18

383 9 1
                                    

Kasalukuyang nasa field ang magkakaibigan ngayon wala silang klase ngayon dahil may meeting ang mga prof ngayon kaya tumambay muna sila. Mga nakaupo sila masayang nag aasaran at nag bibiruan napatigil sila saglit ng mag ring ang phone ni Alex agad nya naman sinagot ito at medyo lumayo sya kila Dennise.

"Hello Lo, napatawag po kayo? May problema po ba?" --Aly

"......"

"Wala naman po kaming klase ngayon, baket po?"

"......"

"Ahm.. Sige po Lo. Bye"

Pagkatapos ng tawag agad syang nag paalam sa mga kaibigan nya at kay Dennise, sinabi nya naman dito na pinapatawag sya ng lolo nya ngayon hindi na naman nagtanong pa ang mga kaibigan nya kaya nag paalam na sya sa mga ito. agad syang sumakay sa kotse nya at tunungo ang company na lolo nya.

Binuksan naman agad ni Aly ang pinto ng office ng lolo nya ng makarating sya sa company nito, agad nya naman nakita ang lolo Anton nya pero hindi ito nag iisa kausap nito ang ate Alexa nya napatigil ang mga ito sa pag uusap ng makita nila si Aly na nakatayo lang malapit sa pinto kaya agad naman tinawag nito ang kapatid nya at pinaupo sa tapat ng unuupuan nya kaya parehas silang nakaharap sa lolo nila.

"Baket po pinatawag nyo ako dito" tanong ni Aly sa lolo nya at tumingin din ito sa kapatid nya. Nalilito na sya kung baket pinawag sya nito.

Mas lalo naman naguluhan si Aly ng tanguan ng lolo nya ang ate Alexa nya at tignan sya nito.

"Napag usapan namin ni Lolo na ikaw ang mag papatakbo ng isa nating kompanya tutal graduating kana naman diba?" sabi ng ate nya.

"Pero--" hindi na natuloy ang sasabihin ni Aly ng mag salita agad ang lolo nya.

"Wala ng pero-pero apo, desisyon na namin yon ng ate mo wag kang mag alala tuturuan ka naman ng ate Alexa mo kung paano mag patakbo ng kompanya tsaka may malaking okasyon ako na pinahanda para ipakilala ka, na.. isa ko pang apo. Maraming dadalo na negosyante bawat pamilya ay kasama ng mga ito at kasama nadin ang pamilya ng mga kaibigan mo at pamilya din ni Dennise. Sa isang araw na ito gaganapin. kaya, be ready apo" nakangiting sa ng matanda sa apo nya.

Si Aly naman hindi na alam kung anong gagawin dahil unang beses palang sya makakapunta sa malaking pag pupulong na iyon.

"Kasama din po ba sila Mommy at Daddy sa party na yon?" tanong nito sa Lolo Anton nya.

"Yes, invited din sila mommy don. Baket, may problema ba Alex?" nag aalalang tanong ng ate nya.

"Ahm. Wala naman ate, tinanong ko lang" sabi nya dito at ngumiti.


Kinausap pa sya saglit ng Lolo at Ate nya tungkol sa company nila pag katapos non nag paalm na sya sa mga ito kailangan nya na  kase bumalik sa school dahil susunduin nya pa yung maganda nyang girlfriend dahil nag text na din ito sakanya kanina nung paalis palang sya sa building ng Lolo nya.

Pag kadating nya ng school  pumunta sya sa field dahil nandon pa daw yung mga kaibigan nya agad naman sya lumapit sa mga ito at umupo sa tabi ni Dennise.


"Walang alisan ah?" natatawang sabi ni Aly sa mga ito.


"Ayaw pa nilang umuwi kaya dito nalang daw muna kame pati iniintay ka pa namin no!" sabi ni Ella.


"May problema ba sa company nyo kaya ka pinatawag ni Lolo?" tanong naman ni Dennise kay Aly.


"wala naman po pero tungkol sa kompanya love, Gusto kase nila Lolo na ako ang mag aasikaso ng isa sa mga malaking company nya bukod don may magaganap na malaking party sa isang araw at kasama daw buong pamilya nyo ah!" sabi ni Aly sa mga ito.

"ay oo nga pala. Nasabi na yan ni Daddy saken meron nga daw party na magaganap invited kame ni Mr. Anton Valdez" sabi naman ni Mark.

"Kame din" sabay sabay na sabi nung iba kaya natawa naman sila.

"Madaming chicks panigurado don" bulong naman ni Greg kay Aly pero parang hindi lang ata si Aly ang nakarinig ng sinabi nya kaya nakatanggap sya ng hampas galing kay Fille.

"Chicks pala ha! Wag kang lalapit saken ha!" sabi ni Fille kay Greg kaya naman itong isa ay todo suyo sa girlfriend nya. Haha

"Ikaw talaga Greg idadamay mo pa ang bebe ko" sabi naman ni Dennise medyo natawa naman si Aly sa sinabi nito.

"Kayo naman.. joke lang naman eh!" sabi ni Greg at patuloy parin ang pag lambing kay Fille.


"Yan... May pachicks pa kasing nalalaman. Ikaw! Pag nang chix ka patay ka saken pati yung chix mo! Gagawin ko syang manok!" sabi naman ni Ella kay Amyr kaya tawa sila ng tawa dahil sa sinabi nito isama mo pa na halatang natakot talaga si Amyr kay Ella. Haha


"hay nako tama na yan. Kayong mga lalake naman, makontento nga kayo sa isang babae hindi yung mag hahanap pa kayo ng iba!" sabi naman ni Dzi.

"Kontento nako sayo babe" sabi ni Ai kay Dzi.

"Ako din kay Jirah"


"Ako din" sabay na sabi naman ni Greg at Amyr .


Si Aly naman ay yumakap kay Dennise at binulungan ito.


"Ikaw lang love, wala ng iba" sabi nito kay Dennise kaya naman ang laki ng ngiti nito.


"Kamusta naman ang nag tabi sa pag tulog kahapon?" baling naman ni Dzi kila Aly at Den kaya napatingin naman sa kanila yung iba nilang kasama.

"oh, baket? Anong meron kung nag tabi kame?" tanong naman ni Dennise.

"Alam ni Tito yon?" tanong ni Ella kay Dennise.

"Oo. Sinabi ko naman yon kay Daddy nung pag alis ni Aly" --Dennise.


"Hindi nagalit si Tito?" --Jirah.


"Hindi. Pati may tiwala naman daw sila Daddy kay Aly. kaya ayon, hindi sila nagalit samin" --Dennise.

"tsaka hindi pa naman namin gagawin yung iniisip nyo guys, malaki ang respeto ko kay Den at nag promise ako kila tito na hindi ako gagawa ng bagay na ikakagalit nila" sabi naman ni Aly kaya napatango nalang ang mga kasama nito sa sinabi nito.


"yun naman pala e! Pero excited nako sa party sa isang araw" biglang sabi naman ni Ella kaya pati yung ibang mga girls ay nahawa nadin isama nyo nadin yung mga boys. Haha

Umalis na sila sa school ng namalayan nilang mag gagabi na at napag pasyahan nilang mag sabay silang lahat mag dinner sa isang restaurant. Kumain lang sila at pag katapos ay hinatid na ng mga boys ang mga girlfriend nila sa bahay ng mga ito. Masaya ang araw na ito para sa kanila.

Paniguradong mahabang araw na naman bukas para sa kanila dahil napag usapan nila na mag aasikaso sila ng isusuot nila para sa darating na party.

AD HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon