Kabanata 15

3.4K 90 2
                                    




"Hindi mo ba tatawagin si Khalid para sabayan ka'ng kumain?" Tanong ni Manang pagkababa ko. Dinner na at tinawag nya ako para kumain.

'No way! Matapos ng mga pinagsasasabi ko kanina? OH GOD! Nakakahiya!'

"Hindi na Manang... Kahit gutom yun hindi ako non sasabayan" Matabang na sagot ko at umupo na. "Saka for sure kumain na yun sa labas" Nagsimula na ko'ng kumain at sya naman ay nasa gilid ko lang at nakatayo.

Nakagat ko ang labi ko ng maalala ang nangyare kanina.

'Grabe ang drama ko!'

(>>_<<)

"Alam mo ba'ng marunong magluto si Khalid?" She asked out of nowhere. Tumingin ako sa kanya at nakangiti sya saken.

"Oo naman Manang.. Nagulat nga rin ako eh.." Simple'ng sabi ko.

"Eh natikman mo na ba ang luto nya?" Aniya. Nilingon ko sya at pinagkunutan ng noo.

"Oho, ang sarap nga po nya'ng magluto eh" Sagot ko at mas lalo nama'ng lumawak ang ngiti nya.

(o__O)

"Kung ganon.. Ang suwerte mo Iha" Ani Manang. Binigyan ko sya ng nagtatanong na tingin. 'Suwerte? San?'

"Bakit naman Manang?" Curious na tanong ko.

"Dahil ikaw pa lang ang nakakatikim ng luto nya" Natigilan ako sa pagkain at inantay ang sunod nya'ng sasabihin. "Hindi naman kase sya marunong magluto noon pero isa'ng araw bigla na lang nya yung pinag-aralan... At mula nung matuto sya, wala pa'ng nakakatikim ng luto nya.. Kahit si Chairman hindi pa din" Dugtong nya at inabutan ako ng maiinom.

"So.. Nagluluto sya pero para sa kanya lang? Yun ba ang ibig sabihin nyo Manang?" Tanong ko saka uminom. Ang selfish naman pala ni Khalid kung ganon.

Umiling naman sya sa sinabi ko. "Meron kase sya'ng pinag-aalayan ng bawat pagkai'ng niluluto nya... At ang tao'ng yun ang gusto nya'ng unang makatikim non" Sagot nya saka umiwas ng tingin saken. "S-Sige na.. Maaga pa ang pasok mo diba? Magpahinga ka lang saglit at pagkatapos ay matulog ka na" Sinimulan na nya'ng ligpitin ang mga pinagkainan ko pagkatapos ay dumiretso na sa kitchen.

Gusto ko sana'ng itanong kung 'SINO' ang tao'ng tinutukoy nya pero tingin ko ay iniiwasan nya ang tanong na yun kaya ganon na lang ang iniasta nya. Pero ganon pa man.. Nakakatuwa'ng isipin na ako pa lang ang nakatikim at nakakain ng luto ni Khalid.

Umakyat na ko sa kwarto at nagpahinga saglit. Naligo lang ako at nung matapos ay dumiretso na sa kama.

KINABUKASAN

Maaga ako'ng nagising at pumasok sa University.

Nasa klase na ko at masasabi ko'ng nakaka-stress ang pagiging isa'ng college student.. Maliban kase sa dami ng major subject mo ay sinasabayan pa yun ng sobra'ng dami'ng quiz ng mga professor. Kapag hindi ka naman nag-aral ay tiyak na nganga ka dahil kung aasa ka sa sagot ng katabi mo at nahuli ka'ng nangongopya ay panigurado'ng ipapahiya ka ng prof mo lalo na kapag terror ito... Challenging pero kaya naman. Isa pa konti'ng kembot na lang at gagraduate na ko.

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

Tapos na ang klase at kahit papano naman ay marami ako'ng natutunan sa mga lesson na idiniscuss ng mga professor. Hindi ako matalino pero hindi rin naman ako bobo. May alam kumbaga. At isa pa, noon pa man hindi ko naman hinangad ang medalya dahil okay na saken ang makakuha ng diploma.

My Heartless Husband (On Going)Where stories live. Discover now