Chapter 20.
"SHIT!"
Halos tumigil ang mundo ni King nang biglang bumagsak at mawalan ng Malay ang mahal niyang reyna. Doo'y napagtantong may dugo sa tagiliran.
Dali daling nilapitan ang walang malay na si Allysha at inakay ang asawa na pawang bagong kasal.
Mabilis at alerto ang bawat kilos ni King, lahat ng kaniyang mararaanan, mapasibilyan o kaaway ay kaniyang pinatatamaan gamit ang baril na hawak. Nagmamadaling maglakad ang binata ngunit agad na napahinto at napayuko ng muntik muling matamaan ang kaniyang reyna mula sa taas.
Hinanap ng kaniyang mga paningin kung saan nang galing ang balang muntik na tumama sa kanila at lalong lumiyab ang galit ng makita ang isang sniper na nasa ikalawang palapag ng hall. Muling pinatamaan ng sniper sila King ngunit agad na nakaiwas ang binata kaya't ang isang tumatakbong bisita ang natamaan nito at agaran ding namatay.
Dali daling dinala niya ang kaniyang reyna habang patuloy ang pakikipagpalitan ng bala sa mga kalaban. Walang ibang naisip kundi ang malunasan ang kaniyang asawa.
Nangunot ang noo ni King ng may humarang na maraming kalaban sa pintuan palabas ng lugar na iyon. Gamit ang isang kamay ay kinasa niya ang baril, ngunit bago pa man tirahin ang ilang kalaban ay nakarinig siya ng putok mula sa likod niya na nagpabagsak sa isang lalaking nakaharang.
Kaniyang tiningnan kung sino ang gumawa nun, Nakita niya si Akisha na nakangiti at palapit sa pwesto niya kasama sila Austin, Stanley at Callum na walang patid sa pakikipagpalitan ng bala sa mga kalaban.
Nang makalapit sa pwesto niya ang mga kaibigan ay agad na tinanong ang babae.
"Where is Arvi?" tanong ni King."Mukhang Inuna niya yung babaeng binili niya kanina. Gago yun! Inuna pa babae kesa sa mga kasama niya!" si Austin na mismo ang sumagot sa katanungan ng binata.
Kinasa ni Akisha ang ang kaniyang hawak na baril at muling humugot ng isa pa sa kaniyang strapless na gown. Ngayo'y nakangising humarap si Akisha kay King habang hawak ang dalawang baril sa magkabilang kamay.
"Let's go" usal ni King. Nagsitanguan naman ang mga ito at muling sumabak sa laban habang pinoprotektahan si King at ang asawa nito.
Pinuntirya ni Austin ang mga sniper sa ikalawa at ikatlong palapag ng hall, Si Callum naman ay mabilis ang kilos na tinatarak ang hawak na dagger sa leeg mga lumalapit na kalaban habang si Stanley at Akisha ay nasa unahan at agad na binabaril ang lahat ng nakakasalubong na kalaban.
Agad na napabagsak ni Akisha at Stanley ang mga nakaharang na kalaban sa pintuan kung nasaan ang labasan.
Nang makalabas silang anim ay may kung anong kinuha si Callum sa kaniyang coat at may kung anong pinipindot dito pagkakuwan ay itinapon sa loob ng lugar kung saan ay ang mga kalaban at bisita ay naroroon.
Ilang sandali pa ay isang malakas na...
'BOOM!'
Isang malakas na pagsabog ang nangyari sa loob ng hall, saktong pagkalabas nila King.
Agad na nagsipuntahan ang bawat isa sa kani kanilang kotse at kaniya kaniyang nilisan ang lugar na pawang walang nangyare.
Inilapag ni King ang mahal na asawa sa likod ng kotse at kaniya itong niyakap. Nagsimula namang magmaneho ang driver nila pauwi.
Sobra sobrang kaba at takot ang ngayo'y nararamdaman ni King habang yakap ang duguan at walang malay na asawa.
Third Person POV.
"She's fine Mr. Wurzel. She lost too much blood because of the shot, she just need to rest. That's all. I need to go" anang ng doctor na tumingin sa dalagang si Allysha at nilisan ang kwarto ng binata.
BINABASA MO ANG
The Demon's Possession (Complete)
RomanceHe's a Heartless. A demon. He can kill anyone. He can control anyone. No one can tame him. No one know his true identity. His secrets. His Darkest Secrets that no one knows. Pero paano kung isang gabi ay makilala niya. Ang babaeng kanyang kahuh...