Kabanata 1
Pasensya na
Dumating ang pasukan. Halos sabay na kaming pumapasok ni Kyro at araw-araw din niya akong hinahatid pauwi. Tuksohan ang lagi kong naririnig sa t'wing sabay kaming pumapasok sa silid namin. Nasunod siya sa gusto niyang maging magkaklase ulit kami. Nagpalipat siya sa seksyon ko.
Unang buwan ng klase ay naging maayos naman kami. Sabay kaming gumagawa ng assignment, ng project at nag-aaral rin kami tuwing may oras. Sabay din kaming nagla-lunch tuwing tanghali. Halos kami nga ang laging magkasama. Si Nichol ay hindi ko na kaklase. Kaya naman wala akong ka-kwentuhan sa school.
Hirap din akong magkaron ng kaibigan dahil lagi kaming magkadikit ni Kyro. Okay lang naman sa akin 'yon. Pero minsan nahihirapan din ako. Meron kasi akong gustong i-kwento na hindi ko pwedeng i-kwento kay Kyro. Mga private stuff ng mga babae.
Nakakahiya nga ng minsan akong datnan at wala akong dalang napkin. Wala akong mautusan. Kaya naman no choice ako kun'di kay Kyro magpabili.
"K-kyro." tawag ko sa kaniya habang nakasilip ang aking ulo sa pinto ng banyo at siya nama'y nakasandal sa labas.
Bumaling siya sa akin at nginitian ako "Hmm? Tapos ka na?"
I bit my lower lip "Kasi ano.. ahm.." halos dumugo na ang labi ko sa kakakagat dito "Meron kasi ako. Alam mo na. Wala akong dalang napkin. Pwede mo ba akong ibili?" nauutal kong tanong.
Agad nanlaki ang mga mata niya "A-ano?"
Mas lalong namula ang pisnge ko "Ah.. eh. Sige huwag na lang. P'wede bang pakihanap si Nichol? Nasa room thirteen siya. Pakisabing ibili ako. Please, kailangan ko lang."
Tumango siya at umalis.
Napanguso na lang ako. Akala ko kagaya siya ni James Reid sa Talk back and your dead na ibibili ang babae ng napkin. Nakakainis naman.
Ayos lang sana yun e. Naiintindihan ko naman na nakakahiya naman talagang bumili ang isang lalaki ng napkin. Pero ba't ba kasi hindi niya ako payagang sumama sa iba? Kailangan ko ng babaeng kaibigan!
"Sasama lang naman ako sa kanila sa sabado. Girls outing yun, Kyro. At kaklase naman na'tin sila. Payag naman si Nanay e. Dahil sa tabing dagat lang naman iyon." pamimilit ko sa kaniya.
Bumuntong hininga siya "Aya'ko nga , Krist. Maarte at malalandi ang mga babaeng yun. Hindi mo ba napapansin na palagi ni lang tinutukso si Margie na syota ng tropa ko sa ibang lalaki? E paano kung gawin din nila sa iyo yun ha!?" his eyes are dark and serious like a dagger.
"Hindi naman ako kagaya ni Margie na agad na kakagat sa tuksuhan nila. Kyro, kailangan ko din ng mga babaeng kaibigan."
"Bad influence ang mga kaklase na'ting babae. Hindi ba puwedeng dito ka na lang sa tabi ko? Hindi mo kailangan ng kaibigang babae kung nandito naman ako."
"Kyro, hindi naman sa lahat nang pagkakataon ay ikaw lagi ang kasama ko. Kailangan ko ng taong mapagsasabihan ng lihim na hindi ko pwedeng sabihin sa isang lakaki. Kailangan ko ng kaibigan na mauutusang ibili ako ng napkin kapag emergency. At alam ko namang hindi mo kayang gawin iyon."
Mas lalong nagdilim ang mga mata niya "Edi ibibili kita! At anong lihim ha? Lihim na may iba kang gusto ganoon ba!?"
Pumikit ako nang mariin "Hindi. Girls stuff, Kyro. Girl stuff."
"Then tell me." mariin niyang sabi
"Kyro, hindi mo ako naiintindihan e."
"Edi ipaintindi mo."
I sighed, "I'm out of this. Sasama ako. Tapos ang usapan." nagtitimpi kong sabi at tinalikuran siya.
Pero bago pa ako makaalis ay hinigit na niya ang braso ko "Krist. Ano ba! Hindi pa tayo tapos. Hindi ka sabi sasama doon."
BINABASA MO ANG
Unknown Mistake (Raquel Boys Series #1)COMPLETED✔
RomanceWARNING: There are few chapters with mature scenes. Read at your own risk! Sa pag-ibig hindi maiiwasan ang magkaroon ng mga hindrances, iyong tipong may aayaw talaga sa inyong dalawa. At dahil doon iyon ang maaaring maging dahilan ng inyong pagkahiw...