Evah's POV
Kakalapag lang nang eroplano na sinakyan ko
Nilanghap ko muna yung hangin sa paligid heto na ulit ako bumabalik na parang walang nangyari
Pinauwi kasi ako ni Ninong dito dahil kailangan na kailangan ako
Inayos ko ang buhok ko at nagdesguise na rin dahil kung sakali baka dumugin ako nang mga fans ko na hanap ng hanap sa akin ngayon simula nang mawala ako
Pagkalabas ko nang airport ay bumungad agad sa akin si Manong Rick na nakaabang sa may labas
"Mam pumasok na po kayo" sabi niya
Kaya pumasok.ako at umupo na sa loob nun inilagay ko yung earphones sa tenga ko at sumandal sandali
Ilang oras ang byahe at naihatid naman ako ni Manong Rick nang maayos sa bahay
Tiningala ko yun...ganun pa rin walang pinagbago
Katulad pa rin nang dati
Pumasok ako sa loob at maayos pa rin
Wala kasi si Somia dahil ang babaeng yun nagpunta sa Japan dahil may aasikasuhin daw siya at hanggang ngayon ang babaeng yun di pa rin nagpaparamdam man lang
Pumasok na ako sa loob ng kwarto at ibinalik ang mga damit ko sa closet ko kung saan maayos kung iniwan nun bago pa man ako umalis at iwan si Jalri
Dumaan muna kasi ako dito nun
Habang nagaayos ako nang closet ko ay nakita ko na may nahulog dun sa tabi
Pinilit ko ang papel na yun pag kaharap ko dun nakita ko yung ultrasound results ko pala
Pinagmasdan ko yun...ngumiti nang saglit at itinago ulit yun
Matagal na rin pala nung iniwan ko siya...siguro nakaharap na siya nang iba...pero bakit parang di ko man lang anbabalitaan ngayon ang tungkol sa kanya
Tanggap ko naman kung ipinagpalit niya ako tutal ako naman yung nang iwan sa kanya normal lang siguro yun
Pakiramdam ko kasi naka move on na ako sa lahat nang nangyari si na rin ako umiiyak masyado di tulad nung unang araw ko sa Paris na mag isang umiiyak sa kama habang iniisip lahat lahat
Nakakahinga na rin ako nang maluwag dahil ano pa ba halos diyan na buwan na ang umalis ako siguro sapat na yun at kung sakaling magkita kami ni Jalri makakangiti na siguro ako
Habang nag aayos ako nang mga sapatos ko at nakita ko na may nag message sa akin
Galing yung message Kay Ninong pinapapuntaha Niya ako ngayon sa Montes hospital
Hindi ko alam kung bakit pero nagtataka ako kung bakit gusto niya akong pumunta dun
Inilapag ko lang yung phone ko sa tabi At inihanda ko yung susuotin ko baka kasi importante yun at nagmamadali siya na tawagan ako
******
Pagkarating ko sa hospital ay nag text ulit si Ninong at ibinigay Ang room no nang pupuntahan koNagtataka ako kung bakit sa pinaka taas pa yun at parang private pa yata ang room na yun
Nakaakyat na ako at kinatok ang pintuan nang room.na yun
Pagkabukas ko di ko inaasahan ang makikita ko si ate Querika may hawak siyang baby kasama ni si Kuya Zachie na bumungad sa akin
Mukhang gulat sila na makita ako dun mabuti na alang at may dala dala akong prutas na naisipan kong bilhin kanina bago pumunta dito
"Evah?!" Sabi ni Kuya na biglang yumakap sa akin
"Ha-hi?" sagot ko
"Evah halika lumapit ka siguro sinabi ni Daddy na pumunta ka dito Kaya nandito ka di ba ?" Sabi ni Kuya Zachie
Lumapit naman ako kina ate Querika at dun sa baby
Nakakatuwa silang tingnan dalawa ang cute din nung baby niya medyo maliit pa yun
"Evah buhatin mo siya" sabi ni ate Querika sa akin
Ngumiti ako at tumanggi
"Huwag ate di ako marunong magbuhat ng baby atsaka natatakot ako na baka mahulog ko siya huwag na lang" sabi ko
Pero ngumiti siya at pinilit ako
"Nah Evah sige ka sasabihin ko sa asawa ko na crush mo siya ...buhatin mo na itong baby bilis" bulong niya
Kinuha ko yung baby at binuhat yun
Parang tumaas yung balahibo ko habang buhat buhat siya
Ang sarap sa pakiramdam... Ang bigta buhat nung baby at medyo humihikbi hikbi pa
Mapupula ang labi niya at medyo may kaputian kamukha niya si Ate Querika
Parang ang saya ...ang gaano sa pakiramdam na nasa mga bisig ko siya ngayon at malaanghel ang mukha nang sanggol na hawak ko ngayon
Puro ngiti lang ang nagagawa ko hanggang sa di ko inaasahan na lumuluha na pala ang mga mata ko
Di ko aakalain na sobrang magiging emosyonal ang ikikilos ko ngayon nang buhatin ko ang munting anghel na ito
" Your crying here wipe your tears"sabi nung boses mula sa likuran ko at inabutan ako ng tissue
Kinuha ko yun sa palad niya at kinuha yung tissue sabay balikko nung baby Kay Ate Querika
"Okay ka lang ba Evah?" Tanong ni ate Querika sa akin
Ipinikit ko ang mata ko at pinupunasan yung luha dun
"Okay lang ako ang cute kasi ng baby mo sobra lang akong nasiyahan sa kanya...huwag mo akong intindihin ate" sabi ko
Pagkatapos kong gawin yun ay lumingon ako
"Salamat pala sa tissue-" napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko si Jalri na napatayo sa harapan ko
"Ja-jalri?" Saad ko
Seryoso siyang tumingin sa akin at ngumisi
"After nine months you're back...
Ang tagal kitang pinahanap
Dito lang pala tayo magkikita" sabi niya sabay hawak sa kamay ko"Gusto ko mag usap tayo...yung tayo lang
Ikaw at ako" saad niya
#thefallingtrap
...
Plagiarism is a crime so don't try
BINABASA MO ANG
The Falling Trap(Montes Series #7)
Художественная прозаEvah Vrenda Leris the smart and conservative secretary of Mr.Frank Montes Evah is a Dedicated woman to her work pero paano kung isang araw ay humingi ng isang pabor ang Boss niya na pinagkakautangan niya ng lahat Isang pabor na hindi niya pwedeng...