Chapter 8

161 3 0
                                    

Evah POV

Pagkatapos kong ibigay Kay Sir lahat ay padiretso na ako ng kumpanya ng may makita akong Cake shop at naisipan ko na bumil ng cake na kakainin ko mamaya

Bumaba muna ako sumandali  at bumili ng paborito kong flavor na red velvet cake

Nag order din ako ng frappe para may mainom naman ako pamparelax

Pero nagulat ako sa nakita ko

I know private ang cake shop na ito pero nagulat talaga ako sa inasal ng babaeng yun

Natapunan kasi nung waiter ng cake shop na yun ng frappe ang sapatos niya

Sino pa? Siyempre ang sikat na si Vhian
Pero sobra siyang na galit

Pinangudngod lang naman niya yung waiter at isinubsob dun sa sapatos niya

Ni isa walang kumontra ni wala ngang nagtangka na mag video nun

Natulala din ako sa ginawa niya naestatwa ako dun

"You all!magkalinawan tayo ginawa ko ito dahil mas nauna siya na sirain ang Prada shoes ko!Got it" sabi niya at saka dire diretsong na naglakad palabas

Pero nagulat ako sa ginawa ko

I hold her hands at iniharap sa akin

"Miss Vhian why did  you do that its too much " saad ko sa kanya

Humarap siya sa akin at nag cross arms

"Too much? teka sino ka ba ka level ba kita " tanong niya habang nakataas ang kilay

Naku ang babaeng yun bida pa naman ang mga ganapan niya pero ang pag uugali ngayon sa harapan ko mismo parang demonyita

Mapagpanggap

"No mam siguro di ko kayo mapapantayan pero sa ginawa niyo nakakasakit di naman niya yun sinasadya tao siya hindi siya basahan na pwede niyong ingudngod at tapak tapakan ng ganyan...

Yes di ako katulad niyo na nakikita sa TV

Yes di rin ako katulad niyo na humahakot ng awards

Pero sa ginawa niyo mas mababa  na kayo sa kinatatayuan ko Mam" sabi ko

Pero siya umalis na

Naiinis ako bakit ba siya ganun

Ganun ba talaga ang ugali niya o sadyang hinigop na ng kayabangan ang utak ng babaeng yun

...

"Sir Frank pumayag po si sir Jalri sabi niya free naman daw siya bukas...okay na po lahat wala na kayong problema" sabi ko

Naglalaro siya ngayon ng baraha na siya lang mag isa

Nakakapagtaka lagi niyang ginagawa yun di ba siya naboboring sa ginagawa niya

"Okay Evah...bukas din pumunta ka sa  party kunin mo muna yung box dun sa may desk ko hija" sabi niya

Sinunod ko naman siya

"Heto po Sir" sabi ko

"Sa iyo iyan Sabi hi Ninang Rita mo bigay niya iyan sa iyo...limited edition ang lahat ng iyan na pinabili niya pa Kay Zachie so aasahan ko hija na bukas ibang Evah ang makikita namin...nandun lahat ng Mga Montes at ibang kasosyo namin ikaw kasama ka na dun parte ka na rin namin simula ng kami ng Ninang Rita mo ang naging guardian mo hija anak na ang Turing namin sa iyo ipangako mo ha na isusuot mo iyan huwag mo kaming bibiguin" sabi niya sa akin

Napatango na lang ako

"Pero ninong?" Sabi ko

Tumingala siya sa akin

"No buts Evah huwag kang tatanggi malas iyan tanggapin mo iyan o sasabihin ko Kay Zachie na crush na crush mo siya dati"

Nagulat naman ako sa sinabi ni Ninong alam niya pa yun hanggang ngayon

Fifteen years old pa lang ako nun tapos issue pa rin

Atsaka Kay Celdrick at Vernon ko lang naman sinabi yun

Ang mga babaerong yun sinabi Kay Ninong humanda talaga yun sa akin

"Ninong matagal na yun...ano ka ba move on na " saad ko

Mas tiningnan niya ako ng nakakaloko

"Evah itigil mo nga iyan kita pa rin na namumula ka naku mamaya malaman iyan ng asawa niya selosa pa naman yun"

"Ninong !tumigil ka na nga diyan crush lang naman yun ha atsaka wala kang magagawa ang pogi ni Kuya Sir Zachie hmmmp and for your info ninong close kami ng asawa niya...Alam nga niya yun eh" saad ko pa

Pero tawa lang ng tawa si Ninong

Nakakainis niloloko ako

"O sige na umuwi ka na past six na umuwi ka na para makapaghanda ka bukas at magpaganda ng mapansin ka ni Kuya Zachie mo" dagdag niya pa

Napanguso na lang ako

Napakatalaga crush lang naman yun ang Oa sinabi ko naman yun Kay ate Querika sabi niya okay lang daw

Simpleng paghanga pinapalaki niya

Hmmmp!!!

*****

"Beh!ano na yung cake pahingi!" Sigaw ni Somia sa akin

Iniabot ko naman sa kanya ang isang slice ng chocolate mint cake

At sabay namin kinain yun ano pa.ba ang ginagawa namin edi inaabangan ang teleserye na bet niya pintasan

Yung teleserye ni Vhian at Edriven

"Hmmmp paawa masyado ang galing talaga umarte" bulong ko

Siniko naman ako.ni Somia

"Beh bitter lang ang peg nahawa ka na ba sa pagka pintasera ko" tanong niya

"Hindi naman ...Somia.di ba nagdirek ka na sa isa sa mga commercial ni Vhian ikaw anong tingin mo sa kanya bilang katrabaho?" Tanong ko

Kumagat naman siya ng cake atsaka nagsalita

"Si Vhian?Hmmm malayo kasi.siya sa portray niya sa mga palabas

Mataray

Maarte

At higit sa lahat may pagka...

Pagkamasama  ng ugali" saad niya

Napasandal ako

"Hmmm kaya pala?" Tipid kong sagot

"Anong kaya pala?" Tanong ulit ni Somia

"Wala...nevermind mo na lang yun " sabi ko at tumayo na

"Ano matutulog ka na beh!" Sigaw niya

"Oo magpapaganda pa ako bukas "

Saad ko

Naiisip ko tuloy mabuti na rin na hiniwalayan ni Sir Jalri si Vhian

Tama lang yun

Makakahanap at

Makakahanap.siya ng mas mabait

Kaysa naman sa taong almost perfect
Di naman kagandahan ang ugali

...

#thefallingtrap
...
Plagiarism is a crime so don't try


The Falling Trap(Montes Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon