Waiting Shed (one-shot story)

477 18 9
                                    

This story is dedicated to the following VIP’S:

BERNADETTE, JUREEN, JAZMINE, JEREMIAH, ANN AND RACHEL J

This is also for my number one fan *fireworks*

MONIQUE NALUZ… wahaha… kahit na di tayo magkakilala sa personal, SALAMAT J

At pati na rin kay GLADYS ANGRY BIRD!! Wahaha.. dadalawin kita sa Pangasinan, ang layo mo pala!!! :P

“WAITING SHED”

“True Love waits”

July 26, 2012

Minsan talaga ang hirap ng buhay, kailangan nating tanggapin ang mga bagay-bagay na kay hirap ng ibalik ah! Este hindi na pala talaga maibabalik habangbuhay, minsan lang akong magmahal at minsan na rin akong nasaktan…

Ano kaya ang feeling maging in love ulit? Hahay! Sana maibalik ko yon ulit.

Hello, ako nga pala si Jazmine Cruz, at eto ang kwento ng buhay ko…

November 18, 2008

Nasa ika-apat na taon palang ako noon sa kursong Medical Laboratory Science sa isang sikat na unibersidad sa aming bayan, kagaya ng isang teenager mahilig akong gumimik minsan, pero hindi ko naman napapabayaan ang pag-aaral ko. Mahilig din naman akong pumunta sa library at mag-aral noh! Napagsasabay ko naman ang gimik ng barkada at pag-aaral ko.

Isa akong ganap na NBSB! Paki ko bas a kanila, por que NBSB ba ay pangit na agad?! Alam ko namang maganda ako, at yon ang sabi ng parents ko… Sus! Naniwala naman ako…

Tahimik kong pinagmamasdan ang kaibigan ko na kanina pa nagkukulitan sa kanyang kasintahan, napa-isip tuloy ako, ano kaya ang feeling pag may boyfriend na?

Hindi ko lubos maimagine kung bakit umiiyak ang mga babae sa tuwing hinihiwalayan sila ng mga boyfriend nila, masakit kaya yon?

Ah basta ako, mamaya nalang muna ang boyfriend na yan! Uunahin ko muna ang pag-aaral ko. Promise ko yan sa parents ko! hanggang crush lang naman ako eh… at wala akong balak maging madre.

November 19, 2008

Pauwi na ako galing sa school, naiinis ako kasi ang lakas ng buhos ng ulan, ang layo pa naman ng paradahan ng Jeep, lagot ako kina mama at papa pag ginabi ako… dakilang dirty minded pa naman yon… Naghanap ako ng pwedeng masilungan, sa di kalayuan may nakita akong isang waiting shed malapit sa Ospital, pwede na siguro akong sumilong pansamantala hanggang sa tumigil ang ulan. Tamang-tama walang masyadong tao kaya hindi ko na kailangan pang makipagsiksikan.

May lumapit sa akin na dalawang lalaki, kinabahan ako at dinukot ko ang ball pen na nasa bulsa ko para maipagtanggol ko ang sarili ko, naalala ko pa ang sinabi ng isang lalaki.

“Miss, saan mo gustong pumunta? Ihahatid na kita”

“Huwag na po kuya maghihintay na lang po ako ng jeep”

“Pwede ka namang sumabay sa amin eh!”

“Salamat nalang po manong, pero ayoko po” Hinawakan ako ng isang lalaki, nanglaban ako at sinuntok ko siya sa mukha.

“Ayos ka miss ah! Marunong ng lumaban” Kinakabahan man ako ay kailangan kong lumaban.

“Ibigay mo na sa akin ang wallet mo miss, at pwede ka na naming iwan dito” Ano ako tanga? Kahit ibigay ko ang wallet ko ay may gagawin pa rin silang masama sa akin. Ngunit laking gulat ko ng may isang lalaki na tumulong sa akin, mula sa mga lalaking mandarambong. Sinuntok at sinipa niya ang mga lalaki hanggang sa nagmakaawa na ito sa kanya. May sinabi ang lalaki na hinding-hindi ko makakalimutan.

Waiting Shed (one-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon