- 23 -

21 1 0
                                    

Miruelle

Asdfghjkl.

Sa akin nga ba talaga siya nakatingin o sa katabi ko?

Waaah, don't be assuming Miruelle. Kaya ka umaasa eh.

Pero kase alangan naman titigan niya si Gleo. Ano yun bromance? O baka kay Margs? Eh kung kay Margs edi sana kanina pa siya sinamaan ng tingin nito. Kaso hindi eh.

Sa akin talaga siya nakatingin.

Damn! Ang awkward. Hindi niya talaga inaalis ang tingin niya kahit alam niyang nakita ko siyang nakatingin sa akin. Damn you Matthew Sandoval for making my heart beat abnormal again.

"Hey, you okay?" Takang tanong sa akin ni Gleo ng mahalatang naging uneasy ako.

"Uh, y-yeah. I'm fine." Sabi ko saka umiwas ng tingin kay Matt. Tumingin nalang ulit ako sa iba na tinutukso na sila Ann at Eros dahil sa pag-amin ni Ann na gusto niya si Eros. At sa katunayan pa, long time crush na niya pala ito nung highschool pa. Magka-batchmate nga pala sila nun.

"Hala grabe! Akalain mo yun kung hindi pa ikakasal si Gina hindi pa kayo magkakaaminan ng feelings." Kinikilig na sabi ni beshy habang pumapalakpak pa.

Oo nga naman. Pareho naman pala silang crush ang isa't isa noon pero ngayon lang nagka-aminan. Pwedeng bang sisihin ang pagiging playboy ni Eros? Haha.

Playboy Eros plus shy type Ann is equal to PERFECT COMBINATION.

Mamaya pa ay turn na ni Klea at tumapat ito kay Matt. Nag dare si Matt. Ang dare ni Klea sa kanya ay cheek to cheek sila until next turn. Ibig sabihin saka lang bibitaw si Matt sa kanya pag meron sa kanilang dalawa ulit ang natapatan ng bote.

My gosh ang sakit nila sa mata. Feel na feel pa ni Klea ugh. Nagtagal iyon ng halos tatlong minuto bago ulit naging turn ni Matt. Nag truth naman ngayon si Matt.

"Who is the most beautiful girl in this squad?" Tanong ni Kate. Sa dami ng pwedeng itanong bakit yun pa. Alam ko naman na si Klea ang isasagot niya. Napayuko nalang ako.

"Give this to her who ever she is. And you don't need to answer now. Just make sure she'll wear it tomorrow." Sabi pa ni Kate. At kung ano man ang bagay na inabot niya kay Matt ay hindi ko na alam. I'm sure bukas suot na iyon ni Klea.

"Waaah ano yung binigay mo kay Matmat, girl?" Atungal ni beshy.

"Secret girl." Halakahak naman ni Kate.

Nagpaikot ulit sila ng bote na natapat kay beshy. Nag dare siya kaya ayun inutusan ni Matt na kunan siya ng fresh buko juice. Mapangasar talaga. Pinapahirapan si beshy. Pero nagboluntaryo naman si Arkin na siya nalang ang gagawa ng utos ni Matt kay beshy. Kaya ito si beshy sa gabi ko pulang pula ang mukha sa kilig. Tsk swerteng babae. Kakakilala palang nila pero mukhang in love na yata si Arkin sa kanya.

Kumusta naman ako diba? Halos mag-iisang buwan na kaming magkilala ni Matt pero ito nganga parin ako. Walang love life.

Yan gusto mo diba? Layuan ka ni Matt. Tss. Wish granted kaya wala kang karapatan na magreklamo Jan.

Tss oo na alam ko. Ugh. Baliw na talaga. I'm talking to myself again.

"Hoy besh truth or dare!" Napapitlag ako ng biglang marinig ang matinis na boses ni Margs. Yung totoo magkatabi lang kami pero kung makasigaw siya parang nasa kabilang bundok ako. Tss.

Turn ko na pala. "Truth." Sagot ko. Ayoko nga mag dare baka mamaya kung ano pa iutos niya sa akin. Knowing her. Lakas din mang trip ang isang ito eh.

When Summer BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon