20

490 12 2
                                    

Kanina pa nagmamaneho si Aly, hindi nya naman alam kung saan sya pupunta. Habang nagmamaneho sya wala din tigil ang pag daloy ng luha sa kanya mukha, ang bigat-bigat ng pakiramdam nya ngayon dahil sa nangyari kanina sa venue.

Kanina parin tunog ng tunog ang cellphone nya pero hindi nya ito sinasagot at tuloy-tuloy sa pag da drive kung saan saan.

Sa mahigit isang oras na pag da drive ni Aly, napunta sya sa nyang condo. Minsan nya nalang ito napupuntahan dahil sa mga Lolo nya na nga sya nakatira ngayon.

Agad syang napaupo sa sahig ng kanyang kwarto sa isang sulok tuloy tuloy parin ang maluha nya habang nakatungo sya sa kanyang braso.

Bigla naman ulit tumunog ang kanya cellphone, hindi na naman nag dalawang isip na sagutin ito ni Aly.

"Hello"

"Love! Nag aalala na kame sayo, nasaan ka ba? Pupuntahan kita" --Dennise. Labis ang pag aalala nya dito simula ng umalis ito sa venue kanina at kanina parin nya ito tinatawagan. Buti nalang ay sinagot na ni Aly ang tawag nya.

"Condo" tipid na sagot ni Aly.

"Intayin mo ko jan, papunta nako" pag kasabi non ni Dennise ay agad syang umalis para puntahan si Aly.

Sinabi din nya sa mga kasama nya kung nasaan si Aly kaya nakampante naman ang mga ito dahil walang masamang nangyari kay Aly.

Pagkadating ni Dennise sa condo ni Aly agad nya itong nakita sa sulok ng kwarto nito na nakatungo at nakaupo sa sahig. Agad sya lumapit dito at lumuhod para pantayan ito.

"Love.." napaangat naman ang mukha ni Aly ng marinig nya ang boses ni Dennise. Kita ni Den na umiiyak ito kaya hinawakan nya ang mag kabilang pisngi nito.

Mahigpit na niyakap sya ni Aly habang umiiyak ito kaya ginantihan nya din si Aly ng yakap habang hinahakod ang likod nito para kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ni Aly.

Maya-maya naramdaman ni Dennise na parang okay na si Aly kaya humuwalay sya ng kaonti dito. Tumayo na din sila at iniupo nya si Aly sa kama nito.

"Magpapalit lang ako ng damit love, kukuha nalang kita ng sayo, ha?" sabi ni Dennise kay Aly, tango lang naman ang sinagot nito sa kanya.

Kaya agad sya nag palit ng damit sa closet nito, pag katapos non pumunta agad sya kay Aly habang dala na nya yung pamalit nito. Pag katapos nyang tulungan si Aly mag bihis.. Nahiga na silang dalawa, nakaunan si Dennise sa dibdib ni Aly habang nakayakap at si Aly naman ay nakayakap din sa kanya.
















DEN POV

Maaga ako nagising at nandito ako sa kusina para mag luto ng agahan namin ni Aly.

Si Aly naman nasa kwarto pa buti nalang tulog pa sya, alam kong napagod sya sa nangyari kagabe miski kame hindi namin akalain na ganon ang mangyayari sa party at pagkatapos umalis ni Aly sa venue may kaunti pang kaguluhan dahil sa John na yon!

Hindi talaga sya titigil hangga't hindi sya mabibigyan ng mana ni Lolo Anton kahit ang mommy at daddy ni Aly ay pinaalis si John sa venue, sa una ayaw pa nitong umalis pero ng tumawag si Ate Alexa ng mga guard tsaka lang ito galit na umalis sa venue. Paulit ulit naman humingi ng tawad ang mommy at daddy ni Aly kay Lolo Anton at pati na rin kay Ate Alexa dahil sa pagpalit at pag papabaya sa kanilang mag kabatid pero kahit ganon pa man hirap parin si Ate Alexa patawarin ang kanilang magulang pero naniniwala akong hindi mag tatagal ay mapapatawad din ito ang magulang nila si Lolo Anton naman kahit mahirap nagawa nya parin patawarin ang mag asawa sa kabila ng mga nangyari sa kanilang pamilya.

