Don't Make Me Fall: Chapter 3

111 86 18
                                    

Nakakainis lahat nalang ng makikita ko dito sa parke eh puro mag jowa! Yung iba, nag-susubuan pa ng pag-kain at yung iba naman mag-ka holding hands pa habang nag-lalakad. Eww ang jeje. Nakakainis.

Tinignan ko ang clock wrists ko medyo hindi pa naman ako late. Malalate pa lang.

Binilisan ko nalang ang pag-lalakad ko hangang sa makarating ako dun sa room ko. As you think nandun nanaman si Anne. Pero pag-kadating ko dun wala pa siya. Nakakapanibago naman. Pero okay lang, atlis walang babaeng manggugulo at mag-dadaldal saakin. Im Free!

Umayos ako ng upo at hinawi ang buhok ko. Tinignan ko yung mga kaklase ko at bising-BC sila sa pakikipag-landian sa mga jowa nila. Yung iba nag babasa ng libro yung iba nag ma-makeup at yung iba naman nag chi-chismisan habang ako tahimik lang.

Lonely ko noh? Okay lang sanay naman akong mag-isa.

Napatigil ang lahat dahil sa pag-dating nung prof namin.

"Okay class, get ready para sa darating na quiz ninyo sa Monday. I hope hindi kayo bumaksak". Hangang ngayun wala parin si Anne. Nakakamiss yung kadal-dalan nung babaeng yun. Sana late lang siya.

Sa hindi kalayuan nakita kong papasok ng room yung lalakeng bumanga saakin. Teka oo siya nga! The heck anong ibig-sabihin nito classmate ko yang lalakeng yan!? No! Hindi pwede! Tska bakit!?

Dere-deretso lang siyang pumasok sa room at tumabi dun sa mga lalakeng nasa-likuran. Agad namang nag si tilian yung mga kaklase kong babae. Maliban lang saakin.

Tsk! Tsk! Gwapo ba yan? Muka ngang pwet yung lalakeng yan eh tska eww ang pangit kaya, sus! ang bababa naman ng taste nila sa lalake kung alam lang nila yung totoong ugali ng lalakeng yan ewan ko lang kung magustuhan pa nila yan.

--

"Sino bayung lalakeng yun?". Tanong ko kay Anne. Buti nalang dumating tong babaeng to.

"Ah? Ayun ba? Pag pasensiyahan mo nayun. May pagkamasungit kase yun. Pero siya yung Top 1 sa klase". Wow. Hindi ko akalaing may utak din pala yung lalakeng yun.

"Gwapo niya noh?" sabi ni Anne habang kinikilig-kilig pa. Aba pati banaman tong babaeng to nainlove nadin don?

"Hindi kaya". Matipid kong sagot dito tska kumagat nung biscuit na kinakain ko.

"Alam mo, kaya hindi ka nag kaka-lovelife eh kase lahat ng tingin mo panget". Sabi pa nito.

"Eh bakit ampangit naman kasi talaga! Tska wala naman talaga akong balak mag Love life noh!". Sabay taray ko dito. Sinimangutan lang ako nito at hindi na nakipag-talo pa.

"Nako...kunwari ka pa! Mararanasan moring mainlove!" sabi pa nito. At tumayo nasa kinauupuan niya.

"Sige bye una na ako". At nag-lakad na ito paalis.

Teka inlove? Wow! HAHAHA nag kakamali ata siya! hindi ako maiinlove kahit kanino! Tska yung lalakeng yun? Hindi ako maiinlove sakanya! Aba't anong akala niya saakin? Madaling mainlove sa mga lalakeng gaya niya? Madaling makuha!? Hindi ako ganon noh! Kaylangan muna niyang tumalon sa building bago niya ako makuha! Char! Simple lang naman ang gusto ko eh yung...

Mabait
Kaya kang mahalin
At yung hindi kalolokohin!

Yun lang!

Pero ni isa? Wala siya nun! Kabaitan pa ngalang wala nasiyang ugaling ganon eh! Paano pa kaya yun?

Kinuha ko na ang gamit ko at dumeretso dun sa Library. Tumingin-tingin muna ako ng mga magagandang libro dun na kung saan pwede kong basahin.

Ng makahanap ako ng magandang libro ay agad kong kinuha yun pero...

Inagaw nung...

Siya nanaman!?

"Ikaw nanaman!?" sabay naming sabing dalawa. Napatingin naman saamin yung mga taong nag-babasa dun sa library at sumenyas na wag
mag-ingay. "Akin na nga tong libro ako nakakuha nito eh!" bulong ko at patagong sabi sakanya habang pinipilit na kinukuha yung libro.

"Ako ang naunang kumuha nito." cold nitong sabi. At itinaas yung libro. Dahil sa maliit ako hindi ko makuha-kuha yun, ang tangad niya kaya!

"Hoy ako kaya ang unang kumuha niyan! Inagaw mo lang! Ano ba akin na ngayan!" at tumalon-talon ako para makuha ko yung libro at mas lalo niya pangang itinaas. Mas lalo ko namang tinaasan yung talon ko kaya...

Hindi ko sinasadyang mapatumba sakanya. Laking gulat ko naman ng makitang mag-kapatong kaming dalawa.

What the heck! Ano to! Pang korean drama lang!? Ayoko ng mga ganitong scene!

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakakapanibago lang kase ngayun ko lang to nararamdaman sa buong buhay ko. Exept nalang pag kinakabahan ako. Ewan ang weird diba? Feeling ko mag kakaroon na ako ng sakit nito sa puso. Anong nangyayari saakin!?

Nakita kong nakapalibot saamin yung lahat ng tao dun kaya tumayo na kaagad ako dahil sa hiya.

Sinamaan ko siya ng tingin at tumakbo na ako palabas nung library. Shet na malagket! Nakakahiya! Bwiset talaga yung lalaking yun! Konting-konti nalang talaga at masasapak ko nayung pag-mumuka nun!

Nakakainis! Feeling ko sasabog na ako sa hiya! Kase eh! Kung hindi lang talaga! Ay nako ugh! Nakakainis! Pag ako talaga na puno sisipain ko siya palabas ng earth!

Malamang nag assume yung lalakeng yun!

Dibale uwian narin naman. Pero kahit na self napahiya ka parin!


Don't Make Me FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon