IAN'S POV
"O my gosh,gurl. Look at Ian he's so handsome. Kinikilig ako!"
"Trueeee,and he is so hot!"
"Oh gosh! Si Ian my loves!"
"Anong Ian my loves ka dyan?!Akin sya!"
"No he's mine!"
"Hay nako! Basta sakin si Matt!"
"Akin si Matt!"
"Hoy! Mga babae! Wag nyo kong aagawan! Akin si Brian!"
"Hay may kaagaw pala ko kay Brian my loves!"
Nakakabinging tilian,sigawan,at bulungan ang sumalubong samin ng mga kaibigan ko. Dahil nga syempre,gwapo. Nginitian namin kada babaeng madadaanan namin at halos mangisay na sila sa sobrang kilig.
"Gwapo ko talaga! Diba, Matt?"sabi ni Brian.
"Gwapo ka dyan?! Mas pogi pa rin ako sayo!"
"'Gwapo ka dyan?! Mas pogi pa rin ako sayo!' "panggagaya ni Brian sa pananalita ni Matt ngunit boses babae, nang-aasar.
"Eh,baket? totoo naman ah?!"
"Tumigil na nga kayong dalawa! Mas gwapo ako sa inyo!"singit ko. Natigilan naman silang dalawa at tumingin sakin.
"HUWAW! Libre mangarap!"pang-aasar nila.
"Aba'y loko kayo ah!"sabi ko sabay habol sa kanila, sila naman ay kumaripas ng takbo.
Habang naghahabulan kami ay may nakabangga akong babae. Medyo maganda naman, hindi ko type.
"Sorry---"
"Ano ba yan!"
"S-Sorry, hindi ko sinasadya---"
"Di ka kase nag-iingat eh!"sigaw ko dun sa babae. Pero natigilan ako ng makita ko ang mukha nya na parang nauubusan na rin ng pasensya.
"And you think it is only my fault?! Kung tumitingin ka rin naman sa dinadaanan mo hindi mo ko mababangga ah?!"sigaw na nya rin. Napatingin ako kina Matt at Bry na parehong nakanganga na nakatingin sa babae."Tabe nga!Jerk!"dagdag nya sabay tulak sakin! Loko ka ah! Sabi ko sa isip ko.Did she just call me...Jerk?! Tch! biatch! Ngunit hahabulin ko na sana yung babae pero may kamay na pumigil sakin. Tiningnan ko yung kamay na pumigil sakin at nakita ko ang pamilyar na kamay ni ate Jazz na pumigil sakin. Nung tignan ko sya ay nagpipigil na sya ng tawa.
"What?!"inis na tanong ko. Hindi na nya kinaya ang pagpipigil at humalakhak na sya. Pero nananatiling maganda, tss."Anong nakakatawa?!"inis pa ring tanong ko. Pagbaling ko sa mga kaibigan ko ay bumubungisngis na rin sila."Hey!What's funny,huh?"nauubusan na ng pasensyang tanong ko.
"You know what,Ian? This is the first time I saw you embarrassed by a girl."tatawa tawang sabi ni ate Jazz, nang-aasar.
"Oo nga,Ian,WAHAHAHA!!"Malakas na tawa ng mga kaibigan ko.
"Ugh!Why do you guys laughing at me?huh?That girl! This is all her fault!"inis na inis na sabi ko.
"Hey,easy. You look defeated. Easy, bro she's just a girl. Kapag pinatulan mo yon,magmumukha kang gay! Don't be stupid! Ano ka ba?!"tumatawang sabi ni ate Jazz.
"I'm not defeated and stupid, ate. Tss."
"Oh your not,but you look,lil brad."nakangising sabi ni ate at tinapik ng dalawang beses ang pisngi ko!
"You're so annoying!"sigaw ko,hindi na sya sumagot pa at iwinagayway na lang nya ang kamay nya patalikod bilang sagot.
Lumapit ako sa mga kaibagan ko na tatawa tawa na ngayon.
"Why are you laughing?"mahinahon ngunit inis na tanong ko.
"Eh, kase naman, maninisi ka agad, eh, may kasalanan ka rin naman pala."
"Eh, may kasalanan din naman sya eh!"
"'Lam mo Ian, nakatingin kame sayo eh. Nakita namen na umiwas na sayo yung babae pero ikaw ang hindi nakatingin, pasalamat ka nga't nag-sorry eh, ganda pa naman. HAHAHA!"Tawa nila.
"Tss, maganda?Hindi naman masyado, tch."bulong ko ngunit madidinig nila.
"Anong hindi masyado? Muntik na ngang kabugin yung level ni Jazz eh."singit ni Cassandra,bestfriend ni ate. Artista rin.
"'Di ko nakita yung gandang sinasabi nyo,"singhal ko.
"Eh, kasi nga, naiinis ka sa kanya. Yun yon, tanga."sabi naman ni Brian.
"Oo na! Tara na male-late pa tayo eh!"sabi ko sabay lakad palayo sa kanila. Maya maya pa ay nakasunod na rin sakin yung dalawa.
Nang makarating kami sa classroom ay medyo late na. May mga nakalagay na pangalan sa mga upuan namin kung saan ang pwesto namin. Tss para naman kaming mga bata.
At kamalas-malasang sa may bandang harap ang upuan ko at yung dalawa naman ay magkatabi sa dulo. Napatingin ako sa katabi kong upuan at tiningnan ko ang pangalan sa likuran non.
Michaela Kate de Villa...
Hindi ko kilala yung babae, siguro transfer sya dito. Tiningnan ko naman yung nasa kanan ko na upuan at tiningnan ang nakadikit na pangalan doon...
Natalie Max Sanchez...?
Hindi ko rin kilala ang isang 'to, patay na wala akong kilala sa mga katabi ko. Puro babae pa dito, tss. Maya maya pa ay dumating na ang Prof. at nagsorry dahil late daw siya. Nag-attendance na muna kami at nag introduce ng mga sarili namin dahil first day of school ngayong year. Hindi pa rin dumadating yung dalawang katabi ko....
break time...
"Ian!"pamilyar na boses ni Brian ang sumalubong sakin sa may cafeteria ng school.
"Brian!"salubong ko dito..."Kainis! Minamalas yata ako ngayong taon ah!"
"Hahahaha!Baket?"
"Look, Bry, alam mo naman na sa harap ang puwesto ni Ian eh, stupid."singit ni Matt. Napatawa ako ng mahina dahil sa aming tatlo ay si Matt ang pinaka-slow. Pero hindi ko inaasahan na makukuha agad nya ang sinasabi ko ngayon. Si Brian kasi ang pinakamatalino sa amin.
"Maka-stupid ka ah! Ikaw nga yung---"hindi na natuloy pa ang sinasabi ni Bryan ng biglang may narinig kaming ingay sa labas. Tilian ng mga babae. Lumabas kami para tignan kung anong nangyayari. Ngunit pare-pareho kaming nagulat ng mapagtanto sino yon.
Marky?
Si Marky ang half brother ni Matthew or Matt na galing sa States. Medyo magkaribal sila dahil sa isang babae. Tinignan ko si Matt at nakita ko doon ang blanko nyang mukha. Walang mababakas na emosyon.
"What are you doing here?"malamig na tanong ni Matt sa kuya nya.
"Yan ba agad ang bungad mo sakin, my little brother?"nakangising tanong ni Marky kay Matt.
"Anong ginagawa mo dito?"malamig na naman na tanong ni Matt sa kapatid niya. Mas lalo akong pinakaba...
To be continued...
PLEASE VOTE THANK YOU!
YOU ARE READING
Accidentally Fall inlove with my Bestfriend
RandomMadali at maganda ang buhay ng isang Julian Zaiden Saquillo,kilala sya sa pangalang Ian. Ang sabi ng lahat ay nasa sakanya na ang lahat. Gwapo,mayaman at kung anu-ano pa dahil napaka yaman ng kanilang pamilya. Sikat din na actress ang kapatid nyang...