Maya maya naramdaman ko namay kamay na yumakap saken. Sino pa ba kundi yung gwapo kong boyfriend. Kaya napangiti naman ako.

"Goodmorning love" bati ko sa kanya at humarap ako ng matapos kona maluto yung niluluto ko.

"Goodmorning my gorgeous love" sabi nito ay paulit ulit panag hahalikan ang pisngi ko dahilan para mapangiti ako ng malawak. Ganyan kase sya pag naglalambing saken o kaya sya ang gustong mag palambing.

"Tara. Kain na tayo" aya ko kay Aly ng mailapag ko sa mesa ang niluto ko. Pero itong lalaking nakayakap parin saken hindi parin ako binibitawan at patuloy parin ang pag halik sa mukha ko.

"hmmm" yan nalang nasabi ko ng pati ang leeg ko ay hinalikan na ni Aly.

"I love you" sabi ni Aly habang nakayakap na sya saken.

"I love you too" sabi ko at niyakap ko na din sya pabalik.

Kumain na din kaming dalawa pagkatapos non. Uupo na sana ako sa katabi ng inuupuan nya ng bigla hapitin nya ako paupo sa lap nya.

Hindi na naman ako pumalag at tumuloy nalang kame kumain. Pagkatapos namin kumain pumunta kame sa sala at nanood ng movie habang nasa pagitan ako ni Aly at nakayakap naman sya saken sa likod.

"Love?" tawag ko kay Aly na nakatingin sa pinapanood namin.

"Yes, Love?" --Aly, at tumingin na sya saakin.

"May gusto lang akong tinanong sayo pero wag kang magagalit sa itatanong ko ha! At kung okay lang sayo?" tanong ko at pumihit ako paharap sa kanya para makita ko sya ng maayos.

"Basta ikaw love, okay lang" sabi nya at ngumiti pa saakin kaya hindi ko naman mapigilang kurutin ito sa ilong nya, ang cute nya kase eh! 😂

"Ano.. If humingi sayo ng tawad ang parents mo, will you forgive them and give them a chance to become your parents again?" tanong ko at tinignan sya sa mata.

"I don't know. Kung bigyan ni Ate Alexa sila ng chance, I'll give them an opportunity too."--Aly.

"Eh, kung hindi?"

"Yun lang. Pero kung saken lang naman, baket hindi. Magulang ko pa din naman sila at tsaka ang bumalik ulit sa dati ang family namin ang gusto kong mangyare" sabi ni Aly. Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya, kahit ang laki ng galit nya sa magulang nya gusto nya parin maibalik yung dating samahan ng pamilya nila. Kita ko din sa mga mata nya na totoo ang mga sinasabi nya.

"Alam kong babalik ulit kayo sa dati ng pamilya mo love" sabi ko sakanya.

"yeh.. sana nga love" sabi nya habang nakatingin sa labi ko kaya naman kinagat ko ang ibabang labi ko.

"Love!" saway nya naman saken.

"What?" natatawang tanong ko at mas pinalapit ko ang labi ko sa labi nya, kaonti nalang maglalapat na ang mga labi namin.

"urgh!" daing nya ng bahagya kong ipasok ang kamay ko sa loob ng tshirt nya.

"Kiss me!" pagkasabi ko palang non ay agad nya akong hinalikan.

Sobrang diin nya humalik at hinapit nya pa ako palapit lalo sa katawan nya kaya sobrang dikit na dikit na kame sa isat isa. Maya maya unti unti na bumabagal ang halik at naging masuyo na ang pamamaraan ng pag halik nya saken. Ramdam ko din na umiinit nadin ang katawan nya.

Ugh. Kailangan na namin tumigil baka kung saan pa to mapunta.

"I love you" sabi ni Aly ng tumigil na kame sa halikan.

"I love you too" sabi ko at binigyan ko pa ulit sya ng isang mabilis na halik sa labi.

Pagkatapos non bumalik kame sa panonood namin, hindi naman mawawala ang lambingan, cuddle mag hapon . Sana hindi na matapos itong araw na to.

AD HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon