Palagi na lang sinasabihang
"hindi mo kaya,
kaya mabuti pa 'wag mo nang subukan."Dalawang pangungusap
na nagpabaligtad sa tingin ko sa buhay,
at naisip na alam ko na
ang magiging resulta ay kapalpakan na naman.Marahil ay nasanay sa ganoong pagiisip, at may namumuong kwestyon sa aking isipan.
Bakit ba palagi ko na lang minamaliit ang aking sarili, yung tipong gan'to na lamang ako at walang paroroonan.