TD'SP 23

26.4K 480 3
                                    

Chapter 23

"Ija, Siya ang Kuya mo.."

Nagsalubong ang aking mga kilay sa aking narinig. Hindi ko malaman kung ano ang nais kong maramdaman ngayon. Parang nalilito na naguguluhan. Halos hindi ko rin napansing na napabitaw na ang hawak ko sa mga kamay ni Tita Mommy.

"Ano bang sinasabi mo Tita Mommy? I don't have a brother. Wala akong maalalang may kapatid ako. Imposible ang sinasabi mo." ngunot noong sabi ko. Tumingin ako sa Lalaking na sa aking harap ngunit isang blankong ekspresyon lamang ang nakikita ko sa mukha niya.

"Maniwala ka Allysha. Siya ang kuya mo. Siya ang unang anak ng mommy at daddy mo." pagkukumbinsi sakin ni Tita Mommy.

Ngunit umiling lang ako. Hindi! Hindi totoo yan. Simula ng mamulat ako ay wala sila mommy at daddy na sinabing may kapatid ako. Imposible. Isang malaking Imposible.

Hindi ko siya kapatid! Alam kong may ibang balak siya. May gusto siyang makuha samin, yun ang totoo. Tumayo ako at masamang tiningnan ang lalaking nagsabing kapatid ko raw siya. Akin siyang dinuro at nagsalita.

"Kung sino ka man, Umalis ka na. Buko na kita! Alam kong may masamang balak ka samin ng Tita Mommy kaya bago pa ako tumawag ng pulis, umalis ka na sa pamamahay na ito." sambit ko at lumakad papunta sa hardin. Kailangan ko ng sariwang hangin. Siguro nama'y aalis na ang estrangherong iyon. Pumunta ako sa aming hardin at umupo sa upuang duyan.

Pinikit ko ang aking mga mata at nilanghap ang simoy ng sariwang hangin sa aming hardin. Mahigit isang buwan o mas matagal na simula ng makauwi ako dito. Simula ng mapunta ako sa puder ni King ay hindi pa kami nakakabisita kay Tita Mommy. Ngunit sa ilang sandaling katahimikan na aking nalalasap ay naramdaman kong may umupo sa aking tabi, minulat ko ang aking mga mata at nagsalubong ang aking kilay.

"Hindi ba sinabi ko sa iyo na umalis ka na?! Gusto mo bang ipamdampot kita sa mga pulis." inis kong turan sa estrangherong ito. Ngunit hindi ako nito pinansin bagkus ay malayo lamang itong nakatingin sa kabuohan ng aming hardin.

"Hindi ka ba ta---"

"12 years ago. I remember, when you were young. You always want to play with me with your tea party set. But when I refuse you, your always crying in front of me because you know that I hate it when I seeing you crying so in the end, I always play with you even it's making me gay because of your tea party."

Napatigil ako at napatingin sa estrangherong ito. Para siyang nagkukwento. Imbis na umimik ay nanatili akong tahimik na nakatingin at nakinig sa kaniya na hudyat para sa kaniya na ituloy ang kaniyang sinasabi.

"When you were young, your always by my side. Ayaw mo ngang umalis sa tabi ko e, Nagmukha na nga tayong kambal tuko sabi ng mga kalaro ko dati. Even in the evening, when I'm going to sleep, you will come to my room and jump to my bed with your pillow. Ayaw mo nang hindi tayo magkatabi sa pagtulog. Sa lahat ng bagay gusto mo kasama ako, kulang na lang e pagdikitin mga katawan natin para hindi na tayo maghiwalay e. At alam mo bang kapag may babae akong kaibigan na yumakap o humalik sa pisngi ko, inaaway mo. Imagine, you're just 6 years old that time pero mukha kitang ate dahil sa pagbabantay sakin sa mga babae. Even when Me and my Friends playing basketball in our school, your always coming with mom just to cheer me. That's why, I'm happy that you became my little sister. I'm promise to myself that I will protect you no matter what happen."

Tumigil siya sa pagsasalita at Tumingin sakin bago ibinalik ang tingin sa mga halaman at punong nasa hardin.

" But I didn't fulfill my promise to you, I go with lolo and migrated in U.S leaving our parents and you, to go continue my study there. I felt very guilty that time. You're crying so hard and pleading to me not to come with lolo. Alam mong kahinaan ko ang pag-iyak mo kaya umiiyak ka palagi para sundin ko ang gusto but not that time. I don't want to leave you but I need to kaya kahit mahirap, tiniis ko na walang makulit at iyaking kapatid sa tabi ko. Tiniis kong walang kapatid na bigla bigla nalang papasok sa kwarto ko para maglulundag lundag sa kama ko. But you know what? I promise to myself that I will back here to fulfil my promise to my little sister."

The Demon's Possession (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon