Chapter 7

816 14 11
                                    

Lucky




Ahh.. Ansakit ng puson ko! Tinatamad akong bumangon, huhu bakit ngayon pa? Sasamahan ko pa naman si mamsi mag grocery dahil tuwing sabado ay nag gro-grocery kami.. May kumatok at dahil bukas naman ang pinto ay pumasok na si Khristalv





"Tinatawag ka na ni mamsi, bat di ka pa nakabihis?"sabi ni Khristalv sabay upo sa tabi ko at tinignan ako ng maigi





"Masakit puson ko"sabi ko at bigla niyang nilagay ang likod ng kamay niya sa noo ko





"Tsk! Namumutla ka te"sabi niya sabay alis ng kamay niya sa noo ko






"Sobrang sakit eh"sabi ko at napapikit dahil ramdam ko padin ang sakit ng puson ko kaya napatakip na ko ng kumot pero ramdam ko pa din ang tingin niya sakin





"Ako nalang sasama kay mamsi, just rest a'ight?"sabi niya at tumango ako kahit baka di niya makita yon dahil nga nakataklob ako ng kumot, narinig ko ang pagbuntong hinga niya saka ko naramdaman ang pagtayo niya






"I will buy you your favorite"sabi niya saka naramdaman kong hinalikan niya ko sa noo at narinig ko ang pagsara ng pinto kaya napabuntong hininga ako kasi napaka sweet nung bebe namin na yun at gentleman pa kahit minsan bully! Hindi pala minsan palagi lalo na pag trip ka niya pero I know napabait niya kaya swerte magiging girlfriend niya in the future





Nakatalukbong lang ako habang ninanamnam ang sakit ng puson ko huhu dahil sobra na akong nasasaktan hays.. Pero may naramdan akong tumabi sakin at rinig ko ang tunog ng plastik kaya agad kong tinanggal ang kumot na nakatalukbong sa akin at nakita ko si Khristalv na nilalabas ang isang chuckie at limang choco lava kaya napaupo ako





"Kumain ka na ate, kukuhanin ko lang yung gamot na binili ni mamsi para sa sakit ng puson mo"napangiti ako dahil swerte ako sa pamilya ko kahit wala ang tatay ko





"Salamat"sabi ko sakanya at nginitian niya lang ako sabay labas uli sa kwarto ko para kumuha ng gamot, binuksan ko ang isang choco lava at naamoy ko ang chocolate huhu namiss ko to





"Ate oh, inumin mo pagtapos mo kumain"sabi ni Talv sabay bigay sakin ng gamot at halik sa noo ko





"Salamat"sabi ko at lumabas na siya sa kwarto at sinara ang pinto ng kwarto ko, tinignan ko yung sugat ko sa legs na ginamot nila Rosas non..






'Gagawin ko lahat para di ka madagdagan, ayaw kong masaktan si Khristalv pag nakita ka nanaman'












Khristalv's POV
Ayaw ko na nahihirapan si ate kaya kanina ay nag alala ako dahil namumutla talaga siya





'Ganon ba talaga kasakit yung puson niya?'






"Anak, kamusta ate mo?"napatingin ako kay mamsi dahil nung sinabi ko sakanya na namumutla si ate kanina agad siyang bumili ng gamot para dito, kaya nasasaktan ako pag may nakikita akong laslas kay ate dahil ayaw kong magkaganun siya lalo na ayaw ni mamsi na ganun siya dahil sakanila ni papsi





"Ok lang, enjoy po siya sa paborito niyang pagkain ngayon"pagbalita ko saka natawa dahil excited pa siyang buksan yung chuckie niya, parang bata




"Ah sige, basta wag mo lang masyadong inisin ate mo ok?"natawa ako sa sinabi ni mamsi dahil alam niyang trip ko palagi si ate





"Try ko po hehe"sabi ko sabay punta sa kwarto dahil tapos na kong ilagay lahat ng pinamili namin sa dapat nitong kalagyan






(RING RING)

Beybs calling...

Napailing ako dahil yung bastfriend kong babae sa Manila yung tumatawag

"Oh?"



[Grabe, wala manlang hello?]




"Ano ba yun?"




[Namimiss lang kita]natigilan ako at napayuko




Sana nga Vanii..





"Matutuwa na ba ako?"




[Oo, kiligin ka pa kung gusto mo]




"Geh, trip mo ko kaya ka tumawag noh?"



[Help mo ko sa assignment ko.]sabi na may kailangan to eh





"Geh chat mo nalang sakin"sabi ko sabay patay ng tawag. Napabuga ako ng hangin, bakit ba ako aasang mamimiss ako non? Eh may mahal ng iba yon. Tsk!











Joaquin's POV
Sabado naman kaya di pa ko umuwi dahil sila Drew at Kim ay nagpaiwan din dito kila Marlon, si Ariel kasi ay umuwi na para maligo at may gagawin pa daw siya




"Oh ano tol? Musta naman ang puso mo?"sabi ni Kim kaya naalala ko ang usapan kagabi, kailangan kong mamili pero di ko alam kung bitawan yung isa dahil may napili na ko. Sakanya ko lang kasi nararamdaman to, yung saya pag kasama siya at yung mga feelings na di ko maipaliwanag pag andyan siya.




"Nakapag isip ka na ba? Alam kong gusto mo siyang piliin pero di mo pa alam kung paano bitawan yung isa"sabi ni Drew, hays kilala talaga niya ako




"Just choose your happiness Joaquin, and I swear you will never regret it"sabi ni Marlon habang nakangiti, I know they just want me to be happy



"Timbangin mo muna kung sino mas nakakapagpasaya sayo"sabi pa ni Kim, nag try akong tawagan si Freya



[Hello baby]



"Good morning baby"



[Nasan ka? Pwede bang samahan mo ko?]


"Na kila Marlon ako.."tumahimik ang linya at napabuntong hininga ako dahil alam kong naiinis siya



[Bakit di ka nagpaalam?]



"Biglaan din kasi"sabi ko nalang at napairap naman si Drew dahil alam din naman niyang ayaw ni Freya na kasama ko sila dahil feeling daw niya wala akong oras para sakanya



[Ok]sabi nito saka ako pinatayan at pinakalma ang sarili ko dahil galit siya




"Doon ka sa babaeng iintindihin na may sarili kang buhay at rerespetuhin niya yun"sabi ni Kim kaya hinayaan ko nalang din muna na di ako kausapin ni Freya para makapag isip na din ako ng maayos..





"Because your choice now, is your regret or happiness later. All you have to do is to choose carefully."
















________________________
Hays Waki..

Hahahays! Walang pasok dahil sa anniv ng school namin, yipee! Pahinga muna sa stress puahaha! La lang share ko lang puahaha! :>

Keep supporting and Enjoy reading~

Joaquin's Regret (Regret Series 1)Where stories live. Discover now