Chapter 120

3K 50 2
                                    


THIRD PERSON'S POV

Napaluhod si Mrs. Alvio habang umiiyak habang sinusundan nang tingin si Angela na papalayo. Napahawak siya sa dibdib, nasasaktan siya sa sinabi ni Angela, nasasaktan siya sa ginawa ni Angela.

"Jenica." Agad na lumapit at pinatayo ni Mr. Serano ang Ginang.

"Anong nangyari?" Usisa nito.

Yumakap ang Ginang at humagolgol nang humagolgol.

"Si Angela? Nakausap mo ba?" Usisa pa nang Mr. Hindi sumagot ang Ginang, humigpit ang yakap niya dito.

"Ako ang kakausap sa kanya." Pagkuway sabi nang Mr.

Agad na napahiwalay ang Ginang.

"No, huwag." Mariing sabi nang Ginang hinawakan ang kamay nang Mr.

"Huwag mong gagawin iyan, lalo lang siya magagalit sa atin, lalo lang siya lalayo." Anang Ginang.

Kumunot noo nang Mr.

"Bakit? Ano bang sinabi niya sa'yo? Pinagsalitaan ka nang masakit?"

Agad na umiling ang Ginang.

"Wala, ayos lang ako." Anang Ginang. Hinawakan ni Mr. Serano ang Ginang sa magkabilang braso. Tinitigan siya nito nang mabuti, pero iwas na iwas ang Ginang.

"Jenica, tell me the truth." Mariing sabi nang Mr.

Umiling ang Ginang habang patuloy na umiiyak.

"Sasabihin mo man o hindi pupuntahan ko siya." Anang Mr. bumitaw ito pero agad na pinigilan ito nang Ginang.

"Then tell me." Matigas na sabi nang Mr.

Lalong umiyak ang Ginang habang sinasabi ang mga binitiwang salita ni Angela.

"Promise me na hindi mo siya papagalitan. Arnel, I understand her, nauunawaan ko ang sinabi niya. May kasalanan naman talaga tayo ehh. " anang Ginang.

Napakuyom nang kamao ang Mr. pinipigil ang sarili.

"Arnel ayokong lalong magalit siya sa atin kaya please."

*----**----*

Nagkatinginan sina Danila at Wency habang nakikinig sa hagolgol ni Angela sa likod na upuan.

Ang Señora napabuntong hinga.

Pagkatigil nang kotse sa mansiyon agad na bumaba si Angela at mabilis itong pumasok sa bahay.

"Lola, heto na naman siya." Ani Wency.

"Hayaan muna natin siya." Sabi lang nang Señora at pumasok na din ito sa mansyon.

Nagkatinginan sina Danila at Wency at kibit balikat na napabuga nang hangin.

"Si Gel?" Napalingon sila sa likod.

"Okay lang ba siya?" Tanong ni Gessalie.

"Malamang hindi, nakita naman natin kung bakit diba?" Anang Bernie.

"Patong-patong ang nangyari ngayong araw paniguradong magkukulong na naman siya." Ani Aein.

"Si Stanley?" Tanong ni Danila na nagpalinga-linga.

"Hindi na sumunod dito, malamang tamang tama sa sinabi ni Gel." Ani Arvin.

"Kasalanan din naman niya." Ani Wency.

"Oh pa'no mauuna na kami." Ani Aein.

"Uuwi na din ako." Ani Arvin naman.

"Call us kung anung nangyayari kay Gel." Anang Aein.

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon