Bayad po, Estudyante!

38 0 0
                                    

                  Psst.. estudyante ka din ba? Edi alam mo din pala kung gaano kasaya, kalungkot, kabaliw, kaaning ang pagpasok sa eskwela?? Kasi malamang kung estudyante ka, isa ka na ring dakilang loka-loka!

                        Totoo naman, maraming matututunan sa araw-araw na pagpasok sa school.. magbasa, magsulat, magbilang.. anu pa ba? Mangopya, mangodigo, magcutting, magpalusot kay ma’am, mag-rush ng assignment, i-copy paste ang gawa ng classmate, dumiskarte ng pasok sa room pag late ka na, at marami pang iba! Oooppss, wag na magmalinis.. alam kong hindi man lahat, yung iba jan naranasan mo na.. dahil kung hindi, naku pustahan, santong santo ka na!

                        Isang araw paggising mo, late ka na.. papasok ka pa ba o hindi na?? haynako, umagang-umaga nagtatalo na ang demonyo at anghel mong konsensya! Haha! Pero syempre may kabaitan ka, pipiliin mong pumasok.. pwede naman ma-late kahit konte, di ba??

                        Paspasang ligo, konting hilod, banlaw agad! Kung ako yan, magcoconditioner pa ko.. so what kung ma-late? Basta maayos buhok ko! Haha! Pagkatapos, bihis agad ng uniform, salansan ng gamit sa bag.. double check, baka may makalimutan dahil sa pagmamadali! Tapos, hindi ka na mag-aalmusal no, wala ng time e! (pero sa pagpupulbos, may time..) haiy, ang pag-aaral talaga, nakaka-ulcer! Haiy ulit, kung nagising ka lang sana ng mas maaga ng alarm clock mo.. at syempre ang may kasalanan nito ay ang kawawang si alarm clock.. si alarm clock na walang malay!

                        Pagdating mo sa school, marami ka pang pagsubok na haharapin..

Ikaw: good morning po, sorry I’m late..

Si ma’am: o, e bakit ka late?

Ikaw: ma’am kasi po may nagbanggaan sa daan e..

Si ma’am: ano ba yan! May nagbanggaan na naman! Kahapon, may nagbanggaan din pati nung isang araw!! Mag-eroplano ka na nga pagpasok para hindi ka nata-traffic sa daan!

                        Bang! Pwede magsorry? Dapat pala umabsent ka nalang no? hehe..

                        Eto pa isang problema.. may quiz! Get 1 whole paper daw, shet! Mas naalala mo pang dalin ang pulbos kesa sa yellow pad! Lingon sa kanan.. lingon sa kaliwa.. sa harap.. sa likod.. “friendship, penge papel!” ayun lang! top1 problema talaga ang papel sa buhay ng mga estudyante no!

                        Pahirapan na nga humingi ng papel, pahirapan pa sagutan.. “anu ba yan, quiz ba to? Parang board exam na to a! kelan ba tinuro to? Hayup!!” at nahayop pa ang test paper na wala namang laban sa’yo! Haynako yan!

                        Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.. syempre,hindi ka papasa kundi ka kikilos, di ba? Hindi magsusulat yang ballpen mo mag-isa para maka-perfect ka no.. syempre gagamit ka ng strategies.. madali lang kung mahaba ang bangs mo at may 20/20 vision ka.. kaya na ng eyeballs mo yan! Nasaan ang awa ng Diyos? Kapag hindi ka nahuli, ayun, malamang kinaawaan ka, manalig ka lang!

                        During exams, iba-ibang tao ang makikita mo sa classroom.. actually, may animals pa nga e! giraffe, mga nagsisihaba ang leeg.. kwago, mga dilat na dilat.. attentive talaga! Haha! Tapos, may mga biglang nagsisipaypay, yung pamaypay naman, tapat na tapat sa muka! May binabasa na pala.. may mga naka-de kwatro, sabay silip sa pants/palda.. tapos, may mga classmates ka ding thankful sa pagiging “long leggedness”.. sa una, di mo maintindihan kung bakit di siya mapakali, parang ang kati-kati ng paa niya! Tapos pagsilip mo sa baba, hindi pala siya magkanda-ugaga sa pagbukas ng libro at baka mahuli sya! Haha, sa classroom palang, napakarami ng comedy ang makukuha mo e no! ikaw, anong strategy mo? Kanya-kanyang diskarte lang yan para pumasa.. :))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bayad po, Estudyante!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon