MTP#8:Unexpected

5.1K 94 4
                                    

Mary Katryn POV

Hindi ko maiwasang hindi marinig ang mga pinag-uusapan nila dito sa hallway. Halos araw-araw naman atang may tsismis dito sa campus. Pero di bali na lang. Wala din naman akong balak na alamin pa ang mga tsismisan nila.

Dumiretso ako sa room pero ni isang studyante ay wala dito. Mag-aalas otso na at malaput na din ang C.A.T namin. Hsst! Siguro late lang sila.

Umupo ako sa upuan ko at hinintay sila. Hanggang sa magtime na at wala pa rin sila. Saan ba nagpunta ang mga yun? Tsk!

Tatayo na saba ako sa upuan ko ng biglang pumasok si Axl---este sir.

"Good morning, sir."bati ko sa kanya at bahagyang yumuko.

"Good morning."balik din niya kaya nag-angat na ako ng tingin at nakangiti pa pala siya sakin.

Kahit na ang awkward sa feeling ay nginitian ko na lang siya.

"Where's your classmate?"

"I don't know, sir."sagot ko na alng at bumalik ng upo.

Bahala na nga. Mukhang ako lang ang estudyante ngayon. Mukhang nagwalwal na naman ang mga kaklase ko.

"Since mag-isa mo lang at C.A.T ang subject maghapon ay magtraning na lang tayo sa tranning field."wika niya na tinanguhan ko na lang at sumunod na sakanya sa paglabas.

***

"Now, mag-wa-one on one tayo sa pagtratraning. Mukhang hindi mo pa alam ang pumuntirya ng target."confident niyang wika na ikinairap ko na lang sa isipan ko.

Hinagisan niya ako ng baril at buti na lang dahil nasalo ko ito. Psh! Masyadong annoying 'tong lalaking 'to. Tsk!

"Face the target."utos ni SIR kaya humarap na ako sa mga target na cartoons in a human figure. "Try mong barilin ang isang human figure."

Kinalabit ko ang gatilyo at agad itong pumutok na ikinakaba ko. Ghad! Ito na naman ang pangangatog ng tuhod ko.

"Focus, Katryn!"singhal niya kaya napalunok ako at nagfocus sa target.

Muli 'kong kinalabit ang gatilyo pero gaya kanina ay wala akong natamaan. Ganito ba talaga kahirap ang pagpupulis? Fudge!

Habang nakafocus ako ay naramdaman ko ang paglapit niya sakin at tsaka niya hinawakan ang kamay ko. Nasa likuran ko siya at parang nakayakap na siya sakin ngayon. Ramdam ko din ang paghinga niya sa bandang leeg na nagpabilis sa tibok ng puso. Fudge! Ano 'tong pinag-iisip ko?

Ako? Mabilis ang tibok ng puso dahil sa kanya? No way! Dala lang 'to ng kaba. Oo! Tama! Dala lang 'to ng kaba.

"Kailangan, asentado mong mabuti ang target. Tapos magfocus kang mabuti dito tsaka mo patamaan."halos bulong na lang niya na mas lalong nagpabilis sa mabilis na tibok ng puso ko.

Feeling ko anytime ay aatakehin ako sa puso dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.

Sinundan niya ang daliri 'kong nasa gatilyon at tsaka niya kinalabit ito. Dahilan para pumutok ang baril at tumama sa ulo ng target.

"See?"parang may halong pagyayabang ang pagkakabigkas niya bago siya kumalas sa yakap---este sa pagkakahawak sa kamay ko.

"Oo nga."wika ko na lang kahit na nakakabwisit ang mga ngising pinapakita niya.

"Try mo din."

Trinay ko ulit ang pagtama sa target. Inalala ko ang mga sinabi niya kanina. Kailangan ko lang ng concentration para magawa ko ng maigi.

Pagkakalabit ko sa gatilyo ay sumakto sa mata ng biktima ang bala. Ang galing! Kaya ko na! Medyo nalalabanan ko na ang takot ko sa tunog ng baril. Sana magtuloy-tuloy na ito.

Humarap ako sa kanya at ngitian niya.

"Salamat."wika ko na lang bago ko tinanggal ang headphone at eyeglasses.

"Don't thank me, thank yourself. You made it, but you need to practice more for you to be experr with it."tumango ako sa kanya bilang sagot.

Kailangan ko talagang makapagpractice ng maigi para maipagtanggol ko na ang magulang namin ni Bernadeth.

*phone's ring*

Napahawak ako sa bulsa ng pants ko ng marinig ko ang pagriring ng cellphone ko. Tinignan ko ang caller ID at si Bernadeth ang nakaregister dito.

Pinindot ko ang answer button.

"He---"

["I-insan! P-pumunta ka dito s-sa h-hospital si lola!"]

"Ha?! Anong nangyari sa kanya? Saang hospital yan? Pupunta na ako!"nagmamadali 'kong wika sa kanya.

Nagpapanic na din ang buo 'kong katawan dahil sa sinabi ni insan. Hospital ang pinakaayaw ko sa lahat kaya hindi ko maiwasang maghysterical kapag may nadadala doon na kamag-anak ko.

["I-insan, tetext k-ko na lang. B-bilisan mo."]

Hindi ko maiwasang mag-alala lalo na't umiiyak na si Bernadeth.

"Hintayin mo ako."yan na lang ang tanging nasabi ko bago ko pinatay ang tawag.

"Bakit? Anong nangyari?"tanong ni Sir sakin at nag-aalala na din ang mukha niya.

"Yung lola ko po kasi. Sige na po pupunta akong hospital."

"Wait! Ipagdradrive na kita. Saang hospital ba?"

"Sa Gregorios hospital po."sagot at wala sa oras niyang hinila ang kamay ko at sabay na kaming tumakbo palabas.

Kahit na may problema ako ay hindi ko maiwasang maramdaman ang kuryenteng dumaloy sa kamay ko noong mga sandaling hinawakan niya ito.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at tsaka siya tumakbo sa kabilang pinto. Sa passengear ako at sa driver seat naman siya.

Sinabi ko na lang ang hospital na tenext ni Bernadeth at hindi na ako umimik pa. Patuloy din ang pagbabagsakan ng mga luha ko dahil sa mga posibleng mangyari. Wag naman sana.

**

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras ng makarating kami dito sa hospital. Dali-dali na akong tumakbo sa E.R kung nasaan sila.

Isang umiiyak na Bernadeth ang naabutan ko at ng makita niya ako ay agad siyang lumapit at inamba ako ng yakap.

"S-si lola. W-wala na....."parang naghina ang buong katawan ko dahil sa narinig ko.

Hindi! Mali yun. Nagbibiro lang ai Bernadeth. Nagbibiro lang siya.

"Ang funny mo.."pinilit 'kong pasiglahin ang boses ko pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin.

"Wala na siya! W-wala na a-ang lola natin!"sa pagkakataong ito ay napaiyak na ako.

Napaupo na din ako sa sahig dahil sa narinig ko. Yung lola ko! Yung lola ko!

"Nasan siya?"yan na lang ang tanging lumabas sakin.

Pinatayo ako ni Bernadeth at inalalayang makapasok sa loob ng kwarto.

Doon nakita ko si lola na nakaratay na. Napatakbo na lang ako palapit sa kanya.

"Lolaaaaaa!!!! B-bakit mo kami i-iniwan! Ang d-daya mo!"sigaw ko habang niyuyugyog siya. Nagbabakasali akong gumising siya diyan at sabihing 'Joke lang, Apo!'

Pero kahit na akong gawin kong pagyugyog ay wala na talaga. Wala na ang lola ko. Wala na siya! Wala na ang pangalawang magulang ko. Iniwan na nila akong tuluyan.

"Na-hit and run si lola. I-isang single n-na mortorsiklo ang n-nakabangga s-sa kanya."paliwanag ni Bernadeth habang nakayakao sakin. "Walang nakaalam ng plate number pero tinitignan na ng mga pulis ang CCTV doon."

Tangina! Malalagot sakin yang bumanggang yan. May araw din sakin yan kapag nahanap ko siya. Pagbabayarin ko siya sa mga ginawa niya.

---
Copyrights ©Miixxiimii (Maeryll Macaraeg), All rights reserved!

Meet The President [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon