"Ano ba naman yan pare, naghahanap ka pa din?"
Naka-upo sa gitnang bahagi ng MOA ang magkakaibigan. Wala lang, trip lang nilang umupo sa gitna at tumingin tingin sa paligid. Lalo na tumingin ng magagandang babae.
"Bakit ba sabik na sabik kang maghanap ng babae dre?", tanong ng Jeff, ang lalaking itim ang buhok na matalik na kaibigan ni Marvin.
"Parang napag-iiwanan na ko pre, ewan parang gusto ko nang tumahimik", sagot ni Marvin, ang lalaking brown ang buhok at sabihin nating sikat siya sa mga babae ngunit kahit ganon ay wala pa din siyang napipili o napupusuan sa mga ito .
"Kung katahimikan hanap mo, ako magbibigay sayo nun!", tumayo si Venicio na matalik na kaibigan ng dalawa na may pula ang buhok. Nag-iinat na ang binata para suntukin si Marvin. "Tae hindi ko pa gustong mamatay"
Nagtawanan ang tatlo. Umupo si Venicio at nagpatuloy sa kanilang pinag-uusapan. Wala din namang tinatawag na GIRL FRIEND ang dalawa niyang kaibigan, gusto lang niyang maghanap ng babaeng mamahal.
"Gusto ko kasi yung may taong mag-aalaga sakin, magpapa-alala... alam niyo na"
Tumango, tango ang dalawa at parehas na nagsalita, "Kailangan mo na ng yaya!" at nagtawanan ang dalawa
Huminga ng malalim ang binata at umiling iling. May nakitang sexy na dalaga sa di kalayuan si Marvin. Naghihintay ito na magbukas ang pintuan sa elevator. Tumayo ang binata at sinabihan ang dalawang kaibigan na nagtatawanan, "Tignan niyo to".
Lumapit ang siya sa dalaga at tumabi, tinignan niya ito sa gilid. Lakas loob na nagsalita, "Hi miss"
Tumatango-tango at pakanta-kanta lang ang dalaga, di narinig ang sinabi ng binata. Paulit-ulit ang pagbati ngunit walang naririnig ang dalaga. Lumingon ito, tangal ng headset at nagkunot ng noo.
"Uuh. Nakita mong may headset ako, salita ka ng salita dyan. Sino ka ba?"
"Parang kilala kasi kita eh."
"Anong kilala? di kita nga kilala"
"Ikaw kasi yung susunod na girlfriend ko.", at nilabas ang kanyang killer smile.
"Mukhang nagkakamali ka ata manong. Subukan niyo pong maghanap ng mga gamot dyan para luminaw mata niyo at kelan pa naging manghuhula ang isang Rune Knight? sheesh.", sinuot ulit ang headset at naglakad papasok sa elevator, iniwan ang binata na naipit sa mga taong papasok din ng nasabing lagusan. Bumalik ang binata sa kanyang kinauupuan at napakamot ng ulo.
"Ikaw kasi yung susunod na girlfriend ko", ginagayang sinabi ng Jeff.
"WAHAHAHAHAHAHA!", tinapik ang balikat ng kaibigang pabalik at umakbay, "baka masyado ng luma yung pick-up line mo dre kaya ka nilayasan agad"
Tinangal ang pagkaka-abay ng kaibigan at kumunot ang noo. Napatingin sa kaliwang bahagi ng kanilang kinauupuan nang makita niya sa di kalayuan ang kanyang "childhood sweetheart". Inayos ang sarili at lumapit sa babae. Tinignan niya itong mabuti at nagsalita ng patanong.
"Scar? Scarlet?"
Napalingon bigla ang babae at nagulat.
"M-Marvin?!!" biglang niyakap ang kaibigan. "Ikaw pala yan! Di kita nakilala grabe.. at ang itsura ah.. wew~ fafable"
Natawa si Marvin at umupo sa tabi ng babae. , "At ikaw.. sinong mag-aakala na tourism pala ang gusto mong tahakin?"
"Adventurous naman talaga ako no. Kala mo."
"Haha, kung sabagay. uhmm. gusto mong kumain sa labas minsan? Alam mo yun, bonding. Wag kang mag-alala.. sagot ko!"
"At kelan ka pa naging galante?"
"Di naman.. haha. Ano sa tingin mo?"
Tumayo ang babae at ipinakita ang kanyang kanang kamay, may maliit na singsing na naka-suot sa kanyang daliri, "Kasal na ko Marvin"
"A-a-ano?!"
Dumating ang matangad at maputing lalaki, niyakap at halikan ang asawa, "kanina ka pa?"
"hindi naman, ay eto nga pala si Marvin. kaibigan ko simula pagkabata. Ngayon ko lang ulit nakita", sagot ni Scarlet. Tumayo si Marvin at nakipagkamay. Matipuno ang lalaki, bagay na bagay sila ng kanyang kaibigan.
"Sige Marvin Jake alis na kami, may hahanapin pa kasi kami. Ingat!", naglakad papalayo si Scarlet at ang kanyang asawa at tuluyan ng iniwan nanaman ang kawawang binata. Yumuko ito at bumalik sa lugar kung saan naghihintay ang kanyang mga kaibigan.
"Wag na kayong magsalita"
Mahinang sinabi ng Venicio, "Strike two"
Tinignan ng masama ni Marvin ang kaibigan at napabungtong hininga at yuko.
"Ayoko na"
"Kanina ganadong ganado ka. Anong nangyari sa lahat ng pag-asa mo?", seryosong sabi ng Venicio
"Hindi ko alam pare"
"Ang dapat kasi pare, hindi mo minamadali. Dadating at dadating naman yan."
"Tignan mo nga kaming dalawa, akala mo ba di din kami naghahanap ng minamahal? napagod lang kami kakahanap. Bago lang namin nalaman na di pala minamadali ang pag-ibig"
"Pag pinilit mong makuha o kunin, lalo yang lalayo. Hayaan mo lang. Di ka naman mauubusan ng babae."
Tumayo si Marvin at umupo sa pagitan ng kanyang mga kaibigan at umakbay sa dalawa, "alam niyo ngayon lang kayo nagsabi ng matino. Ngayon ko lang kayo narinig na magseryoso"
"Maarte", tumayo ang Jeff at niyaya na ang dalawa na bumalik na sa kanilang sasakyan sa labas. Nauna ng nakabalik ang dalawa, naiwan si Marvin na naipit nanaman sa dami ng tao. Di sinasadyang mabungo ni Marvin ang isang Med student na may dala-dalang mga libro.
"Ay sorry miss", tinulungang magpulot ng libro ang babae.
"Hindi, okay lang", sabay na nahawakan ng dalawa ang natirang libro sa sahig. Di sinasadyang mahawakan ni Marvin ang kamay ng dalaga. Namula ang mga pisngi nito at dali-daling tumayo.
"Ah.. salamat"
"Ako nalang magdadala nito kung okay lang? ang bigat naman ng mga dinadala mo"
"Nagreresearch kasi ako, bumili lang ako ng mga libro"
Tumango-tango lang ang binata at ngumiti sa dalaga. Simple lang ang ngiti niya, normal pero nakuha niyang mapangiti din ang dalaga.
"Ako nga pala si Marvin"
"Levon.. salamat Marvin ah?"
"Walang anuman yun, ihatid na kita. Di mo kakayaning buhatin lahat to."
Sabay ng naglakad ang dalawa sa sasakyan ng dalaga. Di man aminin, may kakaibang aura ang nagdidikit sa dalawa. Ayun siguro ang matagal nang hinahanap at gustong makuha ni Marvin. Ang pag-ibig.
