Chapter Twenty - one

99.8K 4K 333
                                    

And I think that's beautiful

Elias Manuel's

NAKATAYO ako sa tapat ng Aura tower habang naghihintay kay Mayora. Hindi ko pa rin alam kung anong nangyayari. Naniniwala ba siya sa akin? Paano kung hindi? Andy is very mischievious. Alam na alam ko iyon dahil sa maikling panahong magkasama kaming dalawa ay naipakita niya sa akin ang ugali niyang sobrang kakaiba.

Nilalamok na ako dito, kanina pa ako naghihintay at mukhang mas malaki ang posibilidad na hindi siya darating pero maghihintay pa rin ako kahit na tubuan na ako ng ugat dito. I sighed. Mukhang hindi na talaga siya darating.

Sumadal ako sa pader at tiningnan ang orasan ko. Mag-aalas dose nang hatinggabi, alam kong iyon ang oras ng usapan namin, pero naiinip ako, ngunit sa kahit anu pa man, maghihintay ako because Andromeda Consunji is worth waiting for.

Mayamaya pa ay napansin kong may ilaw na nagmula kung saan. Kinabahan ako kaya agad akong nagtago para hindi ako makita. Baka security iyon ng CLPH at nag-iikot na sila. Hatinggabi na kasi. Baka maisama pa nila ako sa opisina. Wala pa naman akong dalang valid id.

Nagtago ako sa bandang likod ng tower na iyon. Nakasilip ang ulo ko habang tinitingnan ko kung paalis na ba sila ko kung anuman. Napamura ako nang biglang may sumundot sa bandang puwitan ko kaya napatalon ako. Nang lumingon ako ay nakita ko si Andeng na tawa nang tawa habang nakatayo roon. Napakamot ako ng ulo.

"Ano ba naman?" Tanong ko sa kanya.

"You jumped!" She said. Tawa siya nang tawa. Napahawak siya sa bandang likod nang ulo niya kaya nag-alala ako. Ngumiwi siya. "Ang sakit." Sabi niya.


"Ang alin? Napano? Halika! Gising pa naman si Santino! Ipapatingin natin!"

"Hindi na. Doon na tayo sa itaas! May papakita ako sa'yo." Hinatak niya ako pero hindi ako nagpadala.

"Sumakit ang ulo mo."

"Nasobrahan lang ako sa tawa. Lika na! Sundutin ko pwet mo ulit." Sabi niya pa. Sinabayan niya ng tawa iyon. Umakyat na nga kami sa Aura tower. Habang naglalakad sa hagdanan ay kinukwento niya sa akin kung ano ang naroon.

"Sa first floor, naroon iyong maliit na function hall na pwedeng mag-host ng 40 to 50 na katao. Kapag family gathering, dito lang kami. Dito sa top, iyong star gazing. May telescope dito iyong high end, makikita mo talaga iyong stars." Napapatango lang ako habang nagkukwento siya sa akin.

Napakasarap pakinggan ng boses ni Andromeda.


"We're here." She said. Malawak ang space sa taas na iyon. May living area sa gitna, may mga libro na sapalagay ko ay tungkol sa astronomy at stars. Sa gitna ng area na iyon ay kitang – kita at pansin na pansin ang napakalaking dream catcher na nakasabit sa pader. There are pictures of stars. Ang ceiling ay maaaring gawa sa matibay na fiber glass, kitang – kita ang mga bituin kapag tuminga roon.

Napakaganda.

"This is my favorite place here in CLPH." Wika niya sa akin.


"Why?"

"You really wanna know why? Come." Hinatak niya ako at lumabas kami sa sliding door na naroon. Napakalamig ng hangin na sumalubong sa akin.


"It's 'cause from here, you can see everything." She said. "Ang underrated nga ng building na ito. Diba pagpasok mo ng CLPH, makikita mo iyong tatlong main buildings? That's the Lukas, Sancho and Adam buildings. Pinakamatayog iyong kay Sancho, siya rin ang nasa gitna kasi siya ang panganay sa magkakapatid. He's my lolo and they say that he sees everything, that's why he has the tallest building." She continued. "But I think, that this tower – Mama Aura's sees more. You see all of that?" Tinuro niya iyong nasa harapan, puro ilaw lang iyon galing sa mismong syudad. Mataas kasi itong CLPH, kaya malamig rin.

TreacherousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon