang pisngi ng pag-aari sa suot nitong bikini.
Hindi nya maiwasang mag-init. Tumalikod sya at lumangoy papalayo upang pigilan ang init na nararamdaman.
No, he cannot have her! Nagbakasyon sya para umiwas sa gulo, gusto nyang maging totoo sa iniwang pangako. Lalo na sa isang tulad ni Airah, komplikado ang sitwasyon nito. He hate complications! This time, palalampasin nya ang isang tulad ni Airah.
BINABASA MO ANG
Three Days Two Nights
RomanceTwo Strangers in One Fatal Accident. One isolated island... They will do everything to survive For 3 days and 2 nights!